Pagkarating ko ng bahay ay humiga na agad ako sa aking kama. Iniisip pa rin ang mga nangyari sa akin.
“ayy! aayusin ko pa pala ang gamit ko”
Naalala ko bigla kaya kinuha ko ang bag ko ng laking gulat ko ng!
Andun ung kahon.
“ang pag kakatanda ko ay na kay alexis ito pero bakit nasa akin?!”
biglang…………..
“I'll spread my wings and I'll learn how to fly I'll do what it takes til' touch the sky. And I'll make a wish Take a chance .Make a change. And breakaway
Alexis calling.
Sinagot ko to agad. At pagkasabi ko pa lang ng hello ay nagsalita na siya agad.
“bhestii nakita mo na?”
“Ang alin bhestii?”
“ung box.” pasigaw niyang sabi.
“hay ou! loka loka ka talaga, paano to napunta sa bag ko?”
“nilagay ko, habang naguusap tayo sa may bench kanina. Lingon ka kasi ng lingon eh. hahahaha”
“ahaaaa!!”
“sige na bhestii, babush na. Busy ako eh. Balitaan mo na lang ako kung anong laman haaa.”
“o….
-tut tut tut tut-
Hay puro talaga kalokohan ang alam ni alexis. Mantakin mo naisahan ako. Okay na curious ako bigla sa laman ng box na to. Sige na nga bubuksan ko na.
Pagkabukas na pag kabukas ko ay nakabalot ulit sa Gift wrapper.
"Hay bakit naman ganito to, nahiya naman ako sa nag balot."
Nang Makita ko na hindi na nakabalot ito dali dali kong sinira ung box at nakakita ako ng Isang cupcake at may letter.
Okay alam ko na kung kanino galing to. kay Justin Martinez.
May dearest manliligaw. Classmate ko siya since Ist year. He’s nice and kind. Pero pag dating kasi sa ganyan wala talaga akong pakialam. Masasaktan at masasaktan lang ako jan sa Pag ibig na sinasabi nila.
Sabi ko nga na tumigil na siya kasi masasayang lang lahat ng effort niya. Pero hindi daw siya susuko. Okay bahala na siya.
Pag open ko ng letter.
Dear jha
I baked that cupcake, its special for a person like you. I’m hoping that you can love me back.
Always take care.
Pag kabasa na pagkabasa ko ay bigla na lang ako natawa
straight to the point talaga to si Justin. He’s courting me about a months. Ganyan siya sa lahat ng nililigwan niya.
Tama sa MGA nililigawan niya. Babaero yan, pinag sasabay ang mga girls. Kaya Hinahayaan ko na lang siya.
Biglang may kumatok sa kwarto ko.
“Ma’am jha handa na po ang hapuan niyo” sabi ni nanay lordes
“opo, susunod na po.” sabi ko ng may pag mamadali.
Si nanay lordes ang nag aasikaso sa bahay. Siya din ang nag alaga sa akin simula ng bata pa ako. Kaya parte na siya ng aming pamilya.
Habang bumababa ako ng hagdan may narinig akong kumakanta.
“You're beautiful. You're beautiful. You're beautiful, it's true. I saw your face in a crowded place, And I don't know what to do, 'Cause I'll never be with you.”
Pag tingin ko nagulat na lang ako ng Makita ko ang isa ko pang Best friend na si Erick Lee.
“ ohh, Erick? ano ginagawa mo dito?” tanong ko na may pag tataka.
“Well I miss you na jhajha” naka ngiting sabi niya.
“Ang layo ng bahay natin ahh, parang ngayon na lang ulit tayo nag kita.?”
Natawa na lang siya sa sinabi ko.
“Tara kain na masarap ang luto ni nanay lordes.”
biglang sumabat si nanay lordes.
“Ikaw talagang bata ka, nambola ka pa. Sige na at kumain na kayo.”
Oo kilala na siya ni nanay lordes at lahat ng tao sa bahay namin. Pati si mom at dad. Since elementary pa lang kasi mag kaibigan na kami, hanggang nagyon. Nakakatuwa diba?Hindi nga lang kami mag kasama sa School. At magkatapat lang ang aming bahay.
Pagkatapos naming kumain ay dumeretso kami sa sala ni Erick para mag kwentuhan.
habang nanunuod kami ng palabas ay bigla na lang siya nag salita.
“ wuiiii musta school?”
“ahmmmp, okay lang.” sabi ko sakanya habang busy ako sa pag lalaro sa iphone ko.
Bigla siyang tumayo at tinabihan ako, dahil nasa kabilang sofa siya nakupo. Pagkaupo na pagkaupo niya nag salita na siya agad.
“ehhhhhhhhhhhhhhhhh si alexis?”
tumingin ako sakanya at ngumiti ng parang may masamang binabalak.
“at bakit?!” sabi ko sakanya.
“wala lang, penge number niya ha?” sabi ni Erick ng parang nag mamakaawa.
Kakaiba din to si Erick haa. Ang alam ko din wala siyang nililigawan. At mabait namn kaya agad kong kinuha ung phone niya at sinave ung number ni alexis.
“ayan na! Ikaw ha, wag mong sasaktan un. Bestfriend ko din un.” sabi ko sakanya.
Kinuha na lang din niya ung phone niya at nag pasalamat sabay labas ng bahay.
“babye jhajha. Babalik ulit ako dito ha.”
“okay, sige.” sabi ko sakanya. Lagi naman kasi siyang andito ehhh.
Pumanaik na ako sabay natulog na.
(comment po kayo :) follow na din @TheaMaricela)
![](https://img.wattpad.com/cover/14775872-288-k630372.jpg)
BINABASA MO ANG
Make me BELIEVE
Teen FictionIf someone don't believe in love, how can you make her believe that Love is the best thing she can ever had.? On-going pa siya guys :) super slow update :3 hehehe