Ang una nating word ay MAKITID di ko alam pero eto talaga yung gusto kong unang word haha, so yun nga ang isang "makitid" ay ang mga klase ng mga tao na ayaw patalo sila yung mga tao na ayaw tumanggap ng pagkakamali, at ang napaka astig tungkol sa kanila pag sila ang may mga kasalanan ay ibabaling nila sayo ang sisi tapos pag narealize niyang mali talaga siya, at akala mo ay magsosorry na o ano man, mali ka, magpapa awa pa yan kesyo hindi daw sila na iintindihan, wala daw umiintindi sa kanila but the truth is sila ang hindi makaintindi sila ang makitid, ayaw mapaliwanagan at pag napikon ibloblock ka pa.
yan tayo eh, pag ayaw mo talaga pa talo ay ibloblock mo na lang, ang mga ganitong tao ay napaka hirap intindihin at unawain, well para kalang naman nanonood ng chinese movie na walang subtitle at nasa math class na ang topic ay trigonometry, o dba napaka angas hindi mo maintindihan, hindi ka niya maintindihan, pero syempre kung tunay ka na kaibigan, pamilya o kahit bilang isang tao, pinipilit natin silang unawain kahit sobrang hirap, yung minsan mapapaisip ka na lang paano mo ba mapaiintindi sa kanya, ano bang kailangan tiwala, trust? kasi parang hindi naman, ang kailangan nila ay space, ang mga tao na katulad nila ay kailangan ng space, yung hahayaan mo silang magkaroon ng self time. makapag isip isip yung makapagreflect sila sa isa't isa. Sabi nga nila tao lang tayo nagkakamali, kaya kailangan katulad natin na minsan gusto ng kapatawaran ay dapat magpatawad din sa iba, wag maging makitid at ilagay ang sarili kung ikaw ang nasa posisyon nila.
at para naman sa mga taong makitid? ito lang masasabi ko, minsan mahirap talagang umamin ng pagkakamali, umintindi pero kailangan isipin natin yung mga tao na nasa paligid at umiintindi at nag aalala sa atin, minsan kasi ang gusto natin tayo lagi yung tama, tayo yung kawawa, nalilimutan na natin ang kahalagahan at nararamdaman ng ibang tao. hindi tayo perpekto pero sana subukan man lang sana natin na iwasan, pagkaisipan, pagnilayan, tao lang tayo nagkakamali pero hindi ibig sabihin nun ok lang kahit pa ulit-ulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/119100397-288-k361793.jpg)
YOU ARE READING
Pilosopiya Ni Bes
RandomAng librong ito ay pawang sa loobin lamang ng author kaya wag masyadong dibdibin... baka kasi bes wala ka non hahaha hope you like reading this, wag kalimutan mag like and comment, muah!