NADINE’s POV
Kinakabahan ako.
First day of classes kasi ngayon at nandito ako sa harap ng building namin, magkahiwalay kasi kami ng building nila Kath, Andre at Yassi. Hay!
Nag simula na akong mag lakad at sinundan nalang yung school map.
“Excuse me? Ito ba yung room 501?” Tanong ko sa lalaking nakatalikod at may suot na earphones.
Salbahe naman nito, nag tatanong ako, hindi man lang ako pinansin. Wait. Baka naman hindi niya ako narirnig? Hahaha! Wag na nga ako dito mag tanong, basag na nga ako e.
“Oo dito. Tanga ka ba? Naka lagay na nga sa pinto itatanong mo pa.” Biglang sinabi nito ng hindi man lang humaharap. Aba? Ako pa tanga? Naninigurado lang naman. Bigla na itong pumasok sa room, ugh! Kaklase ko pa! Ish! Pumasok na din ako sa room.
Umupo ako sa pinaka likod, ayaw ko nga sa harap.
Yung lalaki naman kanina, sa pinaka harap umupo at may mga babaeng tinitignan siya. Tsk! Yabang!
Pero yung boses niya, yung may accent niyang boses, familiar. Pati yung likod niya, familiar. Kilala ko kaya yon?
--- ---
Natapos na ang dalawang subject ko at kaklase ko yung mokong na mayabang na hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang muka. May isang oras akong break. Saan naman ako pupunta? Hay nako. Ang layo naman kasi ng building ni Kath, si Andre, may klase pa ganon din si Yassi.
Nag lakad lakad nalang ako at biglang may nakabangga akong babae at muntik ng natalisod, panong hindi matatalisod toh e yung sapatos niya parang kutsilyo sa tulis ng heels. Hmp.
“Are you stupid?!” Galit nitong sinabi. E adik pala toh e! Sila kaya yung ang arte arte na nag lalakad, akala mo naman sakanila yung hallway.
“Hindi. Baka ikaw.” Mahina kong sagot na nakatingin sa sahig.
"May sinasabi ka?!” Nang gigigil nitong tanong.
“Meron.” Naka-ngiti kong sagot sakaniya.
“Kilala mo ba ako ha?!” Galit ulit nitong tanong saakin. Hala? Galit agad? Bagtit.
“Hmmm.”Tinignan ko siya ng parang nag-iisip ako. Naka-tingin siya saakin at yung dalawa pa niyang kaibigan saakin na parang hinihintay yung sagot ko.
“Ah! Alam ko na!” Sagot ko na parang may magandang idea ako na sasabihin. Yung mga muka naman nila, mas nag taray, mas tumaas kilay nila, abot na yung tuktok ng noo nila. Hahaha!
“Hindi ko kayo kilala e. Hahahaha!” Tumatawa ko na sinabi.
“You bitch! Obviously, hindi mo kami kilala kasi you’re poor at kung saang basurahan ka lang nanggaling!” Galit nitong sigaw saakin, tinitignan na kami ng mga tao dun at ng mga dumadaan. Grabe tonhg babaeng toh mag salita.
“Ah! Oo! Kasama nga kita sa basurahan na yon e, or baka naman kamuka mo lang. Alam mo yung Christmas Tree na napaka daming decoration? Kamuka mo yon e. Ahy! Baka naman ikaw yon!” Nang-aasar kong sinabi at nang aasar din yung ngiti ko. Halatang nagulat sila nung mga friends niya at tumatawa naman yung mga nakarinig.
“I know that you’re just a freaking scholar here! So kung ayaw mong mawala yang scholarship mo, lumuhod ka ngayon dito at mag sorry!” Demand nito saakin. Bakit sakaniya ba yung school? Kung sakaniya nga, mas gugustuhin ko pang umalis nalang.
![](https://img.wattpad.com/cover/14793712-288-k288342.jpg)
BINABASA MO ANG
My Twisted Fairy Tale [JaDine & KathNiel Fanfic] ♥
FanficDo you believe that we'll all have our happy ever after? Like the one's in movies, stories, fairy tales, books? Do you believe we'll find our own Prince Charming? That he'd be a knight in shining and he'll save you from the evil monsters? Well, if y...