....
Leave your comments po!! Thanks!
"Okay, pumunta na Kayo sa mga group mates niyo! And decide what will you do."
Sabi ng teacher namin.
"Uyy! Omar! Narinig mo yon? Magkagrupo tayo!!! Ang saya saya ko!" Biro ko sakaniya.
"Ehem. Masaya kang ka grupo ako? Ohh masaya kang ka grupo siya?"
Sabi sakin ni Omar at tinuro niya si Tory. Papa dating na si Tory kaya medyo pinagpawisan ako.
"Hoy Omar. Hindi ahh. Masaya narin kahit papano pero hindi Dahil crush ko siya." Sabi ko sakaniya habang nanginginig Dahil padating siya.
"Anong hindi? Ehh bakit ka nag ba-blush? Alam ko na yan! Kumbaga sa chemistry, the meeting of two personalities is like the contact of two chemical substances. If there is any reaction, both are transformed."
"Huy Omar, what do you mean. Ehh prang hindi naman niya ako gusto ehh."
"Alam mo, may napapansin akong Konti na may pag Asa ka." Sabi ni Omar.
Aba, may natutunan ako tungkol sa chemistry. :)
"Ano Pinag uusapan niyo guys?" Tanong ni Tory.
"Ahh, wa...wa..." hindi ako makasagot.
"Wala." Tuloy ni Omar.
"Ahh okay. So, what's the plan?" Tanong ni Tory.
"Okay, ganito ang Plano kailangan nating..." nagpatuloy magsalita si Omar. Pero hindi ako nakikinig. Nakatingin lang ako kay Tory. Habang nakatingin ako sakaniya, parang bumabagal yung Oras tapos parang may background music pa.
Yung ang sarap sarap sa feeling pag tinitignan siya. Kaso napahinto Yun nung tumingin siya sakin. Tumingin siya sakin tapos ngumiti.
Hindi ko alam yung gagawin ko nun. Hanggang sa nagtanong yung teacher ko.
"Mr. Co, ano masasabi mo sa plan niyo?" Tanong ng teacher namin.
"Ang Ganda niya." Oopss. Mali. "Uhh, I mean, maganda yung plan namin. Uhm, see!" Pinakita ko lang sakaniya yung papel na pinagsulatan ni Omar.
Muntik na ako dun ahh. Wala talaga akong naintindihan dun sa discuss ni Omar. Ang naintindihan ko lang yung mata ni Tory. :)
Okay, fast forward. Lunch break na.
"Tol, ang Ganda niya." Sabi ko kila Daniel at Joey.
"Huh? Sino naman?" Tanong ni Joey.
"Si Tory tol!" Sabi ko sakanila na tuwang tuwa. Ewan ko Kung nakikinig ba si Daniel kasi parang busy siya sa babaeng kinkakausap niya.
"Ligawan Mona!" Sabi sakin ni Joey.
"Tol, parang mahirap?"
"Anong mahirap? Sa gwapo Mong yan? Kaya mo yan tol! Isang I love you mo lang dun bibigay na Yun."
"Hindi ako ganun Joey. Kilala niyo ko. Kapag gusto ko, gusto kong paghirapan muna bago ko makuha." Medyo nainis ako sa sinabi ni Joey ehh kaya yan yung sinagot ko sakaniya.
"Chill! Siyempre kilala na kita. Kaibigan kita ehh." Sagot ni Joey.
Tapos na kami mag lunch at bumalik na kami sa mga klase namin. Yes! Makikita ko nanaman si Tory! :)
Kung nagtatanong kayo kung bakit hindi kami magkaklase nila Daniel at Joey, ito yung sagot. Wala sila sa higher class. Kaya yun.
Ooppss, late ako. Patay.
"Sir, sorry."
"Kiro, palagi ka na lang late!? Kanino kaba sumasama!?"
"Sir, kila Daniel at Joey po. Ehh, nakatulog lang po kasi. Sorry."
"Alam mo Kiro, Matalino ka. Wag mo naman pabayain na ibaba ka ng iba."
"Sir, kaibigan kopo sila. Hindi naman po sila yung ganon kasama para idown ako."
"Okay, sit down."
Sumuko si sir na kausapin ako. :D
"Ano nangyari?" Tanong ng classmate kong babae na hindi ko kilala.
"Huh? Ahh, wala. Natulog kasi ako. Sino kaba?"
"Anne. Kaklase kita since 1st year pero hindi mo ako kilala?" Tanong niya sakin. Sa totoo lang, hindi ko masyadong inaalam yung mga pangalan ng mga classmates ko.
"Uhm, sorry Anne?"
"Okay lang." Tapos nagsulat na siya.
Hindi kami nag kausap ni Tory sa lahat ng class. Kaya umaasa ako na mag uusap kami pag uwi.
Naglalakad na ako nung nakita ko si Tory na naglalakad din.
"Tory! Hintayin moko!" Sigaw ko sakaniya tapos tumingin siya. Parang tumatawa?
"Kamusta na?" Tanong ko sakaniya.
"Okay lang ako. Ikaw?"
"Okay lang din. Uyy, ano nangyari kanina? Bakit ka late?"
"Uhm, sinamahan ko kasi sila Joey at Daniel sa mall para makipag meet sa mga girlfriend nila. Kaya ako na late."
"Ohh, so may girlfriend kana rin?"
"Wala ahh. Para nga akong tanga nun ehh." Sagot ko sakaniya.
Tapos may konting katahimikan. Hanggang sa nagsalita ako.
"Uhh, Tory, uhm..." lumunok ako. "Anong tipo mo sa... sa lalake?" Tanong ko sakaniya habang kinakamot ang ulo.
"Baka kapag sinabi ko, ma turn off ka sakin."
"Hindi ahh."
"Gusto ko sa lalake, yung marunong rumespeto, madiskarte, na effort, at yung hindi troublemaker." Sabi niya..
Wow. Paano yan? Troublemaker ako?
BINABASA MO ANG
Ang hirap mong kalimutan...
Teen FictionBakit kapag nagmahal ka ng totoo, masasaktan ka sa huli? Why love is so unfair? Ako nga pala si Kiro Co. They use to call me Kiko. And this is the story of my lovelife. Popular ako sa school namin since 2nd year hanggang 3rd year. Well, popular kasi...