Chapter 10

26 1 0
                                    

Umaga ng sabado, kinabukasan nung naging kami ni Tory. Wooh! 1st day na kami. :) I'm so excited! Sakto, gagawin na namin yung project namin kila Omar. Kaya dumaan ako sa bahay nila.

Nag door bell ako. Nasa labas ako ng gate. Nag papa pogi. Hehe, syempre. Para lalo siyang ma attract sakin.

May lumabas na. Yung father niya yata. Aba, medyo natakot ako. Nanlambot yung buong katawan ko. Baka upakan ako nung tatay niya.

"Anong kailangan mo binata?" Tanong sakin nung daddy ni Tory.

"Uhm, ahh, si Tory po. Ma... magka grupo po kasi kami sa project na...namin. Ehh, sabay na po sana ka...kaming pumunta sa ba...bahay ng classmate namin. Hehe?" Sabi ko ng medyo nanginginig. Kinakabahan talaga ako ehh. Tapos tinignan ako mula paa hanggang ulo then habang nakatingin sakin yung tatay niya, ngumiti ako ng pilit then tinawag niya si Tory.

Nakakakaba! Promise!

"Tory! May naghahanap sayo." Sigaw ng daddy niya.

"Yes dad! Mag bibihis lang po ako." Sabi ni Tory.

"Gusto mong umupo?" Alok ng tatay niya.

"Yes. Opo." Sabi ko then umupo kami sa may garden nila. Wow. Akala ko uupakan na ako ehh!

"Boyfriend kaba ng anak ko!?" Tanong ng tatay niya. Patay. Baka kapag sinabi kong oo, upakan ako. Wala ehh, first time mag ka girlfriend. Yun kasi yung nakikita ko kila Dan at Joe kapag nasa bahay sila ng girlfriend nila. Kaya medyo natatakot ako.

"Uhh... a...ano po ehh..." hindi natuloy yung sasabihin ko kasi napatingin ako kay Tory.

"Dad. Sino yun?" Tanong niya then napatingin siya sakin. Ngumiti siya.

"Uhh. Ikaw pala." Sabi niya.

"Kilala mo siya anak?" Tanong ng daddy niya.

"Yup! Lapit ka dito! Papakilala kita." Sabi niya. Huminga ako ng malalim. Huhh. Heto na. Maghanda kana. Ihanda mo na yung makinis mong mukha.

"Kiko, si Troy Hernandez, my dad and Daddy, Kiro Co a.k.a Kiko, my boyfriend." Sabi ni Tory. Huhh! Ready napo yung mukha ko! Naka pikit na ako in that time. Pero instead na suntukin ako ni daddy ayy, I mean yung daddy ni Tory, tumawa siya.

"Ha-ha! Ikaw huh! Pa-project project kapang nalalaman ehh mag da-date lang kayo!" Sabi niya sakin ng may biro. Tumawa naman ako ng pilit.

"Dad, hindi po. Talagang may project kami." Sabi ni Tory. Medyo natatakot ako ehh kaya tawa lang yung naibibigay ko, hindi salita.

Nag suggest yung daddy ni Tory na ihatid na kami sa bahay ni Omar. Hayy, naka upo pa ako sa harapan ng kotse. Naku. Tory talaga. Tahimik lang ako sa buong biyahe. Nagku-kwentuhan lang sila ni Tory.

Finally! Yes! Nasa bahay na kami ni Omar! Whoo! Ang hirap nun ahh!

Bumaba na kami sa kotse. Then kinausap ako ni Tory.

"Takot ka no?" Biro niya sakin.

"Ikaw talaga!" Sabi ko sakaniya then yakap.

Ang bango niya.

"Ohh! Guys! Welcome to my house!" Bati niya samin! Aba, may nakahanda na talagang juice at tinapay.

Lumapit na kami kay Omar then nag kwentuhan ng konti. Tapos nagtanong na si Omar.

"Guys, may napapansin akong konti sainyo. Kayo naba?" Tanong niya.

"Kami na nga." Sabi ko naman ng nakangiti. Ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap ipagsigawan sa buong mundo na kami na. :)

Tapos na kami sa project namin. Kaya umuwi na kami ni Tory.

Then nag suggest si Tory. "Gusto mo mag date?" Tanong niya sakin. Aba, sino ba naman ako para tumangge!

"Sure! Dala ko naman yung ATM card ko ehh." Sabi ko sakaniya sabay ngiti.

"Ako na lang gagastos uyy!" Sabi niya.

"Hindi. Okay na ako uyy." Then ngiti sakaniya.

Ang pangit naman ng call sign namin. 'Uyy'?

"Yan naba yung call sign natin?" Tanong ni Tory habang naglalakad papauntang mall.

"Gusto mo ba na 'uyy' ang tawagan natin?" Tanong ko habang nakangiti.

"Hmm."

"Soo?" Sabi ko.

"Maybe yes uyy." Sabi niya then ngiti.

Pumunta kami sa mall. Kumain. At guess what, habang naglalakad kami, naka holding hands kami. Ang sarap sa feeling. Ngayon ko lang naramdaman ang ma-in love. Parang nasa heaven.

Last spot namin, 3:00, sa park. Nakaupo kami sa grass. Naisip ko na pumunta sa tambayan ko pero hindi pa ngayon yung perfect time. 1st day palang kami ehh.

Habang nakaupo kami sa grass, hinawakan niya yung kamay ko. Then, tumingin ako sakaniya habang nakangiti.

"Bakit nagka gusto ka sakin?" Tanong niya.

Anong klaseng tanong yan? Hayy! Syempre sasagutin ko parin.

"Kasi mabait ka, maganda, Matalino, malinis, na sayo na lahat. Pati yung puso ko." (corny.) sabi ko sakaniya then ngumiti ako.

"Haha! Okay! Uwi na tayo?" Suggest niya.

"Okay." Sabi then ngumiti ako sakaniya.

Nag commute na lang kami. Then yun na. Nasa bahay na ako.. Hayy. Ang saya saya. :)

___________________________

Leave your comments po! Salamat!! Please support! :) 😊

Ang hirap mong kalimutan...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon