NADINE's POV
Siguro nga ako na ang pinaka magandang prinsesa sa araw na ito, imagine pipila ang mga prinsepe para lang mapili ko sila na magiging prince charming ko. Hay ganda ko talaga! Ako nga pala si Princess Na-
"Aray ha!" Angal ko habang hawak yung ulo ko na pinukpok ng tabo ni Kath.
"Naka tulala ka nanaman! Nag iimagine ka nanaman ng prinsesa prinsesa. Huy! College na tayo! Tumigil ka na diyan Nadz!" Wika ni Kath. Talaga toh! KJ! E wala din namang love life. HAHAHA!
"Tumigil ka nga diyan. Hindi noh! Iniisip ko lang, bakit kaya naligo kana mabaho parin?" Pang aasar ko.
"Sariling amoy! Hindi ka pa naliligo! Haha! Maligo ka na nga at tara na at mag enroll." Sagot ni Kath.
Oh yan! Korona mo! Bilis na!" Utos ni Kath sabay lagay ng tabo sa ulo ko. Ganda ng korona ko! Prinsesa ng banyo.
Oo pala. Nakatira kami ni Kath sa isang maliit na kwarto na pinapaupahan ng tita namin dito sa Maynila. Galing pa kasi kami ng London. Okay joke. Galing kasi kami sa probinsya. Dahil nakatanggap kami ng scholarship sa isang university dito ay nag decide mga magulang namin na mag aral na kami dito. Tutal mag fi-first year college naman na kami e. Sayang din naman yung scholarship diba? Ngayon pupunta kami sa ASDFG University para makapag-enroll.
"Hoy Nadine Lustre! Ilang taon mo balak maligo? Kahit ilang taon ka diyan wala ka ng ikakaganda! Kaya bilis!" Demand at panlalait ni Kath. Haha! Don't worry ganiyan kami mag usap niyan. Simula kasi pagkabata kami na ang mag best friend sa probinsya. Sa tagal nga naming magkasama e, nagiging magkamuka na daw kami. Haha!
Pagkatapos ko maligo ay nag bihis na ako at kaagad na kaming umalis. Sumakay na kami sa royal carriage namin- Tricycle.
-- --
"Ang ganda! Friend parang Hogwarts with a modern twist." Ang ganda talaga ng pagkakagawa e. Ang amazing tignan. Grabe! Okay, nakakamangha talaga e.
"Ang ganda nga friend! Pang sosyal. Di tayo bagay dito." Wika ni Kath habang na-amaze din.
![](https://img.wattpad.com/cover/14793712-288-k288342.jpg)
BINABASA MO ANG
My Twisted Fairy Tale [JaDine & KathNiel Fanfic] ♥
FanfictionDo you believe that we'll all have our happy ever after? Like the one's in movies, stories, fairy tales, books? Do you believe we'll find our own Prince Charming? That he'd be a knight in shining and he'll save you from the evil monsters? Well, if y...