Mission 06: Rooftop

236 6 1
                                    

“Kanina ka pa ba nandito?!” tanong niya. Mukhang hiyang-hiya na siya.

“Uh.. hindi no!” Nakoo! Baka ikalat pa niya yung picture ko!

“Sinungaling ka! Eh, kung nakarating ka dito. Ibig sabihin, kanina mo pa ko naririnig kumanta!”

“Eh. Sira ulo ka pala eh! Tatanong-tanong ka pa, alam mo naman pala na narinig ko!”

ACK! Di ko napigilan sarili ko!

“What? I? The great Aki Kobayashi of Greenfield? Sinasabihan mo ng sira-ulo?” dahan-dahan siyang lumalapit sakin.

“Bakit ka lumalapit?! Wag kang lalapit!” I readied in my fighting stance.

“Bakit naman kita lalapitan? Nasa likuran mo yung exit. Wala kong balak na sayangin ang panahon ko sayo.” Naglakad siya hanggang makalampas sa akin.

Hindi ba siya nagaalala na nakita ko siyang kumakanta at sumayasaw magisa? Na nagfefeeling singer na nagcoconcert?

“Hoi.. Poo—” wala na siya sa likuran ko!

“Oi! Wag mo ko iwan dito!” naglakad ako sa kabilang dulo ng middle part ng garden at nakita ko na dalawa ang daan, left at right.

“GRABEE. HINDI GENTLEMAN! ARGGGH.” Nakakainis!

Buti nalang nagsketch ako ng map!

Kinapa ko ulit yung pockets ko.

“Wait.. yung map ko..” Kinapa ko lahat ng pwedeng kapain sa katawan ko at wala akong naramdamang kapiraso ng papel!

“AAAAAH. WORST DAY EVER! INI-SNOB KO NA NGA SI ICE, NA MEET KO PA YANG POOP GUY NA YAN! BUWISIT.”

I jumped from the ground to the top of the maze’s 10-feet-bushes, which, surprisingly, was able to support my weight.

“Edi mas madali kung sa wall’s ako dadaan!” kahit walang mission, may kwenta parin itong hunter skills ko!

I walked along the walls until makarating ako sa entrance kanina.

Surprisingly, hindi ko nakita anywhere sa maze si Aki kanina.

Mas mabuti na rin yun, magtaka pa yun kung pano ko nakaakyat sa walls.

I jumped down and went inside the building.

*DZZZ*

I felt my phone vibrate.

I opened it.

2 Messages.

Puro kay Lota galing.

From: Charlotte Makahiya

Sunod ka ha! Nasa may canteen lang kami ng friends ko. Makikita mo naman agad ako siguro pagpasok mo.

Kanina niya pa ito tinext ah, i-check ko nga yung isa.

From: Charlotte Makahiya

Ang tagal mo naman! Nagugutom na kami! Bibili na nga kami ng pagkain! Bilisan mo!

I clicked the reply button.

To: Charlotte Makahiya

Sino ba may sabi na antayin mo ko? Sabi ko susunod lang ako eh. Yan na, papunta na ko.

I locked the screen of my cellphone and placed it in the pocket of my vest.

I started walking towards the canteen.

The hallways are a little bit crowded, since, it is still lunch time.

“Look at my new phone!”

Moon Dragon: Ria the HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon