Chapter 6 part 1

67 4 2
                                        

Pag tapos niyang mag pangalumbaba ay tumitig lang siya sa akin.

"Bakit??" tanong ko sakanya habang nakataas ung right eyebrow ko. 

"Ang ganda mo."

Hala ano kaya nang yayari dito kay erick.

"Nako alam ko namang maganda ako, matagal na."  Everyone knows na maganda ako no, nahuli na ata siya sa balita eh ^-^ hahahaha

"Seryoso ako, ang ganda mo talaga." Ung mga mata niya parang may spark. At ngayon ko lang ata siya nakitang ganito ka seryoso sa pag sasabi sa akin ng maganda ako.

"Ahh, lagi mo namang pinapaalala sa akin yan ha. kaya okay na. Thank you na din."

"Jha??"

Lalong naging seryoso ung mukha niya na parang may gustong ilabas na problema.

"Yes?" 

"I'm inlove with someone."

Nako kaya pala ganito ang mukha nito inlove.XD wut wut. hahaha

"Inlove pala ang bestfriend ko kaya ganyan. Okay lang yan."

"Hindi okay to."

"Ehh bakit ka kasi na inlove na lang bigla bigla. By the way. Who's the lucky girl??"

"Naramdaman ko na lang to bigla, gusto mo ba talaga makilalala??"

"Sabi na ehh, kaya ayokong ma involve sa love love na yan. Tingnan mo nangyayari sayo ngayon. Nahihirapan ka pa tuloy. Hay -.-              sige sino ba??"

"hmmmmm, nevermind."

"Sige na sino?"

"Wala namang mangyayari kahit sabihin ko sayo."

"Sabagay."

"Ano matutulong ko sayo jha?"

Binago niya na bigla ung usapan.

"Talaga! tutulungan mo ako??"

"ou, asan ba?"

Kahit kelan talaga ang bait ni erick, atleast mababawasan ang intindihin ko. Yeah :D Nag abot ako sakanya ng mga papers.

"Eto ohh, paayos na lang ung pag kakasunod sunod. Salamat!!"

"Okay."

Ung okay niya, ang lungkot. Tss tss hindi kaya dahil sa girl na un kung bakit malungkot si erick. Hmm baka hindi siya gusto. Kawawa naman si bestfriend.

-------

"Sa wakas natapos ko na ung mga activities!!" 

Tumayo na muna ako dahil sumakit ang likuran ko sa kagagawa ng mga activities na na miss ko.

Kembot to the left kembot to the right. Forward and backward .XD

"Ano ginagawa mo?" tanong sa akin ni erick.

"Nag stretching, napagod ako ehh."

"Napagod ka??"

"Ou! Ang dami kaya nito."

"Hahahaha, ou nga. Eto pa o ung pinapaayos mo di pa tapos."

"Ayy sorry erick mag e-eight na pala, Sige uwi ka na. Ako na mag tatapos niyan."

"Ayaw."

Laaaaa sira din tuktok nito parang bata lang. haha

"Okay, sige tapusin mo na yan!."

ayaw niya pang umuwi eh, siya na mag tapos. HAHAHAHAHA

Bigla na lang siyang tumayo at hinawakan ung magkabilang balikat ko at inupo ako.

"Aray naman." Tumalbog kaya ung pwet ko sa lakas ng force niya. hehehe

"yan na! tapusin mo na yan, bibili lang ako ng makakain. Wait mo ako."

Inabot niya sa akin bigla ung mga papers at lumabas na ng kwarto ko.

Malapit ko na matapos ung mga inaayos kong papers pero wala pa din siya. Ang tagal naman niya, san na kaya napadpad un. Ang dami kayang pagkain sa kusina tapos lumabas pa siya ng bahay. 

Baka naglilihi si erick. X) kasi hindi gusto ung pagkain sa kusina kaya nag hahanap ng gusto niyang kainin. hahaha

Nakinig na muna ako ng music habang hinihintay siya.

------

POV----- Erick

Pag panik ko sa kwarto niya nakita kong tulog na si jha. Nakapatong lang ung mukha niya sa study table niya habang nakasaksak ung earphone sa tenga niya.

Tinanggal ko na ung earphone niya tapos kumuha ako ng kumot at nilagay sakanya. Tiningnan ko din ung mga papers kung tapos niya na, hindi pa nga lang. Konti na lang ang natitira hindi pa tinapos. kaya para wala na siyang iintidihin bukas tinapos ko na un.

Iniwan ko na din ung pagkain sa tabi niya, baka sakaling magising at magutom siya.

"Uuwi na po ako." paalam ko kay nanay lordes. Wla pa din kasi ung mama ni jha hanggang ngayon eh.

"Sige iho, si jha?"

"Nakatulog na po , paki sabi na lang po na umuwi na ako kung sakaling hanapin niya po ako."

"ahh sige sige, salamat. Ingat ka."

"Thank you po nanay lordes."

Lumabas na ako ng bahay nila at dumeretso na sa bahay namin. Inantok na ako bigla makapanik na nga sa kwarto ko.

Pag higa ko hindi naman ako makatulog, paulit ulit kong naririnig ung boses ni jha sa isipan ko. Ang masakit pa ung sinabi niya kanina sa akin.

"Sabi na ehh, kaya ayokong ma involve sa love love na yan. Tingnan mo nangyayari sayo ngayon. Nahihirapan ka pa tuloy. Hay -.-              sige sino ba??"

Ano na kaya ang gagawin ko.? 

you have a new message.

May nag text sa akin bigla, si alexis.

"erick!!"

"yes alexis?"

"Wala, manggugulo lang. Kasi lagi tayong mag ka text this fast few days tapos hindi ka nag text kanina. hahaha Kamusta ka na?"

"Hindi okay."

"Why? may problema ka? baka makatulong ako."

" I'm inlove with someone pero hindi ko masabi sakanya."

Ang tagal niyang mag reply. Halos 30 minutes na ang nakakalipas, baka hindi na nga mag reply. ehh. Nag antay pa ako ng konti kung mag rereply siya o hindi, pero after 1 hour nag text na siya.

"Sorry kung ngayon lang ako nakapag reply. Face your fear erick."

"Hindi ko alam kung paano alexis. I hate this feeling :3 "

"Erick, alam mo kung pano gawin. Hindi mo lang kayang simulan. Walang mangyayari kapag tinago mo lang yan. Baka mag sisisi ka pa kung hindi mo pa aminin sa kanya."

Hindi na ako nakapag replykay alexis, ang hirap talaga ng ganitong feeling. Tama si jha pero tama din si alexis.

Hindi ako nakatulog kakaisip kung paano ko sisimulan aminin sa taong gusto ko na mahal ko siya.

Pero biglang may sumagi sa isipan ko.

Alam ko na kung paano ko sisimulan...................

@TheaMaricela :) sorry po kung may mga mali.XD hihihi

Make me BELIEVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon