Chapter 2: Si Claire

75 0 0
                                    

3rd year high school. Sumali kami ng mga kaibigan ko sa isang cheering competition. Sa loob lang naman ng school yung gaganaping competition. At doon…

“Pa, sumasayaw ka?” tanong ni Nicole. Nakataas ang isa nyang kilay. Mukhang nagdududa yata sya sa kwento ko.

“Oo, nagdududa ka?”,pinilit ko din itaas ang isa kong kilay, kaso nabigo ako. Hindi ko nga pala kaya yun.

“Sample nga, Pa!”, Naku! Napasubo na.

“Sumasayaw ako. NOON.”

“Ok”, tumawa sya. Ayos. Lusot ako.

“Saan na ba ako?”

                At doon ko siya nakilala. Naging kapareha ko siya sa isang routine. Noong una, akala ko suplada siya at masungit. Hindi naman ako nagkamali. Suplada nga daw siya at masungit. Yun ang sabi nya sa akin. Pero naging maayos naman ang pakikitungo nya sa akin kahit kanina lang kami nagkakilala at nagkausap. Maganda sya. Mabait. Kwela din siya kausap. Hindi namin namalayan, halos isang oras na pala kaming nagkukwentuhan at nagtatawanan sa mga kung ano-ano lang na pumasok sa isip namin. Ang bilis ng oras. Tapos na pala yung practice namin para sa araw na iyon. Bago mag-uwian, kinuha ko ang number at pangalan nya. Siya si…

“Claire”, si Nicole.

“Ok, sige”, napangiti nalang ako.

                Si Claire. Mananayaw sya sa school namin. Madalas sumayaw ang grupo nya sa stage tuwing lunes ng umaga o kaya tuwing may event sa loob ng school. Hindi natapos sa cheering competition yung komunikasyon namin ni Claire.

 Hindi nagtagal ay niligawan ko siya.

Sinulatan.

 Nagka-text.

Nag-date.

At matapos ang tatlong buwan ay opisyal na naging kami na sa wakas. Ang saya.

 Maganda ang naging simula ng relasyon namin. Nakilala namin ang bawat miyembro ng kanya-kanyang pamilya. Tanggap naman nila ang relasyon namin. Swerte. Palagi din kaming nandyan para sa isa’t-isa. Naalala ko pa nga noong nagkaproblema yung pamilya ko, siya yung naging sandalan at iniyakan ko sa mga oras na problemadong-problemado ako.

 Mapalad ako at mayroon akong kasintahan na katulad nya.

Na nakilala ko siya.

1st year college. Magkaiba kami ng napasukang unibersidad. Gayun pa man, nagkikita parin naman kami. Nagtatawagan. Nagte-text. At nag-uusap. Pinupuntahan namin ang isa’t-isa kapag walang pasok o kaya ay may libreng oras kami. Madalas namin mapag-usapan yung mga pangyayari sa paaralan namin. Yung mga pangarap namin.  At yung mga gusto namin mapuntahan at makamit ng magkasama.

Pero minsan, kapag nauubusan na kami ng pwedeng mapag-usapan at pagod na sa maghapon na ginawa sa paaralan, kung ano-ano nalang yung napag-uusapan namin.

Sa park. Nakaupo kami. Bigla nalang humangin ng malakas.

“Naramdaman mo yun?”, tanong ko.

“Alin?”, si Claire.

“Yung pagmamahal ko sayo”, sabay kikindatan ko sya.

Sa mga ganung pagkakataon na wala na talagang mapag-usapan, ganun palagi ang ginagawa ko. Pagkatapos nun ay tatawa nalang sya ng tatawa. Gustong-gusto ko siyang nakikitang masaya. Gustong-gusto ko palaging makita syang nakangiti. Di bale ng bumyahe ako ng matagal basta makita ko lang yung ngiti nya.

Ewan ko ba.

Magaan sa pakiramdam eh.

Kaya gusto ko lagi syang kasama.

Dumating yung araw na naging busy na kami sa pag-aaral. Mas mahalaga ang pag-aaral higit sa lahat ng bagay. Ang madalas na pagkikita ay naging madalang na. Gayun din ang tawagan at texts. Naging parang long distance relationship ang set-up ng relasyon namin. Gayun pa man, tinitiyak namin na nagkakamustahan parin kami kahit sa texts lang.

Atleast sa ganung paraan, kampante ako na iniisip parin nya ako.

 Kampante parin ako na she still cares for me.

 Kampante parin kami na sa dinami-dami ng mga ginagawa namin, hindi tuluyang nawala ang komunikasyon sa isa’t-isa.

Sa ganitong set-up, mahalaga ang komunikasyon.

Ang tiwala.

At loyalty sa isa’t-isa.

“Gatas mo”, inabot ko kay Nicole yung tinimpla kong gatas nya. Kape naman yung para sa akin.

May ginagawa sya kaya inilapag ko sa lamesang katabi ng kama nya yung baso ng gatas.

“Anong ginagawa mo?”

“Listahan ng mga posibleng nanay ko sa kwento.” Sagot nya sa akin habang inaabot yung baso ng gatas nya sa lamesa.

Nakita ko ang nakasulat. Pangalan ni Claire ang nakalagay sa unang hanay.

“Maganda. Mabait. Marunong sumayaw. At masayahin”, inililista nya yung mga katangian ni Claire sa ikalawang hanay.

                Galing ako sa kusina. Pagbalik ko sa kwarto nya ay may dala na akong chocolate cookies sa plato. Paborito nya. Inilapag ko iyon sa kama malapit sa kanya.

“Anong kasunod nung kwento, Pa?”, tanong nya sabay kuha ng cookies sa plato sa harapan nya.

Higop sa kape.

“Sige, itutuloy ko na.”, umupo na ulit ako sa harapan nya at sinimulan muling magkwento.

Closure?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon