February 15, 2012
Dear John,
Hello Owen, pasensya ka na ah, nasanay kasi ako na tawagin ka na owen eh, dumating ka kasi sa buhay ko noong sikat pa ang Secret Garden eh para sa akin kasi kamukha mo ung bidang lalaki doon eh, si Hyun Bin/Owen Kim kaya simula noong binigyan kita ng codename na Owen para may sarili akong endearment sayo. :D
Simula noong araw na dumating ka sa lugar namin, alam ko na eh, nandoon pa lang ako sa kanto ng street namin, napansin na kita an-lakas na agad ng tibok ng puso ko e, wew! ang corny ko. Haha, Galing pa nga kami noon ni ate sa Plasa eh, bumili ng ulam, summer kasi noon diba? walang pasok. Si ate siya ung kaisa-isang napagkwe-kwentuhan ko tungkol sayo.
Akala ko noon, hindi na ulit kita makikita, nalaman ko kasi na tita mo lang pala ung titira sa tapat ng bahay namin, super na-sad ako noon, by that time din alam ko na kung anong pangalan mo, Alam ko na rin ang Basic Information about you. Masyado ata akong tinamaan sayo noong nagpakita ka sa'kin eh. At dahil sayo, masyadong naging masaya ang summer ko, nakalimutan ko na kailangan ko palang magpa-puti dahil sasali ako sa mga Pageant sa school sa pasukan, Haha. Sobrang saya ng summer2011 ko dahil sayo, sana nga maulit un eh. :D Akalain mo, palagi na kaming nasa labas ni ate noon, minsan kapag hindi kami nakakalabas eh, kulang na kulang ang araw, hindi kasi ako nakaka-silay. Alam mo ba, nagagamit ko ang 17 muscles ko sa mukha kapag nagbubukas ang screen door niyo. Natutuwa nga ako kasi kahit hindi ka lumalabas, sumisilip ka, nag-assume tuloy ako na "baka" meron ka ding kahit konting gusto sa akin. Muntik nga akong umiyak noong nakita kitang paalis kasama ung mga pinsan mo ata un, naka-yellow ka pa noon, tapos nagbakasyon ka pala. ^^
Salamat pala, alam mo ba noong bago ka pa dumating eh, ung puso ko under siya ng Brokenhearted Society dahil kay Bryan, siya ung kaisa-isa atang lalaki sa School namin na nagustuhan ko ng sobra, tapos nalaman ko na medyo nagiging Okay na sila ng classmate ko, at ung classmate ko pa na un eh, palaging mainit ang ulo ko sa kanya, pero dahil sayo naging madali ang pag-move on ko, Oo, noong una naisip ko talaga un, baka pwede kita pag-balingan ng atensyon para mawala sa isip ko si Bryan at wala na akong maramdaman. At ginawa ko nga un at hindi ko alam na oo nga at nakalimutan ko siya ng sobra, hindi na nga ako nag-seselos noong nakita ko sila eh, mga hanggang september pa un, pero mas malaking disaster pa pala ang dadalhin mo sa puso ko eh, hindi ka maalis sa isip ko, pati sa school palagi kitang bukambibig. Minsan nga an-lakas na ng radar ko eh, kapag nakakarinig ako ng name na john, paul, o kaya OWEN eh tatawagin ko agad sila o kaya magrereact. LAKAS NG TAMA ko sayo. bumaon ka dito <3 oh! parang ayaw mo talaga umalis. ayaw rin naman kitang alisin, kahit dito ka lang habambuhay
Masayang-masaya ako, noong mga panahong magka-txt tayo, magka-message tayo. Feeling ko nga, gusto pa talaga kita makilala eh, sabi nila hindi pa daw to Love, infatuation pa lang daw to, sabi nila kasi daw gwapo at matangakad ka, kaya kita nagustuhan, pero sa tingin ko Mali sila eh. :D Hindi ko rin alam kung bakit. Sabi nila hintayin ko daw ang 4 months tapos kapag the same feeling ung nararamdaman ko, iba na daw talaga un. Actually hindi ko nga namalayan na 5 months na pala, masaya talaga ako eh. kahit alam ko na wala talaga :( , nalaman ko kasi na may nagustuhan ka eh, si Anne - oo ang ganda niya nga eh, mukha rin siyang mabait kaya bagay kayo. Sabi ko noon okay lang sa akin kasi naman simula pa lang, I am nothing to you.
Natuwa din ako noong mga panahong nasa mall ako at noong nakasakay na ako ng jeep eh tsaka ka nag-txt . Haha. wrong timing pre. Maraming beses ata naulit ung sayang na sana magkakasabay tayo sa mall, pero nahihiya din ako eh, ano ba kasing mukhang ihaharap ko sayo? :3 kaya kahit maraming times na nakita kita sa mall na mag-isa eh, hindi ko nagawang lapitan o kausapin ka, kasi wala akong lakas ng loob.
Mas lalong masakit sa akin noong nakita ko ang FB account mo na naka-relationship status, at sa kagustuhan kong malaman ang lahat, binuhay ko si Peterpan, di joke lang. HAHA. inayos ko ung isa kong account, para doon lahat i-add. Nagawa ko siya, Sobrang nasaktan ako at akala ko babalik na naman ako sa pagiging member ng Brokenhearted Society. pero sayo ko din mismo nalaman, na ginawa niyo pala yon para ayusin ang issue nung girl with his true boyfriend. Natuwa ako syempre. :D
BINABASA MO ANG
dearJOHN
Adventuretrue-to-life Diary.. sari-sariling experience lang 'yan, minsan maganda, minsan masakit, minsan masaya, ... pero dapat enjoy lang... We just have to think that in the end, it will yield to better things.. I hope na hindi talaga 'to makarating sa kan...