KATHRYN's POV
Smack lang naman e. Pero bakit ganito yung epekto saakin?!
"Miss, available po ba yung book na Anna and the French Kiss?" Tanong nitong babae saakin. Huhu! Ano ba! Edi hanapin mo. Leche tamad! Tapos talagang may kiss pa yung title. Inaasar ba ako nito?
Joke. Haha! Kung nag tataka kayo kung bakit ako nasa library, diba nga library custodian ako? Part time job ko?
"Ah. Wait. Check ko lang po." Sagot ko sa babae at tinignan ko online.
"Wala na e. Sa Friday meron ng mag babalik." Nakangiti ko na sinabi. Hindi ako pwedeng sumimangot dito kasi pag ako sumimangot papanget ako. Joke.
Ugh! Yung kiss.
Nanakaw na yung first kiss ko.
Ang malala pa dun, si Daniel Padilla na sinusumpa ko ang nakanakaw nun. Ish!
DANIEL PADILLA I HATE YOU!
"Ah miss." Biglang may nag salita.
"Ano po yon?" Tanong ko naman.
"May nagpapatawag po kasi sa'yo sa labas."
"Sino?"
"Basta po labas daw kayo. Ngayon na daw po." Aba? Sino naman? Demanding pa huh, e kung wag kaya akong lumabas dun.
Pero dahil sa curiosity, lumabas ako at tinignan kung sino ang nandun at hinahanap ako.
Nakita ko siya.
Papasok na sana ulit ako, pero hinawakan niya yung braso ko at pinaharap ako sakaniya.
TInignan ko lang siya.
"Sorry." Biglang sabi nito, kita sa mata niya ang sincerity pero kahit na! Ninakaw niya ang first kiss ko!
Tinitignan ko parin siya. Hindi ako nag sasalita, bahala siya diyan.
"I think we started on the wrong foot Kath. Can we start over again?" Sincere na tanong ni Daniel.
Hindi ko alam pero napasagot nalang ako, "Paano?"
"Ganito, pasok ka sa library. Dali!" Utos nito saakin. Kainis na toh, pag tapos akong palabasin pababalikin ako? Aba adik.
Hindi na ako nag tanong, bumalik nalang ako. Bahala siya sa trip niya. Umupo ako sa upuan ko kanina.
After ilang seconds ay pumasok naman si Daniel.
"Hi po Miss, meron ba yung book ng Diary Ng Panget dito? Available ba?" Tanong saakin ni Daniel na as if isa siyang studyante na normal, oo abnormal kasi siya.
Weird neto. "Ah e sir, tignan ko lang po." Sagot ko naman at tinignan sa computer kung available pa. Boom. May isa pa.
"Sir may isa pa pong available, check niyo nalang po sa Teen Fiction section." Mabait kong sinabi sakaniya.
"Ah thanks miss, ako ng pala si Daniel Padilla." Sabay abot ng kamay niya. Okay? Ang weird? Anong ginagawa niya? So we're starting over?
"Kathryn Bernardo po sir." Sabi ko naman ng nakangiti at inabot yung kamay niya tsaka kami nag shake hands.
"Umm. Kath, mind if I ask you to dinner? Not a date, just dinner. Umm get-to-know dinner?" Pormal niyang tanong saakin. Okay? This is weird.
![](https://img.wattpad.com/cover/14793712-288-k288342.jpg)
BINABASA MO ANG
My Twisted Fairy Tale [JaDine & KathNiel Fanfic] ♥
FanfictionDo you believe that we'll all have our happy ever after? Like the one's in movies, stories, fairy tales, books? Do you believe we'll find our own Prince Charming? That he'd be a knight in shining and he'll save you from the evil monsters? Well, if y...