Mission 11: A day with the winter

228 8 1
                                    

[A/N: Guys, ang labas ng 'Special Mission: Toilet Hunt' ay after chapter 15 na po! Thanks!]

“Ice?” Nagulat ako ng makita ko si Ice.

“What are you doing here? May klase di ba?” umupo siya sa tabi ko, sa may staircase.

“Eh, ikaw? May klase ha? Bakit karin nandito?”

He suddenly flicked my forehead.

“Ow. Para saan naman yun?!” I punched him on his arm.

“Aray! Lakas mo naman sumuntok!”

“Eh sinimulan mo eh.”

“Haha. Sige na. Kaya ko nandito, kasi may pinakuha sakin si kuya.”

“O? Eh bakit kailangan mong magcut class?” eto talagang si Aki, pati sa kapatid niya!

“Hindi talaga ako pumasok, eh may naiwan daw siya sa unit niya. Pinakuha niya sakin.”

So ibig sabihin, nasa school talaga yung mokong na yun ngayon.

“Bakit ka nandito? Naka-uniform ka ah. Nagdecide ka na wag ng pumasok? Wag ganyan. Kaya ka section 10 eh.”

“Aba. Ikaw nga ‘tong nag-cut class eh. May naiwan lang ako sa unit ko.” Naiwan ko si Aki. Leche, nasa school na pala.

“So taga dito ka rin? Pareho pala kayo ni kuya eh.” He smiled at me.

Hindi ba siya nagaalala na may iba na kong lalaki, pwera sa kanya? Ang feeling ko no. Pabayaan niyo na ko.

“Wala ka bang ibang itatanong?” bakit ko natanung yon?

“Ha? Anong ibig mong sabihin?”

“Well.. yung tungkol sa kuya mo.. saka sa.”

“Ah, na kayo na ni kuya? Sus. Di naman ako naniniwala dun.”

Napatingin ako sa kanya.

“Hindi?”  YESSSSSSSSSSS!

“Kasi hindi naman magkakagusto sayo yun. Barumbado ka eh.” Bigla siyang tumawa.

“...” kahit crush ko to, babatukan ko to eh.

“Joke lang. Haha. Saka mukha namang napilitan ka lang nung nasa restaurant tayo nun.” He then ruffled my head.

“Oh, bakit ang saya mo?” bigla niyang tinanong.

Na-realize ko rin na nakangiti pala ako.

Moon Dragon: Ria the HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon