2 am na nang makarating kami sa bahay after the party.Umuwi din naman kaagad si Stephen.Hindi ako duty ngayon kaya naman magpapasyal nalang kami ng mga pamangkin ko,tutal Sabado naman ngayon at walang pasok.
♫Hey Stephen, I know looks can be deceiving
But I know I saw a light in you
And as we walked we were talking
I didn’t say half the things I wanted to
Of all the girls tossing rocks at your window
I’ll be the one waiting there even when it’s cold
Hey Stephen, boy, you might have me believing
I don’t always have to be alone
‘Cause I can’t help it if you look like an angel
Can’t help it if I wanna kiss you in the rain so
Come feel this magic I’ve been feeling since I met you
Can’t help it if there’s no one else
Mmm, I can’t help myself♫♫♫
Stephen calling..
Ang kukulit talaga ng mga batang yan.Pati ba naman ang ring tone ng cellphone ko eh pinalitan ng 'Hey Stephen'.Ano kayang binigay ni Stephen sa mga bata at nagustuhan siya ng mga 'to.Hay.Masagot na nga.Papalitan ko nalang mamaya ang ring tone.
"Hello?"
"Hi Pers.Labas tayo?"
"Ay ano kasi ipapasyal ko ang mga bata ngayon eh."
"Ganun ba.Sige,sasama nalang ako.Gamitin nalang natin yung sasakyan ko.Sige bye."
"Teka----"
Call Ended
Hindi pa nga ako pumapayag.Binabaan na kaagad ako ng telepono.Nakakainis naman.Pero ayos lang.Atleast tipid na sa gasolina.Haha.
*Tok tok*
"Mama,pahiram cellphone."Chila.
"Bakit?"
"Why mama?Don't you trust us?Huhuhu."Chila and Chisa.
Sus.May kasalanan pa nga kayo sakin tapos mag-aacting pa kayo.Sige na nga.Wala naman siguro silang gagawing masama.At wala naman akong tinatago sa inbox ko.
"Oh ayan na.Pagkatapos niyo ah.Magready na kayo,aalis tayo."
"Yes!Thanks ma!"
Sinundo naman kami ni Stephen sa bahay.At ngayon ay papunta na kaming mall.Yung mga bata nasa likod tapos ako naman katabi ng driver's seat.Katabi si Stephen.
♫Dear John, I see it all now that you're gone
Don't you think I was too young
To be messed with
The girl in the dress
Cried the whole way home
I should've known
Well maybe it's me
And my blind optimism to blame
Or maybe it's you and your sick need
To give love then take it away
And you'll add my name to your long list of traitors who don't understand
And I'll look back in regret how I ignored when they said
"Run as fast as you can"♫♫♫
John calling..
"Hahaha." Narinig kong tumawa ng mahina yung kambal.
Si Stephen naman napalingon sakin.Tsk.Pati nalang sa ring tone magseselos?Hay naku talaga.Yung kambal nanaman ang may pakana nito.Well,papalitan ko nalang mamaya.Masagot na muna ang tawag.
"Hello?"
"Hi Pers.Could we go out today?"
"Ano kasi John eh,kasama ko yung mga bata pati si Stephen."
"Where are you?"
"Pupunta kaming mall eh."
"Ah sige.Pupunta ako.Bye."
Call Ended
Uso ba ngayon ang hindi paghintay ng sagot?Ang pagbaba ng call basta basta?Nakakainis eh.Hay nako.
"Mama,kain na muna tayo.Nagugutom na ako eh."Tinker.
"Oo nga mama.Kanina pa tayo play ng play."Peter.
Kanina pa kasi kami nakadating sa mall at naglalaro.Kasama na nga namin si John.Hindi nga lang siya masyadong gusto ng mga bata.Hindi nila kinakausap si John kasi sabi nila magagalit daw ang papa nila.Ang Papa Stephen nila.Si Stephen naman tuwang-tuwa sa mga bata.Kinacareer niya naman masyado ang pagiging papa niya.Tsk.
"Sige,saan niyo gusto kumain?"John.
"Papa Stephen,let's go to Jollibee."Athena.
"Yeah right papa stephen!Kain na tayo!"Hercules.
Nag-smirk naman si Stephen kay John.Si John naman mukhang naiirita na.Hay nako talaga.Pati ba naman favoritism uso na din?Makiuso na din nga ako.Hehe.Joke lang.
Papunta na kami ng Jollibee.At dahil may favoritism ang mga bata,silang lahat nakabuntot kay Stephen.Ganda no?At si John naman,nakikipag-feeling close sa mga bata.Ang bata naman hindi pinapansin si John.At ako?Nasa likod nila.
"Honey!"Napatigil naman kami sa paglalakad.Nandito din pala si Edward.Ang saya naman.Haha.
"Edward!"Ako. Tapos nagyakapan kami.Magbestfriends kami eh.Walang malisya please.
"May kanta ba si Taylor Swift na Dear Edward?"Chila. Nagbubulungan yung kambal.Rinig na rinig ko naman.
"Wala.Meron bang Hey Edward?"Chisa. Mga batang 'to talaga.Ang kukulit.
"Wala din eh.Sayang talaga."
Tiningnan ko sila ng masama.
"He-he."Silang dalawa.
"Ikaw kasi eh!Ang lakas ng boses mo."Chisa.
"Anong ako?Ikaw din kaya!"Chila.
Gagawa nalang nga ng kalokohan magpapahuli pa.Mga bata talaga.
Kumain nga kami sa Jollibee.Yung tatlong guys?Hindi sila nagkakasundo.Ano naman kayang problema nila Stephen at Edward?Magpinsan naman sila ah.Si John naman,grabe makatingin dun kila Stephen at Edward.Siguro kung nakamamatay ang pagtingin ng masama,eh patay na yang dalawa.
"Sige Pers.Mga bata,una na ako ah.Mag-iingat kayo."John.
"Sige John,ingat ka din."Ako.
"Papa Stephen,let's play there!"Athena.
"Yes papa!Please!"Silang lahat.
"Sige bye."John.
Nairita na siguro si John.Kawawa naman siya.Mabuti na nga lang at pinapansin naman ng mga bata si Edward.
Nag-enjoy naman kaming lahat.Syempre except kay John na naichapwera ng mga bata.Masayang-masaya naman ang mga bata kasi daw kasama nila ang papa Stephen at tito Edward nila.Galing no?
Thank You Lord sa magandang araw na to.Thank You po sa mga batang mahal na mahal ko kahit ang kukulit nila.At thank You din po kila Stephen,Edward at John,na mabubuting kaibigan ko.Maraming salamat po talaga!

BINABASA MO ANG
Ang Nanay ng Lahat
HumorMakakayanan mo kaya kung ikaw ang magiging Ina ng lahat? kung ikaw ang breadwinner ng pamilya? kung ang mga batang inaasikaso mo ay hindi mo naman talaga mga anak? at ang masaklap pa ay WALA KANG LOVELIFE?