Chapter 3

271 3 0
                                    

Chapter 3: Pahiya Moments.

Codie's POV

Tiningnan ko yung direksyon kung saan nakatingin din si Adeleine. Sinabi niyang may something lang dun sa grills pero alam ko nakatitig siya dun sa lalaki.

Lalaking nakatitig din sa kanya. Siya rin ata yung tinutukoy ni Adeleine na nakita niya ulit.

Mas gwapo naman ako diba? Mas may alam naman ako ki Adeleine, mas close kami ni Adeleine, mas nagkakasama kami ni Adeleine pero parang mas iba ata nafefeel niya dun sa lalaki. May crush?

May something na you know, love thingy.

Urgh! Erase, Codie, erase. Magbestfriend kayo ni Adeleine at tanggapin mo na hanggang dun lang kayo. Hindi na lalagpas pa. Bawal na, bawal.

Eh? Nagseselos pa rin naman ako. Uy, puso ko! Tumigil ka diyan ah. =.= Bestfriend ko si Adeleine, dapat walang something. Pangit nun.

Kung sana ako na lang yung lalaking yun. Alamin ko kaya pangalan tapos reresbakan ko kahit wala pang ginagawa sa akin. Bet mo? Bet ko kasi eh. *Evil smile*

"Nangiti ka diyan, Codie?" Grabe naman to mag-observe si Gaila. Spy ba to o ano? -_- 

"Naisip ko lang kasi kung tumalon ka sa grills tapos epic fail pagkajump. Ano kaya itsura mo, Gaila? Hehe." Nagsinungaling ako, ayokong mahalata nila na may gusto ako ki Adeleine at ayokong mahalata nila na nagseselos ako dun sa lalaking yun.

"Baliw! Sipain kita diyan Codie! Pasalamat ka, gwapo ka." Ano raw? Gwapo ako? *Kakasabi niya lang Codie, bingi lang?* Oo na, gwapo na ako. Ayoko magpahumble. TAAHAHAHA FEELER OF THE CENTURY!!

"Salamat na lang. Mukhang nagkakacrush ka na sa akin, Gaila ah. Yyiiiiiie" Pabiro kong sabi. Baka maniwala yun. Lagot.

Gaila's POV

Yabang naman ng lalaking ito. Oh well, crush ko nga siya. HAHAHAHAHAHA Ano ba to. Itigil mo to Gaila. Ang pangit tingnan.

CRUSH MO BESTFRIEND MO. Baka kung saan mapunta yang feelings mo na sobra chuchu.

Pero kutob ko? May iba tong crush eh. Saka imposible din sa akin dahil bestfriend niya LANG ako. Drama mo Gaila, baka niyan bigla kang umiyak na wala sa oras. Tss.

"Yaks! Feeler mo Codie! Duh. Sinabi ko lang gwapo, crush agad? Minamadali?" Inis ako eh. Manhid kunyari siya kaya ganun reaction ko =))))))) Drama talaga.

Itong dalawa. Nag-aawayan na naman =.= Huy! Oh well, magbestfriend din naman sila. Ganun ang landian ng mga bestfriend. TAHAHAHAHAHAHA Si Adeleine na pala to!

*The bell began to ring

"Oh. Tara na. Time na. LET'S RUN! PAUNAHAN ULIT AH?" Sabi ko. 

"GAME!" Sigaw naming tatlo. At agad umalis sa table namin at nagsi-unahan papuntang room.

Swoooosh! Daming nagsitinginan.

Masanay na sila. Ganito kaming magbebestfriend. Nakatingin ako sa baba habang tumatakbo kaya di ko kita mabubungguan ko. Ganun ako tumakbo, ulol lang, pasensya.

*BOOG!* Napaupo ako ng wala sa oras. Himas sa ulo. Hawak sa tuhod. Hawak sa pwetan. Tingin sa nabanggaan. O.O

Gahd. Yung cute na lalaki. Magsosorry ba ako? O ano? Nahihiya ako eh.

"Uh. So---" Bago ko pa matapos yung sinabi ko, umalis na lang siya ng pabigla-bigla. Ganun? Walk-out lang? Lecheng lalaking yun.

Nahalata ko rin na wala na yung dalawang bestfriend ko. Iniwan ba naman ako? Huhuhu. Pahiya na nga, iniwan pang nag-iisa -________________-

Di ko pa alam nung name ng guy, tadhana, tadhana. IPAGSAMA MO KAMI!!

Kung anu-ano sinasabi ko. Punta na akong room.

Nasa pintuan pa lang ako, sumigaw na ako. 

"HOY! BAKIT NIYO INIWAN!? TUWANG-TUWA PA KAYO DIYAN. LINTEK KAYONG DALAWA!" Palapit na ako ng palapit sa mga bestfriend ko ng... 

"Ms. Payne! Umupo ka! May nalaman ka pang ganyan! Di ka man lang nahiya sa guro mong andito!" Sigaw ni Mrs. Imperial. English teacher namin. Ohgahd. Another embarassing moment. Shyez :/

Pauwi na ako ng namention ko ulit mga nangyari sa akin. Nakakahiya pala talaga. Bakit kasi ganun? =.=

Ganito ba ako kamalas or malas ba yung lalaking yun? Urgh. Onga pala, inisnab ako nun kanina ah. Magsosorry na nga, di ko pa alam name niya. Hay buhay nga naman.

Makahintay na nga ng jeep pauwi. *After 10 mins*

Tagal. Wala pa.

Wait pa ako ng 10 minuto. *After 10 mins AGAIN*

Wala pa. Haynako.

*Pwedeng 20 mins pa? Mehe*

Wala pa rin. Naghintay ako! PAASA KANG JEEP KA. Maglalakad na nga lang ako papuntang centro.

Palakad na sana ako ng biglang may tumigil na motorcycle malapit sa akin.

"Hoy!" Dahuuu. Baka pinagtitripan lang ako. Naglakad lang ako. Bahala na.

'Hoy!" Ako ba tinatawag? Sino? Siguro yung mga tambay lang diyan. Lakad-lakad lang. Don't mind them.

"Sabing Hoy!" Kung ako talaga ang tinatawag, pwes, haharap na ako. Ayun, humarap naman ako...

"Sakay ka na. Halatang walang jeep na dumadaan at halatang kanina ka pa inip." At ayun, nakita ko yung lalaking cute na mukhang barumbado na sabi ko ikaw na lang dapat magdescribe.

Natameme ako eh. Hamakin mo, kanina pinagtitignan ko lang yung cute boy, tapos ngayon inaaya na akong sumakay sa motorcycle niya. Ano ba magandang sagutin dito? Hmm.

"Ah. Huwag na ka--" And di na naman ako nakatapos magsalita. ALAM MO YUN?! HINDI. Lecheng lalaking to.

Kinuha niya yung kamay ko at pinilit niya akong pasakayin dun sa motor niya. Wala na akong magawa. Sumakay na lang ako. Bv diba? Parang kinikidnap niya lang ako, kinikidnap yung puso ko. Charotera lang. Pasensya.

"Saan ba bahay niyo?" tanong niya. Dadalhin niya ko sa bahay? Hmm. Dun lang ako may kanto magpapahatid.

"Somewhere in Antipolo. Turo ko na lang yung daan pero hindi papunta sa bahay, papunta lang ng kanto."

Sabi ko. Ayoko makita niya bahay ko. Baka biglang magbisita yun dun tapos makikita ni Kuya Doms tapos.. Tapos... Mapagkamalan ng kung ano. Kaya baka anong mangyari, DIBA?! Naah. Jumping to conclusions.

About 23 minutes din yun papuntang Antipolo.

Ohdiba? Sabi ko medyo malayo eh pero ayos lang. Swak naman kasi nakasakay ko yung gwapo.

HAHAHAHA OKAY LANDINESS ATTACK. Andito na nga ako sa kanto ng somewhere sa Antipolo. Bikolano yung author kaya Antipolo napagdiskitahan. Pasensya. 

So ayun, bumaba na nga ako sa motor at nagsimulang maglakad.

*Brooooom!! Brooom!*

Oh. Umalis na yung motorcycle ni... Speaking of, NAKALIMUTAN KONG MAGPASALAMAT AT NAKALIMUTAN KONG TANUNGIN YUNG NAME NIYA. Oh men. Bakit palaging ganun? =.=

Randomly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon