Gabi. Nagreresearch ako sa internet para sa assignment ko. Tulad ng iba, mahilig din akong magmulti-tasking. Sabay-sabay na gawain ng magkakaibang bagay dahil alam ko na limitado lang ang oras ko sa computer shop. Nagreresearch. Nagyo-youtube. Nagbabasa ng manga. At nagfe-facebook.
Nitong nakaraang araw lang ako nagsimulang gumamit ng facebook kahit matagal na ang account ko. Si Claire ang may gawa ng fb account ko para daw may communication kami sa tuwing maaabutan naming online ang isa't-isa. Nung una, ayoko pang gamitin. Hindi kasi ako marunong gumamit at aktibo sa paggamit ng mga social networking site gaya nito. Para din sa akin, di naman necessity ng isang tao ang isang fb account. Hanggang sa pag awayan namin ang bagay na yun. Pinagbigyan ko si Claire. Binuksan ko yung fb ko. Gaya ng sabi ng ilan, 'there's always a first time'. Di naman naging masama ang unang paggamit ko sa account. Pero limitado parin sa chatting ang alam ko.
"Ok lang yan. Ang mahalaga nagkakausap tayo kahit sobrang busy natin dalawa" si Claire.
Tama. Kausap ko si Claire habang gumagawa ng mga paperworks and researches. Kausap ko sya. May komunikasyon pa kaming dalawa kahit di na masyadong nagkikita. May komunikasyon pa...
At iyon ang mahalaga.
30 mins. Sa wakas, nakatapos din sa ginagawang research. may oras pa ako para sa ibang gawain. Click sa ibang tab.
Binuksan ko yung fb ko. Offline si Claire pero may messages ako.
Click dito..
Click doon..
Walang message galing kay Claire. Pero may isang message na nakakuha ng attention ko. Galing sa dati kong kaklase noong elementary pa ako. Na nagkataon din na naging first crush at first love ko.
Sya si..
Tinitigan ko si Nicole. Baka kasi magbigay muli sya ng pangalan. Tahimik lang syang humihigop ng gatas nya, kumakain ng paborito nyang chocolate cookies, at nakatingin lang sa akin. Mukhang seryoso sya sa pakikinig kaya napagpasyahan ko nang pangalanan yung babae sa kwento.
"Sya si Sheene" higop sa kape sabay hinga ng malalim pang bwelo sa susunod na detalye ng kwento.
Grade 5. Yun ang unang beses na nakita ko sya. Bago lang ang mukha nya dito sa paaralan namin. Halatang transferee sya. Mula nung umpisa ay hinangaan ko na sya.
Talented.
Mabait.
Responsable.
Matalino.
At maganda.
Mula nung unang makita ko sya hanggang sa grumaduate kami ay hinangaan ko sya.
Alam yun ng mga kaibigan ko.
Alan yung ng ibang guro na kaclose ko.
Alam din yun ng mga magulang ko.
Alam yun ng lahat ng malapit sa akin..
maliban sa kanya.
Mukhang hindi nya pansin ang lahat. Una, mga bata pa kasi kami. Pangalawa, naka focus sya sa pag-aaral. Pangatlo, maraming umaaligid sa kanya kaya hindi nya napapansin ang lahat ng efforts ko.
Pero himala naman ng mga himala. Isang linggo bago ang graduation.
"Sa parehong school tayo mag-aaral, ha!" si Sheene.
"Sige ba" napangiti ako.
"Promise?"
"Promise" nag apir kami. Kitang kita ko ang ngiti sa mukha nya. Ang ngiti ni Sheene sa akin.
Yun ang huling pag-uusap naming dalawa. Hindi ko na sya nakita pagkatapos ng graduation. Tila 'promises are made to be broken' talaga. Hindi kami nagkita sa napag-usapan naming paaralan. Walang koneksyon mula noon hanggang ngayon. Limang taon. Halos limang taon kaming walang komunikasyon at ngayon..
bigla nalang may natanggap akong mensahe galing sa kanya.
"Kamusta na? heto ang number ko. Text text naman tayo minsan.." nakalagay sa dulo ng mensahe ang numero nya.
Isinulat ko sa isang papel yung numero nya. Nag-out na ako. Nagpa-print ng research na ginawa kanina. At diretso na ako sa bahay.
Napa-isip ako. Itetext ko ba sya? Iba kasi yung network nya sa gamit ko. Mapapagastos ako kung sakali. Kaso, sayang naman kung hindi ko sya kakamustahin. Hindi biro ang limang taon. Akala ko nakalimutan na nya ako. Akala ko wala ng pag-asang makausap ko muli sya. Akala ko wala na talaga.
Akala...
Akala...
At marami pang akala
Nagpaload ako. Yung tama lang para matext ko sya. Sapat lang para makamusta ang isa't-isa. Sakto lang na gastos para di masyadong mabawasan ang ipong pera.
Nagtext ako.
Medyo mahaba.
Sinulit ang maximum at available characters ng isang text. Inilagay ang lahat ng gustong sabihin at mga unang tanong na pumasok sa isip ko nung mga oras na iyon.
Ayos.
Tama na ito.
Pindot na ng send.
Hintay nalang ng sagot nya sa text ko.
Sa limang taon na walang komunikasyon. Muli kaming nagkamustahan. Napagkasya ang limitadong load para sabihin sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Muli kaming nagtawanan. Sabay na inalala ang nakaraan. Hindi nya ako nakalimutan. Gayun din naman ako sa kanya. Sa huling load ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Nangako na hindi na muling magtatagal sa limang taon ang muli naming pag-uusap.
Masaya akong muling makausap sya.
Balik ang buhay ko sa pag-aaral. Apat na araw sa weekdays. Isang araw sa sabado at ROTC naman sa linggo. Walang pahinga. Sinabayan pa ng puyatan sa researches at projects. Totoo nga. High school ang pinakamasayang panahon sa pag-aaral. Wala masyadong pressure. Maraming extra-curricular activities na masaya gawin at mas sumasaya pag sinamahan ng gala. Maraming oras para makipag-bonding sa mga kaibigan. At higit sa lahat, kumpleto ang tulog ko.
Tumunog yung alarm clock. Inabot ko kaso malayo para maabot. Kailangan kong bumangon mula sa hinihigaan ko. Sa wakas, napatahimik ko din ang maingay na alarm clock.
"Anong araw ba ngayon?"
Tinignan ko yung phone ko. Nakakasilaw. Masakit sa mata. Konting kuskos. Ayos na.
"Linggo pala ngayon!"
Linggo. ROTC day. Masusubukan nanaman ang katawan ko. Tiyak na mapapagod nanaman ako sa araw na ito. Pero tila himala ng mga himala, simpleng drills lang ang ipinagawa sa amin. Mukhang maaga pa yata kaming ididismiss. Swerte. May naghihintay pa sa aking kalbaryo sa bahay. Kailangan ko pang magpuyat para matapos ang idinodrowing na project.
Nakaupo kami sa likod ng grandstand. Halo-halong company. May nagtatawanan. Nagkukwentuhan. At nagkukulitan.
Sa likod ko, may kinakausap na babae yung kaibigan kong si Job. Pinupormahan nya ata.
Maya-maya, nagulat nalang ng biglang may kumalabit sa balikat ko.
"Yo! Dude, may ipapakilala ako sayo" si Job.
"Sino?"
"Sya" ngumiti si Job.
"Hi" nakangiti sya. Yung babaeng kausap kanina ni Job. Yung inakala ko na pinupormahan nya kanina.
Si...