“Class, your attention please!” sigaw nung teacher sa klase.
Pero, being the jerks and spoiled-brats they are, hindi nila pinapansin yung teacher nila.
Napakamot nalang yung teacher.
“Maria, pagpasensyahan mo na. Ang kulit nila eh.” Sabi niya sakin.
“Ah, okay lang po. Hindi niyo po yung kasalanan. Ako na po bahala..”
“Sigurado ka diyan ah.” Sabi niya at pinadaan niya ko.
Habang papalakad ako sa teacher’s table, hindi parin nila ako pinapansin.
*BAM*
Hinampas ko yung mesa.
“MAG-SITAHIMIK NGA KAYONG MGA MOKONG KAYO! KINAKAUSAP KAYO NG TEACHER NIYO!”
Humarap nga sila sakin.
May nakita akong babae na kung makatingin siga.
Binigyan ko siya ng isang tingin na hindi niya makakalimutan.
Bigla siyang nagmukhang tupa at umayos ng upo.
“Yan sir. Okay na. Sir?”
Tumingin ako sa pinto at nakita ko siyang nagtatago at mukhang takot na takot sakin.
“Sir naman eeh. -___-” nasobrahan ko ata.
“A-ah. Sorry, Maria. Nabigla lang ako.” Lumapit siya sakin at humarap sa klase.
“Okay class, eto nga pala si Maria Atanacio, bagong classma---OOF”
May humagis na chalk sa noo niya.
“Sir!” O___O
“Maaaariaaaa. Sorreeeeee” hinimatay si Sir!
“Ui, Sir!”
Narinig ko bigla na nagingay ulit ang klase.
Ganito ba talaga dito?!
“Ui, okay lang ba si Sir?” may isang babaeng nagtanong at lumapit sa amin.
Tinitigan ko lang siya.
“Oh, bakit ka ganyan makatingin? Ngayon ka lang ba nakakita ng maganda?” tanong niya.
My reaction: -___-
Her reaction: ^___^V
“Eto naman! Um-oo ka nalang sana!” sabi niya.
“Parang may naaalala akong tao sayo ha..” pumasok sa isipan ko si Renz..ay este Kuya.
Biglang tumayo si Sir na mukhang lantang gulay.
“Goooooooodvbyeeeeekelassssss.” Naglakad siya na parang zombie palabas ng room.
“Tara na! May extra seat sa tabi ko. Pabayaan mo nalang ‘tong classmates natin, ganyan talaga sila.” Hinila niya yung sleeve ng uniform ko at dinala niya ko sa empty desk sa kanan niya.
Tinititigan ko lang siya.
“Ano pang tinitingin-tingin mo diyan? Upo na! Walang thumbtacks yan.” Hinila niya yung upuan.
Umupo ako at pinapanood ko lang siyang ngumiti na parang tanga sakin.
“Anong pangalan mo?” tanong niya sakin.
“Ah.. ak—”
“Ako si Charlotte Makahiya, tinatawag nila kong Lota. Ilang taon ka na?”
Ang baho naman ng pangalan niya.
“Ah.. seve—”
“Seventeen na ko! Taga-saan ka naman?”
BINABASA MO ANG
Moon Dragon: Ria the Hunter
Teen FictionSi Ria ay isang estudyanteng nagaaral sa Greenfield Academy, one of the most prestigious schools in the Philippines. Pero, there's something about her.. she's a hunter! Pero kahit gaano pa siya kagaling sa hand-to-hand combat at gunmanship, ang hin...