July 24,2012. The Farewell Chapter

50 1 0
                                        

July 24, 2012

Dear John,

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan itong huling letter na isusulat ko dito sa story na 'to. Letter of goodbye? I guess? Habang tinatype ko 'to, pinipigilan kong umiyak sa harap ng computer, sinusulat ko pa lang kasi naiiyak na ko, baka kasi may makakita sa akin, di ko alam isasagot ko eh.

Wala man mag-sabi sa akin, nararamdaan ko na, nakikita ko rin. Nakita ko yung Tita at Tito mo galing sa taas nag-hanap ata sila ng bahay, katatapos ko lang mag-review noon sa Calculus eh at kinarga ko yung baby ng kapitbahay pero halos manlambot ako nung nakita ko yun, yun bang kahit walang nagsasabe nararamdaman ko. weird noh? Ibinalik ko yung bata sa nag-aalaga tapos umupo ako, kinuwa ko yung tuwalya ko tapos tinanong ko si mama kung tapos na siya kasi papasok na ko sa kwarto para mag-review pero hindi naman talaga ako magre-review, nangingilid na kasi yung luha ko eh, kailangan ko na talaga umiyak parang ngayon din, kahapon ko pa kasi nararamdaman simula nung nakita ko yung Tito mo na kausap si Ate Magda. 

To be honest, di ko alam kung ano ba ire-react ko, ayoko sanang umiyak eh pero hindi ko talaga kaya. Di ko alam kung tama ba na umiyak ako na kung sa tingin mo napaka-babaw na dahilan na aalis ka lang, pero maalis mo ba sa akin yun? masakit kaya. Tagos-tagusan, sagad hanggang buto. 

Kung alam mo lang na iniiyakan ko talaga tong computer ko ngayon. Nakakainis, di ko talaga kaya pigilan eh. Akala ko kasi next year pa eh, akala ko sa May pa. Marami pa kong hinahanda. Marami pa kong hindi natatapos eh. Hindi ko pa nga napre-prepare yung sarili ko, bakit pabigla-bigla? Masakit kaya.

Owen, paulit-ulit ko na lang sinasabi, Hindi na kita maramdaman. Alam mo yun? yung parang hello staranger? This past few days, kapag nag-gm ka, tapos magrereply ako na babati ng goodmorning parang wala na lang din, di na katulad dati. Siguro nag-expect lang ako masydo ng atensyon agling sayo. Sorry nasasaktan kasi ako.

Nagpaparamdam ako sayo, sobrang miss ko na conversation natin na kahit maikli lang atleast kahit papaano meron kesa naman wala. Sobrang miss ko na lahat, minsan binbasa ko yung conversation natin nung nag-santacrusan ako na nag-presenta maging escort ko. Sobrang saya ng feeling alam mo ba yun? na sa mga simleng bagay napapasaya mo ko, at humingi ka pa ng favor na magpa-picture sa akin, di mo alam kung gaano ako kasaya noong mga panahong yun na sa sobrang saya ko, hindi ako naka-kain ng hapunan at yung ngiti ko abot hanggang anit ko. 

nagre-reminisce lang ako ng mga masasayang moments nitong mga nakaraan lang para naman naka-ngiti ako habang umiiyak na nagta-type dito. :)

Mami-miss ko yung mga time na pagka-uwi galing school titingin agad ako sa tapat namin para makita kung naka-open ung screen door niyo tapos mag-aabang ako na mag-open yun kasi baka ikaw yun. Yung mga panahon na, kapag naka-tingin ako sa inyo at bigla kang sisilip tapos saby alis agad at yung inaabangan ko ung pag-uwi mo kung anong oras para malaman ko ung schedule mo. Siguro kapag wala na kayo diyan, mami-miss ko yung mga ganung bagay. Yung ngiti mo pati ung style mo manamit na naimpluwensyahan ako at yung black mo na jacket pati headphones mo. 

Alam mo Owen, ang dami kong plano sa future ko at kahit hindi ako sigurado na makikita pa kita dun, kasama ka sa lahat ng plano ko sa buhay. Haay ang emo ko naman masyado. Hayaan mo na affected kasi ako masyado na yung owen KO aalis na at wala na kong masisilayan pa. 

Huwag mo ko kakalimutan ah! patay ka sa akin kapag nakalimutan mo ko, kasi ako hindi kita kakalimutan unless magka-amnesia ako. Tsaka sakali man na nabasa mo tong diary ko, maraming corny diyan, pag-pasensyahan mo na linagay ko kasi diyan lahat ng happy and sad moments ng buhay ko na kasama ka eh.

Alam mo ba binakante ko yung buong isang buwan ko na hindi ako aalis ng bahay tuwing weekends kasi baka bigla kang umalis eh di man lang kita makita kaya kahit masira schedule ko sa mga projects, huwag lang na hindi kita makita. At parang awa mo na, huwag ka naman umalis ng August 4-5 UPCAT kasi yun eh. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

dearJOHNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon