"Mahal kita! Mahal kita Tory please. Ayokong mawala ka."
"Please! Please Kiko! Pagod na ako."
At umalis siya. Yan ang usapan namin ni Tory nung gusto niya ng bumitaw, bumitaw sa relationship namin.
Halos umiyak na ako ng dugo para lang wag siyang bumitaw, pero wala ehh. Ganiyan talaga.
Ako nga pala si Kiro Co. Ang tawag nila sakin ay Kiko. Yan yung nick name ko, kahit sa school. Nagkakakilala nga pala kami ni Tory sa school.
Magkaklase kami noon, 3rd year high school. Hindi ako ganon kadaldal pero sa maniwala kayo o sa hindi, popular ako.
Yung mga kaibigan ko kasing si Joey at Daniel ay heartrob sa school namin. Kaya, napasama tuloy ako.
Actually ayokong maging "famous" kasi lahat ng galaw mo, alam nila.
"Hi I'm Kyra Tory Hernandez. You can call me Tory. I'm 14 years old and this is my first day here in this school."
Yan yung pakikilala ni Tory nung first day namin. Hindi ako masyadong nakikinig nun kasi naka head set ako. Boring kasi ehh.
"Mr. Co!! Remove that headset!"
Sigaw ng biology teacher namin na sobrang sungit kaya pinatay ko na yung phone ko.
"Well Mr. Co. I don't want you sitting on the back. Sit on the front so that I can keep my eyes on you."
"What!? Uhh fine."
So, nalipat na ako sa harapan. Wala ehh. Hindi ako masyadong nakikinig.
BINABASA MO ANG
Ang hirap mong kalimutan...
Teen FictionBakit kapag nagmahal ka ng totoo, masasaktan ka sa huli? Why love is so unfair? Ako nga pala si Kiro Co. They use to call me Kiko. And this is the story of my lovelife. Popular ako sa school namin since 2nd year hanggang 3rd year. Well, popular kasi...