Chapter 32

34 1 0
                                    

Chapter 32 – He’s Lindon Valdez

 

“OHMYSHEMAAAAAAAAY!! WHYYYYYY!!” pagtitili ko sa kwarto ko.

Narinig ko ang malalakas na tunog ng paglakad ni Kuya Dominic. Halata ring nagmamadali na buksan ang pinto na tila ba hindi mapakali. “Adeleine?! Hello? Ayos ka lang diyan? Buksan mo ang pinto!!”

“WAAAAAAAA!! DI KO NA KAYA!!! BAKIT GANO’N!!!”

Walang ni ano-ano ay naaninag ko na si Kuya Dominic. Lintek! Ba’t ba kasi against the light?

Tumakbo papalapit sa akin si Kuya Dominic at umupo nang bigla sa kama ko. “Huy! Napano ka? Ba’t mugtong-mugto ang mata mo?” Hinawakan ni Kuya Doms ang pisngi ko at tinilt ito side by side.

“Bitawan mo nga ako!” Binaba ko nang malakas ang kamay ni Kuya Doms na kanina ay nakahawak lang sa pisngi ko.

“Napano ka nga kasi?” pangugulit nito.

“Kasi…” Humagulhol na naman ako sa iyak nang matandaan ko na naman ang eksena.

“Sabihin mo na kasi.”

“NAMATAY KASI SI ATHENA SA SHE’S DATING THE GANGSTER! TAPOS SUMUNOD NAMAN SI KENJI!” Kumuha ulit ako ng tissue at pinunas sa mga luha ko. “WAAAAH!! KUYA!!! BAKIT GANO’N!!?! BA’T ANG BITTER NG AUTHOR NILA?! Hindi katanggap-tanggap!!”

Tinulak-tulak ko si Kuya Doms pero nababalance niya naman ang sarili niya. Tiningnan niya ‘yung aklat sa ibabaw ng unan ko at sabay kinuha na rin ito. Nagscan siya ng ilang pages at binasa na rin ang last part ng story.

“ARAY KO NAMAN!! HINDI MO MAN LANG AKO ININFORM NA PIPITIKIN MO NOO KO!” sigaw ko.

Inirapan ako ni Kuya sabay sabi na, “Engot ka ba?! Alangan naman magpaalam pa ako sa’yo na, ‘Hoy Adeleine ha? Papitik ng noo mo ha?’ Ganon?”

“Ba’t mo ba naman kasi pinitik noo ko?” Hinimas-himas ko ang noo ko. Nako! Ba’t kasi ang lalakas mamitik ng mga lalaki? Kainis! ANG SAKIT KAYA.

“Etong aklat na ‘to?” Tinaas niya ‘yung SDTG book at winagayway ng kaunti. “Isa ‘to sa mga rason kung bakit hopeless romantic ako! Kaya ikaw?” Binaba niya ‘yung aklat at pinitik na naman ang noo ko.

“Aish! Kuya naman eh!”

“Ikaw babae ka! Huwag mo akong tularan na magpaka-hopeless romantic. Tss. Diyan ka na nga. Pinag-alala mo pa ako.”

Tamo, nag-alala raw tapos no’ng nalaman na dahil sa She’s Dating the Gangster ako umiyak, nagpaka-sadista. Porket nabasted na naman siya ng makailang beses pati ako dinadamay niya =_________=

Pumunta ako sa rooftop at doon nagmuni-muni. Nagstargazing na rin ako since do’n naman na ako nasanay every two nights.

Maya-maya lang ay nakarinig ako nang kumakanta pero hindi ko mahanap at hindi ko makita kung sino ‘yung partikular na taong ‘yun.

*Lindon’s singing You Found Me by The Fray*

You found me… You found me…

And the song suddenly ended. Hindi ko mapigilan na hindi pumalakpak dahil ang galing-galing niya talagang kumanta at maggitara.

Randomly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon