Nung pagka uwi ko sa bahay, nakita ko, ang daming tao. Nga pala. Reunion ng family namin. "Uyy cuz!" Sigaw ni Venus. "Ohh! Hi! Kamusta?" Sabi ko.
"Okay lang. Nandito yung gwapo mong pinsan galing France ahh!"
"Nandito si Peter!?" Sabi ko. "Nasan?"
"Ayun siya sa kusina! Kumakain!" Sabi ni Venus at pumunta ako. May pinsan ako sa France. Dun kasi ako lumaki hanggang 7 years old pero pumunta na kami ng Pinas nung 8 na ako. At isa sa mga kabababata ko si Peter.
Baka nga hindi na siya marunong magtagalog ehh.
Nakita ko siya, kumakain habang kausap si mommy.
"Hey Peter!" Sabi ko.
"Dude hi!" Sabi niya sabay hand shake.
"How are you?" Tanong ko.
"Okay lang bro! Okay lang!" Sabi niya. Okay! Akala ko hindi na siya marunong magtagalog.
"Dude!! Akala ko hindi ka na marunong magtagalog," sagot ko, sabay kaming tumawa.
"Hindi dude," sabi niya sabay inom ng tubig.
"So, kailan ka ba balik ng France?" Tanong ko.
"Hindi na ako babalik. Dito na ako titira. Sinabi ko na kay tita." Sabi niya.
"Ahh. Ganon ba? Bakit naman?"
"Ayoko na sa France, atsaka sabi nila Tito at Tita mas matutlungan nila ako kapag nandito ako sa Pinas," sagot niya.
"Kasama mo ba Si dad?"
"Si Uncle? Nandito siya! Nasa banyo!" Sabi niya then biglang lumabas si daddy. Nakita niya ako.
"My son." Sabi niya.
"Dad!" Sabi ko at tumakbo ako papunta sakaniya. "Dad. I miss you." Sabi ko.
"I miss you too." Sabi niya. Nakakaintindi siya ng Tagalog pero hindi nakakasalita.
"So, how's your school?"
"Okay lang dad. I'm on the SSC class at sana pati si Peter makapunta sa class ko." Sabi ko.
"I hope so." Sabi niya.
"Hi Tito!" Sabi ni Venus.
"Hi! How are you?" Sabi ni daddy.
"Ayos lang Tito." Sabi ni Venus then biglang lumapit si mommy at hinila ako ni Venus.
"So, mag aaral si Peter sa school mo?" Sabi ni Venus.
"Oo. Bakit mo natanong?" Sabi ko.
"Wala lang." Sabi niya. Halatang nag blush siya nung sinagot ko yung Tanong niya.
"Tara! Papakilala kita sakaniya." Hinawakan ko siya sa wrist papunta kay Peter. Nung malapit na kami, hinila niya ako paalis. "Huy! Bakit! Don't worry, akong bahala sayo," sabi ko.
Nakapunta na kami sa tabi ni Peter tapos biglang tumabi si Peter kay Venus habang nakangiti sakin.
"Hi Venus." Sabi ni Peter.
"Hi." Sabi ni Venus habang nakahawak yung kamay niya sakin. Napakahigpit kaya nagreklamo ako.
"Aray!! Ang higpit mo naman humawak ng kamay Venus!" Sabi ko.
"Sorry!" Sabi niya na medyo nanginginig.
"Kamusta?" Tanong ni Peter kay Venus sabay akbay. Tapos, inalis ni Venus yung kamay ni Peter sa back niya.
"Bakit ka nang aakbay!?" Sabi ni Venus sabay takbo.
"Gusto ba ako nun? Huh?" Sabi ni Peter sabay ngiti kay Venus.
"Yabang nito! Pero, oo. Crush ka niya. Wag mo siya lokohin huh! Pinsan ko siya!" Sabi ko.
"Syempre." Sabi niya.
"Teka, nasan nga pala yung girlfriend mo?" Tanong ko.
"Wala na. Break na kami ehh. Nakipagbreak siya." Sagot niya tapos bigla siyang lumungkot.
"Ayy. Nevermind. Lumungkot ka ehh." Sabi ko.
"Ikaw, may girlfriend ka?" Tanong niya.
"Of course. Co yata to." Sabi ko sabay tulak sakaniya ng Pabiro tapos tumawa siya.
"Pakilala mo nga ako!" Sabi niya.
"Sige ba. Nakatira din siya dito sa subdivision natin." Sabi ko.
•••••••••••••
Natapos na yung reunion around 6:30. Hindi ko napanuod yung sunset sa tambayan ko.
Habang nagkwekwentuhan kami nila daddy, mommy at Peter, naisipan kong tawagin si Tory kaya tinawagan ko siya. "I'll be right back." Sabi ko.
"Hi." Sabi ko sa cellphone.
"Ohh, Kiko. Kamusta kana?" Tanong ni Tory.
"Ayos lang ako babe." Sabi ko at narinig ko siyang tumawa, at napangiti ako.
"Bakit babe?"
"Babe kasi, cute pakinggan. Ayaw mo ba yung babe?" Tanong ko.
"Hmm, kahit ano na lang. Okay lang naman sakin kahit ano ehh,"
"Miss you hon." Sabi ko.
"Miss you too. Uyy, kita na lang tayo sa lunes. May pinapagawa kasi si mommy ehh. Okay lang ba?" Sabi niya.
"Sige hon. Love you." Sabi ko.
"Love you too." Sabi niya sabay patay ng phone. Nung papunta na ako sa bahay, nakita ko si Peter, nakatayo habang nakangiti.
"Gosh! I thought you are just joking when we are talking about girlfriends," sabi niya.
"Sabi ko sayo ehh," sabi ko sabay takbo sa bahay.
"Kakain na." Sabi ni mommy then naghigas kami ng kamay at umupo sa lamesa.
"So, tell me about your girlfriend Kiko." Sabi ni daddy.
"Uhm, yun, same as mommy's attitude. Funny, kind, beautiful, smart and she is gorgeous too. Pero, hindi sila magkamukha. Tory ang pangalan niya," Sabi ko tapos tawa naman si mommy.
"Kiko, Peter, maaga gumising bukas ahh. Ipapa enroll natin si Peter. At, samahan mo ako Kiro huh dahil gusto ko magkaklase kayo." Sabi ni mommy. "Yes mom. Uhm, Tara na, pasok na tayo," suggest ko. "Okay!" Sabi ni daddy then pumasok na kami.
Hindi na kami kumain kasi busog na kami dahil sa mga hinanda ni mom na pagkain kaya dumeretso na kaming dalawa ni Peter sa kwarto ko.
"Papakilala mo ba sakin si Tory tol?" Tanong ni Peter sakin habang inaayos niya yung kama niya. "Aba, kung gusto mo," sabi ko naman.
"Yung nga barkada mo, ganon ba talaga yung ugali nila?" Tanong ni Peter. Napa isip tuloy ako kasi alam kong tarantado yung mga kaibigan ko.
"Ahh, oo. Ganon na talaga. Bro wag mo na lang intindihin yun."
"Sige bro. Pero, ipapakilala mo ba ako sakanila since kaibigan mo naman ako?"
"Sige ba! No problem," sabi ko "Sige, tulog na tayo. We have a big day tomorrow," dagdag ko.
"Good idea, goodnight bro!" Sinigaw ni Peter na halos una bit sa labas ng kwarto yung boses niya. Natawa lang ako then pinatay ko na yung ilaw.
BINABASA MO ANG
Ang hirap mong kalimutan...
Teen FictionBakit kapag nagmahal ka ng totoo, masasaktan ka sa huli? Why love is so unfair? Ako nga pala si Kiro Co. They use to call me Kiko. And this is the story of my lovelife. Popular ako sa school namin since 2nd year hanggang 3rd year. Well, popular kasi...