May 11, 2011
Kagaya ng inaasahana, ito sa ngayon ang pinaka-mahalagang araw ng May para sa akin.
Ito lang naman ang araw na nakilala ko ang lalaking kinababaliwan ko hanggang ngayon. Obsession? siguro nga pero hindi niyo naman ako masisi, sadyang nababaliw lang ako sa kanya ng walang dahilan.
Ito yung araw na kagagaling ko lang ng plasa at pagdating ko sa bahay, nakakita ako ng isang MOON sa harapan ko. hahaha! alam niyo naman siguro ibig sabihin kung bakit moon diba? . Nawala bigla ung pagod ko .
Kaya naman, ginawa ko ng pangalawang bahay ang Labas ng bahay namin para lang maka-silay. Sa araw-araw na ginawa diyos para sa Summer ko, nakatambay lang ako.
Siya rin yung dahilan kung bakit natatadtad ko ng mga GM ang mga kaklase ko sa tuwing may nangyayaring nagpapakilig sa akin.
Tinawag ko na ngang Anniversary itong araw na ito eh, hindi naman dahil may something pero anniversary na nakilala ko siya. Siguro siya hindi niya na maalala pero ako tandang-tanda ko pa.
Noong isang araw, bumili siya dito sa amin ng Pancit Canton na Sweet and Spicy, alam niyo ba kung gaano ko pinipigilan ang sarili ko na nerbyusin? dahil nakakahiya na abutin ung pera niya na nanginginig ung kamay ko kaya pinapa-kalma ko ung sarili ko. Tapos ngumiti siya sa akin! sobrang cute!
***
Pero ngayong may 11 wala siya dito sa lugar namin, sad to say hindi ko siya makikita ngayong Anniversary. Feeling ko nga hindi kumpleto ang araw kapag hindi ko siya makikita. Naging habit ko na nga ata na tumingin sa screen door nila kapag bumubukas assuming na lalabas siya!
Tapos palaging kong sinsabi kapag nakikita ko ung Moon, ung MOON ko ngayon wala dito nasa malayong lugar.haistt.. pero sabi ko Okay lang babalik naman siya dito. I'm hopeful
***
I'm hoping na umabot pa kami ng 2 years :>
I'm still waiting and hoping . :D
BINABASA MO ANG
dearJOHN
Avventuratrue-to-life Diary.. sari-sariling experience lang 'yan, minsan maganda, minsan masakit, minsan masaya, ... pero dapat enjoy lang... We just have to think that in the end, it will yield to better things.. I hope na hindi talaga 'to makarating sa kan...
