Chapter 7

26 1 0
                                    

Tapos na yung 'discussion' si Omar samin ni Tory. Ready na kami para sa project.

Fast forward natin. Kasi boring jan sa first schedule ehh.

3rd schedule, Filipino class!! My favorite.

Naglagay ng assign sit si sir kasi daw maiingay daw kami. So, nasa harap ako. Alphabetic kasi ehh. Na katabi ko si Anne. Cruz kasi yung last name niya. Kaya yun.

Wala yung sir namin kaya naka earphone lang ako. Pero may iniwan siyang paper works kaya habang nakikinig, gumagawa ng paper works.

Diba nga naka earphone ako, ehh malakas, hindi ko napansin na may tumatawag sakin. Hininaan ko yung volume tapos naki ramdam. May tumatawag nga. "Kiro? Ano ba!?" Sabi sakin nung babae.

"Ano kailangan mo!?" Tanong ko.

"May tumatawag po kasi sayo." Si Anne. Yan yung sagot niya sakin.

"Sino?" Tanong ko.

"Si Daniel at Joey. Sa labas." Sabi niya.

Lumabas ako. Sila nga.

"Ohh tol, ano kailangan niyo?" Tanong ko.

"Tol, pupunta kami sa mall. Sama ka?" Tanong sakin ni Daniel.

"Hindi tol. May ginagawa ako ehh. Kayo na lang." Sagot ko naman.

"Bahala ka, wala kang kasabay mamayang lunch?" Suggest ni Joey. Habang tumatango si Daniel.

"Next time na lang tol. Basta, may ginagawa kasi ako." Sabi ko.

"Okay? Bahala ka." Sabi ni Joey then umalis na sila.

Hindi ko magagawang mag escape. Nakakasira ng record. Nasa higher class pa naman ako.

Nung umupo na ako, nakatingin sakin si Anne.

"Bakit?" tanong ko.

"Uhm, wala lang." sagot niya.

Tapos may konting katahimikan. Ewan ko kung ano bang problema ng babaeng yun. Bakit ganon siya kasungit sakin.

"Uhm, Anne, naging kaklase ba kita dati nung 1st, 2nd year?" Tanong ko sakaniya.

"Yup. Bakit mo natanong?"

"Uhm, wala lang. Kamusta?" Tanong ko.

"Okay lang." Sagot niya sakin na nagtataka. "Bakit mo natanong?" Tanong niya uli.

Anong problema nito? Bakit laging nagtatanong ng ganon?

"Wait, matanong ko lang, bakit kapag nagtatanong ako, sasagot ka at dudugtungin mo ng 'bakit mo natanong' na term?" Tanong ko sakaniya na medyo curious.

"Kasi, hindi ka naman ganiyan dati." Sabi niya. "Ni hello nga hindi mo nagagawa sakin ehh." Sabi niya. Nagtaka ako.

"Teka. Bakit kita kakausapin?" Tanong ko sakaniya. Alam ko na kapag sainyo ko ginawa yun, maiinis kayo. But sorry, ganon talaga ako ehh.

"Huh!? O-okay!? Hindi na uli kita kakausapin!" Sabi niya ng medyo naiinis.

"Uhm, sorry po? Kasi naman po nagtataka lang ako."

"Okay? Don't talk to me!" sabi niya. Oopss. Nagalit siya. Pero hindi kona pinansin.

Lunch time na. Walang kasabay. Kaya pumunta na lang ako sa cafeteria. Nung nandun ako sa cafeteria, ang daming babaeng naka pa libot sakin.

"Kuya pwede makuha number mo?" "Kuya san ka nakatira?" "Kuya may girlfriend kana ba?"

Tanong nila. Nakaka buisit. Kaya ang sabi ko na lang is puro "wala". Para umalis na sila.

Then biglang lumapit si Tory. Yes! Siya lang yung hinihintay kong lumapit ehh.

"Uyy, nasan yung mga kaibigan mo?" Tanong niya.

"Wala ehh, nag escape." Sabi ko. Then biglang lumapit si Omar. Naku, study time nanaman siguro ito.

"Guys! Ma..." hindi natuloy yung sasabihin ni Omar kasi sumabat na ako.

"May gagawin nanaman tayo? Uyy! Free time naman muna ohh? Pagod na utak ko ehh." Reklamo ko.

"Hindi! Makikisabay ako!" Sigaw niya sakin. Natawa si Tory. Ang ganda niya tumawa. :)

"Ahh! Ganon ba? Sige! Makisabay kana!" Sabi ko.

Nagtatawanan kaming tatlo. Ang sarap nilang kasama. Ang ganda ng mga pinag usapan namin. Hanggang sa dumating sila Daniel at Joey.

"Tol!?" Sabi ni Joey.

"Guys, sandali lang ahh." Sabi ko kila Tory at Omar. Nag usap kami nila Dan at Joe.

"Anu yun!?" Sabi ni Joey.

"Ano?" Tanong ko.

"Nakikipag hang out ka kay Omar!?"

"Oo. What's the matter!?" Nagtatakang tanong ko.

"Bro, famous tayo. Hindi dapat tayo nakikipag hang out sa mga nerd." Sabi ni Daniel.

"Nerd!? Omar is not nerd. Imbis matalino nerd na?" Tanong ko. Natahimik sila. Then umalis sila at yung mga mukha nila, inis na inis. Minsan nabubuisit ako sa bunganga ko ehh. Napaka prangka ko.

Bumalik na ako dun kila Tory at Omar para kunin yung bag ko.

"Ano nangyari?" Tanong ni Omar.

"Wala." Tapos umalis na ako. Medyo nabuisit ako ehh. Alam ko pangit yung iwan sila dun pero wala ehh, ganiyan talaga ako.

Ang hirap mong kalimutan...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon