Chapter 5

35 2 0
                                    

"Ahh. Ganon? Okay." Sabi ko sakaniya then ngumiti.

"Ikaw, ano yung mga tipo mo sa mga babae?" Tanong niya saken. Medyo nabigla ako sa tanong niya tapos napatigil ako at napatingin sakaniya.

"Yung babaeng, Matalino, kulot ang buhok, maganda yung mga mata, yung..." hindi natuloy yung sasabihin ko kasi.

"Uyy! Kiko! Okay ka lang?" Tanong ni Tory sakin habang tumatawa. Katawa-tawa ba yung muka ko nun? Ewan. Muntik naki dun ahh. Muntik konang sabihin ang 'yung katulad mo' na sentence. Buti na lang hindi natuloy.

"Uyy sa susunod wag kana mag palate. Yan tuloy, hindi kana nakapasok sa English class." Reklamo niya sakin. Wow, baka gusto niya akong katabi? Joke! :) magkatabi kasi kami sa English class ehh. Hehe.

"Sige boss! No problem!" Sabi ko sakaniya then tumawa siya at nag blush. Ang cute niya. :)

Nasa bahay na kami ni Tory. "Pano Kiko, see you tomorrow."

"Sige. Bye." Sabi ko habang kinakamot yung ulo at nakayuko then tumingin ako sakaniya. Sabi kasi ni Joey nakaka attract daw yun sa babae. Mukang effective naman. Nag blush siya ehh.

Papasok na siya ng bahay hanggang sa sumigaw ako. "Tory! Uhm, pwedeng makuha yung cellphone number mo?" (Nakakahiya... 😅)

"Why not." Sabi niya tapos lumapit.

Well nakuha kona tapos nag palitan na lang kami ng smile at yun na. :)

Yes! Nakuha ko yung cellphone number niya!

Pumunta na ako sa tambayan ko. Wala si mommy ehh kaya hindi na ako nagpaalam. Ang ganda ng araw. Dinala ko yung cellphone ko at nag txt ako sakaniya.

'Hi Tory!'

'Hello? Sino ito?'

'Si Kiko ito.'

'Ahh! Ohh, Kiko! Kamusta?

Hindi ko napigilan, kaya tinawagan ko siya. Sumagot siya.

"Ohh Kiko? Sayang lang load mo. Txt na lang."

"Okay lang yun. Ang ganda ng sunset noh."

"Oo nga ehh. Teka, nasan kaba? Pupuntahan kita sainyo."

"Wala ako sa bahay namin." (tututut.) wala na akong load!!!! :(

Haha! Aminin! Nangyayari talaga yan! :)

Sayang. Ngayong time nato, nakatingin ako sa sunset, nag mu-music. Iniisip ko yung mukha ni Tory. Grabe, natamaan na yata ako.

Tapos bigla kong naisip yung classmate kong kumausap sakin. Si Anne. Ewan ko kung bakit ko siya naisip habang iniisip ko si Tory. Ano kayang meron dun sa babaeng yun?

Tapos na yung sunset at umuwi na ako. Naabutan ko si mommy na nagluluto.

"Anak, kain na." Bati niya sakin.

"Mom, kailan ko uli makikita si daddy?"

Natahimik siya.

"Mom?"

"Ano anak, uhm, hindi ko alam ehh. Pero wag kang mag alala, uuwi din yun." Sabi niya sakin.

Nung naluto na yung ulam, kumain na ako at ginawa yung assignment ko sa science. Then natulog na.

Umaga nanaman. Maaga akong papasok dahil dun sa project namin sa science. Kailangan nanaman namin uli mag meeting sabi ni Omar. Enjoy naman kasi nandun si Tory. :P

Naglalakad na ako, medyo maaga ako kaya dumaan ako sa bahay nila Tory at hinintay ko siya.

May naririnig na ako sa pintuan. Parang si Tory na kinakausap yung mommy niya.

"Bye mom!" Sigaw ni Tory at umalis na siya.

Nung malapit na siya sa gate, ginulat ko siya. Napatakip siya ng bunganga. Ganon pala siya magulat. "Ano kaba naman! Nagulat mo ako dun!" Reklamo niya sakin.

"Haha!" Yun, tawa lang ako.

"Bakit ka nga pala nandito?"

"Diba May meeting tayo kaya, naisipan ko na maaga Karin papasok. Tara, lakad na tayo."

"Tara."

Hayy.. Ang ganda niya talaga.

"Kiko, bakit mo pala ako tinawagan kahapon?"

"Uhm, bored kasi ako." (hayy, ang tanga mo Kiko! Hindi mo siya tinawagan dahil bored ka, tinawagan mo siya para may kausap ka sa sunset!) napaka not ako ng ulo.

"Uhh, okay?" Sabi niya sakin na parang nagtataka. Oo, gusto ko siya. :) parang siya na yung magiging first love ko. :)

Ang hirap mong kalimutan...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon