Chapter 31

30 0 0
                                    

Chapter 31  - Wounds

Patuloy pa rin ako sa pagsunod kay Ivan. Ano bang problema no’n at nagwalk-out bigla?

“Psst!”

“Ivan!!”

“HOOOOY!!”

Kahit anong tawag ko sa kanya, hindi pa rin siya lumilingon sa akin. Ugh, makatakbo na nga at hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa lalaking ‘to eh =___=

“IVAN DANIEL AGUILAR!!”

Nang tinawag ko siya sa buong pangalan niya, doon na siya mismong tumigil mula sa paglalakad.

Ivan Daniel Aguilar’s POV

 

Papunta sana ako ng quadrangle kasi sabi ng mga nakakita kay Adeleine, ando’n daw siya. Oo, andoon nga ‘yung taong hinahanap ko, pero may kasama namang iba. Ang masaklap pa, kayakap niya pa ‘yung lalaki.

Bumitaw na mula sa pagkakayakap si Adeleine at nagpaalam na sa kasama niya. Umalis ito mula sa kinatatayuan niya na may suot na ngiti sa kanyang mukha. Tumagos sa puso ko ang ngiting ‘yun. Kaya ko bang matumbasan ang ngiting ‘yon?

“Oh! Ivan! What are yo—“

Hindi ko na pinatapos si Adeleine sa pagsasalita niya. Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang maglakad. Walang pumapasok sa utak ko kung saan ako pupunta. Bahala na, bahala na ang mga paa ko.

Ramdam ko na nakasunod pa rin sa akin si Adeleine. Ugh! Ba’t ba nagaganito ako?

“Psst!”

Patuloy pa rin ako sa paglakad.

“Ivan!!”

Huwag kang tumalikod. Mas masasaktan ka lalo.

“HOOOOY!!”

Kahit masakit sa tenga ang sigaw ni Adeleine, hindi pa rin ako papatinag… Hinding-hindi ako papati—

“IVAN DANIEL AGUILAR!!”

Kaso mali ata ako sa inaakala. Tumigil ako nang tinawag niya na ang buong pangalan ko. Pakiramdam ko na lamang ay musika ang narinig ko mula sa sigaw niya. AISH! Ewan nga.

Narinig ko ang mga yapak ni Adeleine ngunit hindi naman ako tumingin sa kanya. Tumigil lang ako sa pagkakatawag niya at wala ng iba.

Hindi ko na lang namalayan na nasa unahan ko na pala ang babaeng minamahal ko.

“Ano bang problema mo?” Nakakunot na ang noo niya at ang tenga ko ay tila ba namamanhid lang. “Kanina pa kita tinatawag, hindi ka lumilingon. Kanina pa kita hinahabol, pero parang ikaw ‘tong parang hangin lang kung ituring ako. Ano ba talagang problema mo?”

Pilit lang niyang binababaan ang boses niya. For sure, ayaw niya rin naman akong masaktan. Alam kong nasa isip niya na ang galit at poot ay hindi solusyon para maayos ang isang problema. Ganyan naman si Adeleine. Kahit naman na sobrang ingay niya, alam niya kung saan siya poposisyon.

Randomly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon