Chapter 1: Ang simula

87 0 1
                                    

Biyernes. 11:47 a.m. Lunch break na sa opisina. Halos isang buong linggong nagtatrabaho. At hanggang ngayon ay hindi parin ako tapos sa mga ginagawa ko. Mahirap gumawa ng mga plano. Pero ito ang buhay na pinili ko. Ang buhay ng isang arkitekto (para akong tumutula). Empleyado ako ng isang (hindi masyadong kilala) kompanya sa Ortigas.

 May normal na buhay.

At may isang anak.

“Naku! Muntik ko ng makalimutan!”

Susunduin ko siya sa araw na ito. 12 noon ang tapos ng klase nya tuwing araw ng biyernes. 4 p.m. naman sa ibang araw ng weekdays. Medyo malapit lang naman ang pinapasukan nya sa opisinang pinapasukan ko. 10 mins. lang ang byahe. May sobra pa akong 3 mins. Ayos.

11:59 a.m. Sakto ang dating ko sabay ng tunog ng bell. Hudyat na para magsi-labas ang mga bata. Maraming mga magulang ang naghihintay malapit sa pinto ng labasan. At isa na ako sa kanila. Maya-maya, nakita ko na siya. Tumatakbo papalapit sa akin.

“Pa, kailangan natin mag-usap.”, si Nicole.

8 years old.

Matalino at mabait na bata.

Ang anak ko.

Hindi na ako bumalik sa opisina. Maaga akong nag-out sa trabaho. Kumain kami ng anak ko sa labas. Marunong naman akong magluto. Sadyang minsan, sige na nga, madalas ay ayaw ng anak ko sa mga luto ko. Pagkatapos kumain ay dumaretso na kami sa bahay.

7:33 p.m. Sa bahay. Panay parin ang tanong at pangungulit sa akin ni Nicole. Paulit-ulit. Mga tanong nya mula kanina pa habang papa-alis kami ng paaralan nya, habang kumakain sa labas, at hanggang sa mga oras na ito. Hindi nya ako tinatantanan. Hanggang sa..

“Magdi-divorce na kami ng Mom mo.”, Ayan. Nasabi ko na sa kanya.

“Yun ba ang dahilan kung bakit mo ako ibibigay sa kanya?”

Mula sanggol pa lamang siya ay ako na ang nag-alaga sa kanya. At hanggang sa lumaki siya ay hindi niya nakita ang nanay nya. O baka naman hindi nya lang matandaan? Ngayon, magdi-divorce na kami. Dahil sa 8 years old pa lamang siya, ayon sa batas, ang nanay ng bata ang may karapatang mag-alaga hanggang sa tamang edad nito.

“Oo, pero sinisigurado ko sayo na magugustuhan mo siya.”

“Paano? Eh hindi ko siya nakilala mula pagkabata ko.”

“Bukas, makikilala mo na siya. Kaya matulog ka na.”

Palabas na sana ako ng pinto ng kwarto nya ng bigla ulit siyang natanong.

“Bakit kayo maghihiwalay?”

Napatigil ako. Napa-isip. Pero hindi ko nalang pinansin yung tanong nya.

“Matulog ka na. ‘wag ka ng makulit.”

Muli pa siyang nagtanong. Sunod-sunod na tanong.

“Anong itsura ng nanay ko? Maganda ba siya? Kamukha ko ba siya? Anong katangian nya yung nagustuhan mo sa kanya?”

Sa dinami-dami ng mamanahing ugali ng anak ko sa akin, bakit yung kakulitan pa? Kitang-kita sa mga mata nya na gustong-gusto nyang makilala ang nanay nya. Wala na akong nagawa. Panalo ang anak ko.

“Ikwento mo naman sa akin kung paano kayo nagkakilala at nagkatuluyan ng nanay ko, Please?”

“Sige na nga, pero kumplikado yung kwento naming dalawa ng Mom mo”

“Paanong kumplikado?”

“Basta. Ganito. Babaguhin ko yung mga pangalan ng mga tauhan sa kwento at...”

“At ako nang bahala na tukuyin kung sino sa kanila yung nanay ko…”

“Gusto ko yan! Parang love-mystery story. Minus the crime nga lang” ngumiti si Nicole na may halong excitement sa mukha.

Humiga na sya ng maayos sa higaan nya. Umupo naman ako sa harapan nya. Inisip ko kung saan ko pwedeng simulan yung kwento. Ilang sandali lang...

“Game?” sabay lagay ng kumot sa katawan ni Nicole.

“Game!” ngumiti siya.

Katulad ng ngiti ng nanay nya sa akin.

Parehong-pareho.

Katulad ng ngiti nya.

Closure?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon