--abie POV parin po ito--
bumungad sakin ang isang babasagin na piggy bank na kulay pink kaya pala medyo may pag ka mabigat ito,lalong kumislap ang mata ko nung nakita ko ang piggy bank namay suot na silver na kwintas tapos may krus na pendant.
'' anak sana ingatan mo yang regalo namin ng itay mo, pinag ipunan namin yan kasi alam ko kahit kailan hindi panamin ikaw nabibigyan ng regalo'' sabi ni inay
hindi ko mapigilan at niyakap ko na sila korny na kung korny..
'' nay'tay salamat po, salamat po sa lahat, salamat po sa pag aalaga sakin, kahit po wala akong handa o regalo tuwing bithday ko? wala po sakin yon kasi kayo ang pinaka malaking regalo ng buhay ko'' hindi ko narin mapigilan ang mata ko luluha na,, ang korny ko talaga,, pero nung niyakap na nila ako dun bumigay ang luha ko (T.T) tumulo na ito..
''yang piggy bank anak ako ang naka-isip nyan kasi gusto ko dyan natin iipunin ang mga pera pang gastos sa pang collage mo at''
hindi pa natatapos mag salita si tatay nagsalita na si inay
'' at yang silver na kwintas anak ako ang may idea nyan gusto ko kahit gaano kahirap ang buhay natin dasal lang anak , dahil nandyan lang si god kapag nalulungkot ka tingin ka lang sa kwintas mo dahil yang krus na pendant nayan parang kame na rin yan anak, lage mo isuot yan hah? para lage mo kame kasama''
si nanay talaga hindi papatalo hehe, sa mga pinag sasabe nila tuloy lalo ako naging korny kasi lumakas ang agos ng luha ko
'' nay'tay huhuhu (T.T) wag kayong mag alala gagawin ko ang lahat, alam ko bilog lang ang mundo kung ngayon ay nasa ilalim tayo alam ko iikot din ito balang araw aangat din tayo''
lalo nila ako niyakap ng mahigpit, kahit wala dito ngayon ang tunay kong magulang pero nandito naman sila parang tunay kong mga magulang at dahil dyan nag papasalamat ako..
tumigil din nang ilang minuto na nakayakap kameng tatlo ano bayan dapat basagin ko na ito! tumingin ako kay tatay at
''tay? para kang vitamins ko''
napahiwalay sila sakin ng pag kasabe ko ng ganun
kumunot ang noo ni tatay ''bakit naman?''
si nanay nakita ko tumingin kay tatay pagkatapos sakin naman ,, nag tataka siguro haha
''ikaw kasi nag papalakas sakin''
(*'.'*) <--- eto itsura ni itay nang pag kasabe ko haha
ayieee si tatay namumula haha...
si nanay naman napangiti din pero saglitan lang syempreee mawawalan ba si inay? syempre meron din baka saktan pa ako nito ehh..
tumingin ako kay nanay at
''nay ?magtatayo ako ng tindahan lahat ng bibili sakin ay mura lang, pero kapag ikaw ang bibili mahal na''
boooink!!!!!
''aray naman inay!'' ayon alam nyo na kapag may mga ganyan na eksena?? umaandar nanaman ang mabigat na kamay ni nanay, pag ka batok skin ni nanay si tatay nakayuko lang tapos tumatawa ?? huhu tatay naman hindi man ako ipagtanggol kay nanay hmp..
''pag sa tatay mo! napaka sweet mo!! pero pag sa akin hindi ! mag sama kayo ng tatay mo'' biglang talikod ni inay
haixx.. syempre kapag nang batok ito may kasunod na kadramahan ganyan naman si inay?
habang nakatalikog sya niyakap ko ito at
''kasi nay sayo lang ako mag mamahal'' tinignan ko ang mukha ni inay ang lapad ng ngiti
(*^-^*) <-- eto itsura ni nanay habang nakatalikod haha...
'' IKAW TALAGANG BATA KA! kung ano-ano pinagsasabe mo san kaba nag mana??''
SUS! si nanay kunyare pa pero kinikilig naman woot..
( ?-?) nag mana?? napaisip ako dun hah? oo nga san kaya ako nag mana? napansin ko mukhang tumahimik si inay tapos si itay may sinasabe kay nanay pero ang gamit nila ay face expression lang, siguro akala nila malulungkot ako kasi na alala ko nanaman ang mga tunay kong mga magulang..
niyakap ko ulit sila at '' syempre nay sa inyo ni tatay, mabuti nga nay' hindi ko minana ung mabigat na kamay''
si nanay mukang napa-isip sa sinabe ko, si tatay naman tumawa lang siguro nagegets ako ni tatay hehhe...
.
.
.
.
.
nandito na ako sa kwarto ko nakahiga na napapangiti sa tuwing naalala ko ang mga nangyari kanina hmp! para naman akong tanga nito kasi ngumingiti ako ng walang kausap? pake ba nila ee masaya ako hihihi :D makatulog na nga siguro mas maganda ang mga mang yayari bukas.
(-.-) zzzzzzzzzzZZZZZ...
-----------Karugtong-------------
''pasensya na po kapitan, talagag hindi pa kame makakabayad ngayon, alam nyo naman po na kaka graduate palang ng anak ko kahapon kaya napa gastos kame''
''hindi ko na kasi mahintay ang isang taon na palugid na binigay ko sa inyo? mabuti kung malakas ang benta ng bukohan na sinanla nyo sa akin para kahit papano ay may dumadating pera sakin pero hindi''
''pasensya na kapitan talagang wala kameng ipang babayad ngayon? kung may iba lang ako pwede gawin para maka bayad na ako ay gagawin ko''
nagising ako sa mga boses na naririnig ko sa baba, parang wala pang 3 oras ang tulog ko hah?! ''ANG INGAY NAMAN''
tinakpan ko ng unan ang mukha ko para hindi ko sila marinig, pero nag kamale ako, naririnig ko pa sila.
''may magagawa ka atong''
''at ano naman iyon kapitan''
tinanggal ko ang unan na nakatakip sa mukha ko ''SI KAPITAN NANDITO??'' parang kanina narinig ko ang salitang bukohan?, oo nga pala kay kapitan sinanla ang bukohan, hindi kaya sinisingil na ni kapitan si itay?,, dali-dali akong bumangon at bumaba,pero mahina lang ang yapak ng mga paa ko baka kasi malaman nila na makikinig ako sa usapan nila,
dahan-dahan sumilip ako sakanila'' si itay kausap nga si kapitan boyet at may isang lalake na nakatalikod sino kaya ito?''
''katulad ng pagbinsi mo sa anak mo na makipag sa relasyon sa anak ko''
lumaki ang mata ni itay pero mas malake ung sa akin! (@_@) hah!! ano daw nababaliw ba to si kapitan upakan ko yata to?!..
hahakbang sana ang paa ko para harapin si kapitan kaso nag salita si itay...
''kapitan? hindi naman po sa ayaw ko pero masyado pang bata ang anak ko at hindi ko hawak ang buhay nya''
nalalag ang ulo ko sa sinabe ni itay, ok na sana ee kaso may kasama pang MASYADO PANG BATA ANG ANAK KO bakit kapag matanda ba ako ngayon ee ipamimigay nya nalang ako? buti nalang may HINDI KO HAWAK ANG ANG BUHAY NYA kung hindi nakoo upakan ko din ito si itay eh''
sa sinabe ni itay biglang humarap ang lalakeng kanina ay naka talikod
(o.o) ha! si ano??... si ano to hah!!!!..
________________________________________________
★★ vote comment vote comment ★★

BINABASA MO ANG
age doesnt matter
Romanceabielyn sanchez said... "MASUNGIT,! ANG ARTE! MAINITIN ANG ULO! ARRGG TAMA NGA ANG KASABIHAN NA KAPAG MATANDANG BINATA KA O DALAGA KA NAPAKA SUNGIT MO AS IN S-U-N-G-I-T SUNGIT! BLEE " pout leoj ong said... "CHILDISH! NOISY! CLUMSY! AT HIGIT SA LAHA...