Chapter 3

46 2 0
                                    

End of this day. Masaya naman kahit papaano. Maglalakad na ako. Malapit lang kasi yung bahay namin sa school.

"Ikaw lang yata mag isa?"

Sigaw ng babae sa likod ko. Napalingon ako syempre. Si Tory. :)

"Ohh! Tory! Anong ginagawa mo dito? Saan yung bahay mo?"

"Jan sa may subdivision sa kaliwa."

"Dun ka nakatira? Dun din ako nakatira ehh pati yung mga kaibigan kong ulul." Sabi ko at napatawa siya.

"Ano? Sabay na tayo?" Tanong ko sakaniya. Sana sabihin niyang oo. :(

"Sige."

Naglakad kami "together." This is my first time na mag lakad na isang babae lang ang kasama. Aba! Kapit bahay ko pa siya. Parehas lang kami ng subdivision ehh.

Hmm, I dedescribe ko muna si Tory sa physical. Sa physical muna Kasi hindi ko pa siya ganun kakilala noon.

Maganda si Tory, matalino, kulot na mahaba ang buhok, matangkad I think 5'3. 5'7 Kasi ako ehh. Hindi siya ganun kataba, hindi siya payat. Pero sakto lang. Malinis, simple (ni make-up wala siya. Kasi para sakin ang babaeng walang make-up, malinis at hindi natatakot sa tunay nilang muka. Kasi kapag naka make-up ka, parang naka maskera ka.) at hindi boring kasama.

Well, nandun na kami sa subdivision. Nauna siyang umuwi kasi mas malapit yung sakaniya. "Sige Kiko, pasok na ako. Bye."

"Bye Tory, salamat sa time"

"Wala yun! Bukas uli ahh! :)"

"Sige, bye."

Hayyy. Ang ganda niya.

Naglakad na uli ako. Tapos ginulat ako nila Joey at Daniel. Napasigaw ako pero hindi yung sigaw bakla ahh. Yung sigaw lalake.

"Tol naman ehh! Alam niyo namang magugulatin ako!" Reklamo ko at tinulak ko sila.

"Tol! Chill!" Sabi ni Joey.

"Nakita namin ni Joey kayo ni Tory ahh! Nag dada moves ka sakaniya ahh! Ganiyan dapat!" Sabi ni Daniel.

Mga baliw, gusto na akong mag ka girlfriend. Pero, bakit hindi? Maganda naman si Tory. Parang mabait. Ang sarap niya nga kasama ehh.

Umalis na sila Daniel at Joey nung sinabi kong magbibihis na ako. So, pumunta na ako ng bahay.

Pagkatapos ko mag bihis, pumunta na ako sa tambayan ko. Kubo siya na maliit, medyo malayo sa bahay namin kaya nag bike ako.

Dun sa tambayan na yun, makikita mo yung ganda ng sunset. Dun lang ako pumupunta kapag may problema ako. Simula pagka bata hanggang ngayon. Wala pang nakakaalam sa tambayan na yon kundi ako lang.

"Balang araw, dadalhin ko yung magiging girlfriend ko dito." Bulong ko sa sarili ko. Kasi, talagang maganda. May malinis na ilog sa gilid ng kubo may mga bula bulaklak sa likod nito.

Nung tapos na yung sunset, pumunta na uli ako sa bahay. Kumain. At natulog.

Ganiyan lang ang buhay ko nung single ako. Ginigising ng alarm clock, iihi, Kakain, maliligo, punta sa school, uutot, matutulog. Nakakatawa pero ganiyan talaga ang buhay ko.

Fast forward!!!!!!

Umaga nanaman. 3rd week ng school.

Nung naglalakad na ako papunta ng school, nakita ko si Tory. Naglalakad din. "Tory!" Sigaw ko. Lumingon naman siya. "Ohh Kiko!"

"Sabay na tayo. Papunta na rin ako ng school ehh!" Sigaw ko sakaniya. Malayo kasi siya.

"Sige! Pero, paano ka makikisabay sakin kung malayo ka?" Sabi niya sakin habang tumatawa.

"Ayy! Sorry!" Sigaw ko sakaniya at tumakbo ako sakaniya.

"Okay naba yung ganito kalapit?" Tanong ko sakaniya habang nakangiti.

"Hmm, okay na." Sagot niya sakin.

"Kamusta?"

"Okay lang naman. Ikaw Kiko?"

"Okay lang din."

Fast forward muna. Nagkakamustahan palang kami jan ng buhay buhay. Punta tayo dun sa Pinag usapan namin yung lovelife! ;)

"Kamusta lovelife mo?" Tanong niya sakin.

"Tahimik. Ayoko pa kasi. At hindi ko pa siya nahahanap. Ikaw?"

"Wala rin. Single."

"Wala pang sidecar?" (Kiko ang corny mo!) natawa siya sa sinabi ko.

"Haha! Wala pa. :)"

Nasa klase na kami. At, tumahimik na ng konti.

"Class, meron kayong magiging project here in biology class. I want you to build the earth with it's inside. I will group you on 3. Uhm, Anne, Peter and Tisa. Mag kagrupo kayo. Omar, Kiro and Tory. Magka grupo kayo. Etc."

Yes!!!! Mag ka group kami ni Tory! Pati si Omar! Haha! Yeah!

Ang hirap mong kalimutan...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon