Chapter 4: Si Cloe

70 0 0
                                    

10 pm. Ganito na madalas ang nagiging uwi ko sa bahay. Masyado ng madaming ginagawa at kailangang tapusin. Madalas na din ang pagpupuyat. Konting tiis lang. Konting pasensya pa. Konting pagpupuyat pa. Konting higop pa muli ng kape upang manatiling gising sa ginagawa at tinatapos.

Konti nalang..

magkakaroon na muli ako ng oras para kay Claire. Makikita ko na muli sya. Makakasama ko na muli ang babaeng minamahal ko.

Pakiusap.

Konting tiis pa...

Claire.

11:52 pm. Nasa harap parin ako ng monitor ng laptop. Pipikit-pikit na ang mata. Masakit na din ang ulo at likod. Pero kailangan tapusin ang ginagawang report para bukas ng umaga.

Tinamaan na ako ng pagod.

Tinamaan na din ng antok.

Papikit na ako ng biglang...

"Anung oras na?" si Cloe, nagmessage sa chatbox ko.

Balik sa nakaraan.

"Hi" nakangiti yung babaeng ipinakikilala sakin ni Job.

Kinawayan ko naman yung babae.

"Dude, sya si Cloe" si Job.

Nakipagkamay ako kay Cloe bilang pakikipagkaibigan.

"Gusto nya daw sana hingin yung number mo" si Job ulit.

"Number ko? Bakit naman?" nakakapagtaka. Bakit nya gustong hingin yung numero ko? Baka naman...

"Wala lang. Para lang makipag-kaibigan" si Cloe.

"Ano po bang network ang gamit mo?"

"Globe"

"Magkaiba tayo ng network eh. Smart ang gamit ko..." Smart ang gamit namin ni Claire.

"yung kay Job nalang yung kunin mo. Globe din ang gamit nya" dugtong ko sa sinabi ko.

"Ok. Sige" mukhang nalungkot sya sa sinabi ko.

Hindi naman sa madamot akong magbigay ng numero ko. Ayoko lang na maraming nagtetext sa phone ko. Yun bang dadaanan ka ng mga group messages na wala ka namang kinalaman at pakielam. Wala akong oras para sa mga ganung bagay. Wala na nga akong oras kay Claire, sa ibang tao pa kaya?

Pero nakakahiya naman kay Cloe. Maganda at maayos naman yung approach nya sa akin. May isinulat ako sa isang kapirasong papel..

at iniabot ko kay Cloe.

"Ano to?"

"Fb ko. Dyan nalang tayo mag-usap kapag naabutan mo akong online"

"Oh sige" ngumiti na muli sya.

At yun ang simula ng pagkakaibigan namin ni Cloe. Madalas akong abutan ni Cloe na online tuwing madaling araw. Gayun pa man, di ko rin naman sya masyadong nakakausap dahil madalas ay may ginagawa ako. Kaya nag-iiwan nalang sya ng link ng kanta sa chatbox ko. Ganun sya pag alam nyang busy ako. Iniiwan nya yung mga link para daw may mapakinggan ako. Pinapakinggan ko naman. Mahilig sa musika si Cloe. Marami din syang kilalang di masyadong sikat na music artist pero magaganda ang nalilikhang musika. Ganun lang kami palagi. Kapag nakakatapos naman ng maaga sa ginagawa, tsaka ko lang sya nakakausap.

"Nagustuhan mo?" si Cloe.

"Ang alin?"

"Ako :)"

"Huh? :/?"

"Joke! Hahaha"

"Hahaha :D"

"Yung kanta na ipinarinig ko sayo"

"Alin sa mga yun? Andami kaya nung nilagay mong link"

"Ay oo nga"

"Hahahaha"

"Lol"

Masasabi kong si Cloe ang dahilan kung bakit mas naappreciate ko ang musika. Marami din akong nakilalang banda na nageexist pala. Nageenjoy na din ako sa OPM. Nagustuhan ko ang Bamboo, Urbandub, Paraluman, Mayonnaise, Tanya Marcova, Gracenote, Sandwich, Franco, Paramore, Plain White T's, Long Short Story, Faberdrive, Nickelback, He is We, Karmin, Owl City, Flyleaf, Fireflight, at marami pang iba. Alam nyo ba na hindi peklat ang nasa kanang mata ni Gab Alipe (vocals ng Urbandub) kundi isang tattoo? Pinagtalunan namin ni Cloe yan. Ayun. Panalo ako. Alam nyo ba na Christian band ang Paramore? Eh ang Kaligta?

Madami akong nalaman sa kanya. Lalo na sa math. Ayoko sa math. Malinaw sa lahat na ayoko sa subject na math. Hindi ko maisip kung paano gagamitin ang square root sa pagbili ng baboy, manok, baka, gulay, prutas, bigas, mantika, at ng paborito kong cornetto.

"It teaches us to be patient and think critically" si Cloe.

"Wow english yun ah. Epistaxis! T.T"

Tawanan kaming dalawa.

Pero totoo naman eh. Tama sya. Maliban sa mga numero at halo-halong formulas, iyon ang talagang gustong ituro ng math sa ating lahat. Patience and Critical thinking. Yun ang wala ako. Yun naman ang meron sya. Kaya BS Math student sya. Ikaw na. Ikaw na talaga.

"Anung oras na?" si Cloe, nagmessage sa chatbox ko.

"12:13 am. Bakit?"

"Wala lang. Madaling araw na kasi pero gising ka pa"

"May tinatapos pa kasi ako"

"Ah ganun ba?"

"Nga pala. Kamukha mo pala talaga si Pia Guano. Hahaha"

"Madami ng nakapagsabi sa akin nyan :P"

"Hahahaha"

"Sige out na ako inaantok na ako eh"

"Sige goodnight"

"Pakinggan mo nalang yung kanta na nakita ko. Iiwan ko dito yung link"

"Oh sige"

":)" nag out na si Cloe.

Interes sa musika ang nagbubuklod sa aming dalawa ni Cloe. Pangako naman ang sa amin ni Sheene. Pagmamahal at tiwala naman ang sa amin ni Claire. Yun ang mga bagay na sa tingin ko kung bakit nagkakaintindihan kami ni Cloe. Kung bakit muli kaming nagkakatagpo ni Sheene. At kung bakit kami nagmamahalan ni Claire. Mahalaga ang mga kaibigan at minamahal na sumusuporta at naniniwala sa akin. Maging ang kasintahan na patuloy na nagmamahal sa akin. Konting tiis nalang. Unahin ko muna yung pag-aaral ko. Once na magkaroon ako ng libreng oras, babawi ako sa inyo. Pakiusap. Hintayin nyo ako.

Kasagsagan ng pagpupuyat. Paidlip na sana ako dahil ilang oras lang ay babangon na muli ako para pumasok. Ng biglang..

*beeep!*

may nagtext sa akin.

"Mahal mo ba talaga ako?"

yan yung text.

Galing kay..

Closure?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon