NADINE’s POV
“O’sige. Pwede ka ng mag start bukas.” Wika ni Ma’am Jane saakin.
“Thank you po ma’am! Thank you po! Sobrang thank you po.” Natanggap kasi akong mag part-time dito sa coffee shop na ito, Moonlight Café. Pang sosyal nga itong café na ito e. Isang baso ng kape 150?! E may 3-in-1 naman. Tapos yung cappuccino nila 200+, jusko! Isang linggo na baon ko na yata yon.
Hindi ko na kailangan ng training. Ang gagawin ko lang naman kasi, kumuha ng order, tapos mag linis ng tables. Medyo janitress. Hahaha! Pero hindi naman masyado. Mej lang.
Si Kath? Ayun, sa library siya. Library custodian. Ayaw ko kasi dun. Masyadong tahimik. Hahahaha!
“Good morning sir!” Bati ni Ma’am Jane sa kakadating na lalaki, medyo matanda, pero di naman as in matanda na. Mga 40+ siguro.
“Good morning Jane.” Bati pabalik nito.
"Ah. Oo nga pala, Nadine. Ito si Mr. Jaime Reid. Siya ang may-ari ng coffee shop na ito.” Pagpakilala ni Ma’am Jane sa lalaking nasa harap ko, which is also the owner ng café na ito.
“Uh. He-hello po! G-good mmm-morning.” Nauutal kong sinabi. Kinabahan ako. Ewan ko kung bakit.
“Hi Nadine, right?” Tanong ni Sir Jaime saakin sabay abot ng kamay saakin. Inabot ko ito para makapag shake handskami.
“Ah opo.” Sagot ko.
“Hindi ba at parang napaka bata mo naman para mag trabaho?” Tanong ni sir saakin ngunit nakangiti parin siya.
“Ah. Umm. Kailangan po kasi sir e.” Nahihiya kong sagot.
“Come let’s sit. Jane. Alam mo na ang order ko. How about you hija? Anong gusto mo?” Tanong niya saakin tsaka kami naupo sa isang seat sa may veranda. Sumunod parin saamin si ma’am Jane.
“Don’t be shy hija. Take your order. My treat, saakin naman itong café na ito.”
Ano bang meron sakin ngayon at parang kahapon pa ako nakakatanggap ng libre. Hahaha! Baka masanay ako nito. Joke.
Dahil nagugutom na ako, wala ng hiya hiya.
“Umm. Strawberry shake nalang po.” Sabi ko kay Ma’am Jane.
“Dagdagan mo na ng turkey sandwich Jane.” Utos ni sir Jaime.
Nang makaalis na si Ma’am Jane ay nag salita na si sir.
“So tell me hija. Saan ka nakatira? At anong work ng parents mo?” Tanong nito sakin. Job interview? Naku naman. Akala ko nakaswerte na ako e.
“Taga London po ako.” Nagloloko kong sinabi. Tinaasan naman ako ng kilay ng matandang toh. HAHAHAHHAA!
“Biro lang po. Taga probinsya po ako, sa Bulacan po. Dahil po college na ako, nakatanggap po ako at yung best friend ko ng isang scholarship sa ASDFG University at sinwerte naman po kami at biigyan pa po kami dun ng libreng stay sa dorm. Ang papa ko po, nag tratrabaho sa isang factory tapos yung mommy ko naman po, hindi ko alam kasi po iniwan niya kami nung 10 years old palang po ako.” Sagot ko dito. Lumungkot naman ang muka nito.
“I’m sorry about your mom iha. Anyway, bakit nag a-apply ka ng trabaho? Sabi mo kailangan diba?"
"Wala bang pinapadala man lang ang daddy mo?” Tanong ulit nito saakin. Daming tanong ah.
BINABASA MO ANG
My Twisted Fairy Tale [JaDine & KathNiel Fanfic] ♥
FanfictionDo you believe that we'll all have our happy ever after? Like the one's in movies, stories, fairy tales, books? Do you believe we'll find our own Prince Charming? That he'd be a knight in shining and he'll save you from the evil monsters? Well, if y...