Chapter 29.2

34 1 0
                                    

Chapter 29.2 Ever Enough

“Ivan?! IVAN DANIEL AGUILAR?! D*MN! What the h*ck are you doing here?! I’M SO SICK BECAUSE OF WAITING FOR YOU!”

Walang anu-ano’y hindi ko na napigilan na tumakbo papunta sa kanya at yakapin siya. Gigil na gigil na gigil na gigil na akong yakapin siya eh.

I miss his warm embrace, his smile, his corny jokes, his laugh, his face, his presence and everything. In short, I miss him.

I MISS IVAN DANIEL AGUILAR.

“Kahit na inis ako sa’yo dahil ang tagal mong umuwi kahit months lang pagitan do’n, well, pinaghintay mo pa rin ako!” Pinalo ko siya sa braso pero nafeel ko na nagcurve ang lips niya to form a smile. “I don’t care! I just miss you! REALLY!” Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

Ang pakiramdam ko ay ilang taon kaming hindi nagkita ngunit sa katunayan ay ilang buwan lang ang paghihintay na ‘yun. Tama nga ang sinabi ni Gaila, “Good things come for those who wait.” Muntik pa rin naman akong maggive up sa paghihintay na ‘yun no!

“Nakakahalata na ako! Ba’t ako lang nagsasalita rito ha?!” Tinulak ko siya ng kaunti at tiningnan ang mata niya ng diretsuhan. Ayoko na ngang magpakipot! Nakakapagod din kaya. I chuckled not knowing na hindi niya alam ang iniisip ko pala.

“And nakakahalata ako na kanina ka pa nagsasmile.”

“Whatever!! I just miss you! Is that wrong? I’m happy na umuwi ka!” At yinakap ko siya ulit. Wala na. PDA NA ‘TO. HUWAG KAYONG CHICKEN KILLJOY!

“I’m glad that you’re happy. I miss you too.” Siya naman ‘tong napakiramdaman kong humigpit ang yakap sa’kin. Ilang saglit lang ay nagpumiglas na rin siya sa yakap at hinalikan ang aking noo.

Kiss on the forehead = A Kiss for Respect

And I appreciate that he did that. Mas nakakakilig kayang sa noo! Looool, I feel secured all of a sudden.  I feel loved. I feel him!!!!

I hugged him again after that! Ewaaaaan! Gigil talaga kasi ako sa yakap niya eh. Patawarin niyo ako, aking mga kaibigan! *puppy eyes*

“And waiiiiit. Akala ko matatagalan ka bago ka umuwi? Then why uwi?”

O_______o <--- Ganyan itsura ko sa harap niya.

“Well, same reason. I just miss you. I don’t want to be away from you and Papsi did not understand that at the first place. Bata pa raw tayo para sa mga gan’to.”

“He has a point, though.”

“So you mean, I gotta go back to the country I went to?” Nafeel kong uminit bigla ang aking mga pisngi. That’s not what I meant naman kasi eh! “Gano’n pala.” Napatingin siya bigla sa lupa at do’n nagtantrums bigla.

“AY NAKO IVAN! It doesn’t suit you. That action of tantrums and yeah, English ka na rin ng English!! Nakakapanibago pero that’s good.”

“Sus, mangha ka lang sakin eh.”

Ginulo niya muna yung buhok ko at saka hinawakan bigla ang bigla kamay ko. Not the normal hawak kamay though. He intertwined his hand with my hand and I therefore conclude that I feel safer with him.

*

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Hindi ko na alam kung saan kami dadalhin ng aming mga paa basta alam ko masaya ako na kasama ko siya ngayon, kasama ko ngayon ang lalaking kaibigan, kaaway, ka-ibigan ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa masyadong nagsasalita si Ivan. Nakikita ko na minsan ay tumingin din siya sakin noong dumungaw ako sa kanya ngunit pagkatapos no’n ay wala na. Balik normal na naman ang sitwasyon namin. Nararamdaman ko ang pagbangga ng kanyang balikat sa akin which caused me to look at him.

“What?” tanong niya.

I pouted. “What ka ng what diyan eh kainis” He laughed though. Habang tumatawa siya, pinagmamasdan ko ang mukha niya. Si Ivan Daniel Aguilar ba talaga ‘to? Asa’n na ‘yung barumbado feels niya?

There are some stories na you would already predict the ending pero sana dito hindi. Sana sa kuwento naming dalawa, hindi matutulad sa iba.

He nudged my side. I glared at him for a couple of seconds then gave up suddenly when he tickled me. After that, he asked me. “May iniisip ka ba ngayon?”

Ilang sandali naman akong nanahimik mula sa kanyang tanong. Kani-kanina lang ay bumabagabag ang pakiramdam kong ito. Tila naguguluhan ako sa bawat tanong na pumapasok sa utak ko. Si Ivan Daniel Aguilar na bumalik mula sa ibang bansa, hanggang kailan na naman kaya siya dito?

He nudged me again. “Heyy, is there something bothering you?” I didn’t answer. Hindi ko na lang namalayan na basa na pala ang mga kamay ko. Itinaas ni Ivan ang mukha ko upang makita niya ang mukha ko. “Ba’t hindi ka sumasagot?”

Pinunas niya ang aking mga luhang patuloy pa rin sa pag-agos. “May nangyari ba? Pwede mo naman na ikwento sakin.” He squeezed my shoulders at mas lalo akong naiyak, hindi dahil sa masakit kundi dahil pakiramdam ko may iiwan na naman sakin.

“Please stay, Ivan, please don’t go anymore.”

Pagkatapos na pagkatapos kong magsalita, naramdaman ko na lang ang yakap niya sa akin at doon napagtanto kong humihikbi na ako sa mga bisig niya.

*

Parang wala lang nangyari kanina. Parang panaginip lang lahat ng nangyari. Kahit na natapos na ang pagdadrama ko, hindi pa rin mawala sa puso’t isipan ko ang sakit na nararamdaman ko. Sa totoo lang ay mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko.

Nakakapagod din palang ngumiti ng pilit. ‘Yung tipong nasasaktan ka mentally but at the same time, pisikal din ang sakit na ‘yun. Yung tipong lutang ka at hindi mo alam ang gagawin mo. Ayun, yun ang nararamdaman ko ngayon.

“Ayos ka na ba?” tanong niya habang titig na titig sa akin. I faced him and I smiled… Though, fake smile nga lang ang ipinakita ko sa kanya. “Huy! Tinatanong kita kung ayos ka na, huwag mo nga ang ngitian diyan!” Sabay pinisil niya yung cheeks ko.

“Ivan naman eh!” Patawa kong sagot habang inaalis ang kamay niya mula sa mukha ko. “Opo, ayos na po ako. Sorry kung inabutan ka ng kadramahan ko.” I rolled my eyes heavenward.

He chuckled. “Sus, kahit naman ang drama mo. Mahal pa rin kita.”

Silence.

“AIR PLEASE! DI AKO MAKAHINGA!” sigaw ko habang winawagayway pa ang kamay ko paitaas. Tumawa naman siya at nakitawa na rin ako. Sana palagi na lang kaming ganito. Tila ba walang problema sa aming dalawa. Tipong kami lang dalawa ang magkasama.

“Pero seryoso Ads, ayos ka na ba talaga?”

I nodded. “Hindi lang talaga kita magets minsan.” Sumbat ko habang nakatitig lang sa kanya ng maigi. Gusto kong basahin ang kung anong expression niya kaso etong si Ivan, hindi talaga mababasa kung anong iniisip. Nanahimik lang siya at tinitigan lang din ako. “Matapos mo kasing umalis, bumalik ka na naman. Like what the hell, I am thankful that you came back but at the same time I don’t know the real reason why you came back… For me.”

Bumuntong hininga lang si Ivan at pinisil ang dalawa kong kamay. “Trust me. You’re the real reason why I came back.”

In which, I believed him already.

Randomly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon