Chapter 3

66 5 1
                                    

“Ang ganda naman dito. Hmmmmm asan kaya ako? Parang paraiso, ang linaw ng dagat ang daming puno, ang gaganda ng mga bulaklak. Ang payapa.!”

umupo muna ako sa damuhan habang pinag mamasdan ang ganda ng lugar ng biglang may nag takip ng mga mata ko, na pilit kong tinatanggal ang makinis niyang kamay. X)

Matatanggal ko na sana ung kamay niya ng bigla

“jha jha!!!! gising gising!”

pag dilat ko ng mata ang nakita ko ay si nanay lordes.

“Nananaginip ka. Bumaba ka na at malelate ka na sa school.”

Buti na lang at panaginip lang un, kasi kung totoo un sigurado ako masasapok ko ung nag takip ng mga mata ko . joke lang. Hindi pa kaya ako nakakasapok. Pinalaki ata ako ng mga magulang na Dalagang Pilipina ;)

“ayy,ganun po ba? sige po.” minsan talaga ang taray ni nanay lordes, hnd na ata siya dinadatnan ng alam niyo na.XD"

Kumain na ako agad at nagbihis na. Syempre naligo ako, baka isipin niyong hindi ako naliligo eh. hehehe nagmamadali na tuloy akong pumasok sa school.

Pagdating ko ay saktong nag bell na.

“hay nako, konti na lang malapit na ako sa room namin. Konting konti na lang, sana wala pang titser.” bulong ko sa sarili ko

Ng makarating ako sa loob ng room ay nandun na ung titser namin. Late dn kasi ako ng mga 10 minutes. Kaya kumatok muna ako at pagpasok ko ng pintuan ay sumalubong na agad siya

“Good Morning Miss. Wilson! This is the second day of school, tapos late ka agad.”

wala na akong masabi kundi “Sorry po ma’am.”  ng nakayuko.

“okay, sa susunod aagahan mo! You can take your sit now.”

“GOOD MORNING everyone I’m Mrs. Rodriguez………”

Ang aga aga center of attraction agad ako, umupo na lang ako at nag buntong hininga. I see a lot of new faces now, ang daming transferee. Nung first day magulo ang schedule namin kaya hindi pa kami nag tagpo ng mga magiging classmate ko.

Habang tinitingnan ko ang bawat isa …………. Boooooooom! Classmate ko si Prince. Nako -.- nako talaga. Dahil sa na alala ko ang kahapon nakatingin lng ako ng masama sakanya.

“Miss Wilson! Miss Wilson!”

ohh gosh tinatawag pala ako, patay ako nento.

“yes ma’am?”

“I think busy ka kakatitig kay Mr. Milton.”

“ayieeeeeeeeeeeeee” sigaw ng mga classmate ko.

“nako ma’am inlove na si jha, hayaan na natin ngayon lang siya mag kaka love life ehh.!” sabi ng pasaway kong kaklse.

“hey prince ano, sasagutin mo na bas si jha?” singit pa ng magaling kong seatmate.

bigla namang sumagot si prince

“Guys kailangan muna ako ligawan ni Miss President.”

ohhh no!!! what the hell! bakit kaylangan niya un sabihin. Dahil dun lumakas tuloy ang ang mga sigawan ng mga kaklase ko. I can’t take this. Hindi ko na to matiis, napasigaw tuloy ako ng di sinasadya.

“Stop it!!!!”

Biglang tumahimik ang mga kaklase ko at naka tingin lang sa akin si mrs. rodriguez .

Halaaaaa bakit naman ako sumigaw ng ganun. kasi naman alam naman nilang ayaw kong na iinvolve ako sa ganyan. Love? no way!

 “Okay, okay class let’s go back to the discussion.” sabi ni mrs. rodriguez

kasalanan na naman ni Mr. Milton. Napatingin ulit ako sakanya at lalo akong naasar sa ginawa niya! Kindatan ba naman ako at nginitian. Kung hindi lang talaga bawal pumatay ng tao, siguro napatay ko na siya!..

POV---Jhanna

“Guys kailangan muna ako ligawan ni Miss President.” UHHHHHH!! Nakakainis talaga siya. Konting konti na lang bibinggo na siya! Pwede namang tumahik na lang. Pero hindi ehh. Sumulsul pa ang loko. Ano kaya ang gusto niya mangyari?!!!!

Whoaahh.. 123456789.

Akala naman niya dang gwapo niya!. kaurat lang ano po.. Hindi ko na lang siya iintindihin. magaaral na lang ako ng maigi tulad ng ginagawa ko noon.

Pagtapos ng klase nag break na muna kami para naman magising ng konti. Nakakaantok kasi mag turo si Mrs. Rodriguez. shhhh lang kayo ahh ;) hahaha

lalabas pa lang ako ng room eh nilapitan na ako ni Prince.

"jha!" 

"Ow??."

"Nakaka dalawa ka na ahh." sabay kindat. 

"huh?!" Tiningnan niya na lang ako tapos lumabas na agad ng room habang natakbo. 

Ako? ung itsura ko nakaknganga pa din. Nag tataka na ewan. Ano kaya un? wagas talaga. Kung hindi ba naman may sapak un diba!.

Nilapitan na din ako ni alexis kasi nakita niya at narinig niya ung sinabi ni prince.

"bhesti I think gusto ka ni mr. Milton mo."

"krrrrrrr. Wala akong pakialam sakanya. at isa pa bwiset siya no! I really hate him.!!!"

"ooopsssssss!"

"BAKIT??"

"sabi mo you really hate him, right??"

"right. Ano meron?

"the MORE you HATE the MORE you LOVE!! " sabay dinilaan ako.

"Gosh! Pati ba naman ikaw." 

dahil sa ayaw ko na maging topic namin si Prince syempre gumawa ako ng paraan 

"okay! Nga pala tinetext ka ba ni erick?"

"hmmmm, ou."

"Talaga? :D  Ano masasabi mo sa best friend ko?" 

"Wait wait lang ha bhestii, nag kakatext pa lang kami. Un lang po." 

"Ahhhhh. Basta if he did something wrong, sabihin mo agad sa akin haaa. Ako bahala dun."

Tahimik lang si alexis habang pinag uusapan namin si erick. Ewan ko ba sa babaeng to. Hindi siya kinikilig ngayon. Baka may problema. Kaya ang ginawa ko niyaya ko mag ikot ikot muna kami sa school. 

Nang nag iikot kami nakasalubong na naman namin si prince. kalawak lawak ng school tapos sa dami dami ng studyante nakita ko na naman. Magkasama na nga kami sa klase ehh.

Ung mukha niya sa akin lang nakatingin, ung tipong papalayo na kami. Sinusundan niya pa rin ako ng tingin. At pano ko nalaman? HAHAHAHA syempre tiningnan ko siya.XD 

Tinignan ko lang at wala ng iba pa. Remember I really hate him.  Tsaka my Family and my study lang ang priority ko no :P 

 (comment po :'> )

Make me BELIEVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon