Chapter 5: Katapusan ng Minsan

74 0 0
                                    

"Mahal mo ba talaga ako?" 

"Lasing ka na. Magpahinga ka na" 

"Sagutin mo yung tanong ko.. 

Mahal mo ba talaga ako?" 

Paulit-ulit nalang. Nagtatanong sya palagi ng may pagdududa sa pagmamahal ko sa kanya. Minsan, naiinis na ako sa paulit-ulit naming pagtatalo sa mga paulit-ulit na problema. Madalas tumatahimik nalang ako kapag nagsisimula na sya magsalita. Ayoko sabayan ang galit nya. Napapagod na ako. Bangayan. Sumbatan. Madalas na kaming ganito. 

Pero sa pagkaka-alam ko.. 

hindi kami ganito nagsimula. 

3rd year. Break time. Nasa labas ng room kami ni Joshua, kaibigan ko mula nung 2nd year palang kami. Naglalakad-lakad kami ng mapansin namin na may nagpapraktis ng sayaw sa di kalayuan. 

At may isang babae na nakapukaw ng pansin ko. 

"Josh, kilala mo yun?" tinuro ko yung babaeng sumasayaw. 

"Sa pagkaka-alam ko, kaibigan sya ni Joan. Section 3 sya" 

"Ang ganda nya" nakatulala ako habang pinagmamasdan ko sya. 

Yun lang ang nasabi ko mula nung unang beses na nakita ko sya. Ang ganda nya talaga. 

Sa room. Nilapitan ako ni Josh. Nalaman ko sa kanya na cheering squad pala yung sumasyaw kanina at naghahanap pa daw sila ng karagdagang miyembro dito sa section 1 at sa section 2 sa kabilang room. Naalala ko yung babaeng sumasayaw kanina. 

"Sali tayo" yaya ko kay Josh. 

"Ha?! Seryoso ka?" 

"Wala namang masama diba? Tsaka masaya yun" 

May konting talento naman kami ni Josh sa pagsayaw. Hindi lang namin alam kung sapat na yun para makasali sa kanila. 

Di kalaunan, pumayag si Josh. Sumali kami. Recommended din kasi kami nung choreographer ng section namin as recruits. 

Yun na. 

Nakasali kami sa squad. Ayos! Halos araw-araw ko ng makikita yung magandang babae na nakapukaw ng pansin ko kanina. 

:) 

"Kaibigan mo sya?" 

"Oo, bakit?" si Joan, kaibigan namin ni Joshua. 

"Pakilala mo naman ako, oh" 

"Naku! naku! Yang mga ganyan mo. Kilala kita. Wag mo na ituloy yang binabalak mo. May boyfriend na sya" 

"Makikipagkaibigan lang naman ako" 

"Oh sige na nga"

May boyfriend na pala sya. 

Maswerte.. 

Yung boyfriend nya. 

Nalaman ko kay Joan na Claire pala ang pangalan nya. 

Claire. 

Siya si Claire. 

Next routine. Partners ng boys and girls ang kailangan. Pumikit ako at humiling na sana.. 

makapareha ko sya. 

"Claire.." yung choreographer namin. 

"partners kayo" tinuro ako. 

"Wow! This is it!" sigaw ko sa isip ko. 

Nung una, nahihiya pa ako sa kanya. Hindi mawawala ang ilangan sa isa't-isa. Ang hindi nya alam, sobrang interesado na ako sa kanya. Iniisip ko na sana mas tumagal pa itong praktis na ito para mas matagal ko pa syang makita at makasama. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Closure?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon