Mission 03: Poop Guy = Prince? NO WAY!

325 10 1
                                    

*DRING! DRING!*

“Arrrrgh.” Ipinailalim ko ang ulo ko sa unan.

*DRING!DRING!*

“Naiinis na ko sayong alarm clock ka!” kinuha ko yung alarm clock at binato sa pader.

“Yan.. tahimik na.” I was about to doze of ng marealize ko na sinira ko ang alarm clock ko.

Kaya ayokong pumasok sa school!

*Bzzzzzzt*

I opened my cellphone and saw a message.

From: Ice

See you in school! Good luck sa first day mo!

“Makaligo na nga baka malate pa ko! Hihihi.” I went towards the bathroom and took a quick shower, then changed to my clothes, rather, uniform.

“Wow. Di ko akalain na maganda pala sakin itong uniform.” I was admiring my body idiotically infront of the whole-body mirror and was doing some model poses.

“Mukha kang tanga diyan ah. Bilisan mo, sabay na tayong pumasok sa school.”

“KYAAA!” napatili ako ng makita ko sa salamin na nasa likuran ko na pala si Renzo.

“Aba. Tumitili karin pala. Bilisan mo na, ma-late pa tayo eh! Uy, ano to?” bigla niyang kinuha yung cellphone ko sa bed side table.

“Aba, binigyan ka pala ni Mr. Rez ng bagong cellphone. Pero mukhang hindi ito yung hi-tech phones natin ah.” Tinitignan niya yung features ng phone ng bigla niyang in-unlock yung screen.

“NOOOOO!” I tried taking my phone from him but he was tall.

“Ui. May text! From..” I jumped towards the wall and towards him to snatch my phone, which was very successful.

“Kala mo maka-asta ka close tayo! May atraso ka sakin! Kinuha mo yung susi ng baby ko!” I pouted towards him.

“Okay, so galit ka pala sakin kaya mauna na ko. Maglakad ka nalang papunta sa school.” He suddenly disappeared and nakita ko nalang na nagswing yung pinto.

“UI! WAIT! Nag-jo-joke lang ako! CLOSE TAYO!” I hurriedly placed the phone on my skirt pocket and darted towards the door.

“Ay bag ko!” I grabbed my bag which was resting on the dining chair and locked the door behind me.

I saw Renzo already at the elevator.

“Bilisan mo! Hindi lang kita matiis eh!” sigaw niya.

I run towards the elevator at pagkapasok ko, nagsara na ito.

“Iba na talaga pagmaganda.” Sabi ko, habang tinitignan ang reflection ko sa gilid ng elevator.

“Maganda? Saan banda? Sa buhok? Oo nga, maganda.”

“Ang yabang mo! Feeling mo gwapo ka!”

“Bakit, hindi ba?” tanong niya sakin ng nakangiti at naka-pogi pose.

“Konti lang! Saka yuck no. Ang itim itim mo.”

“Aba. Tall, dark and handsome ‘tong kasama mo sa elevator! Pinagkakaguluhan ako ng mga babae sa school!” sabi niya.

“Os, talaga?! Eh ngayon palang tayo papasok eh! Sabay tayo! Abno ka pala! Panaginip mo lang yun, kaya wag kang feeler!”

“Eto naman. Um-oo ka nalang sana.” Napakamot siya ng ulo.

*Ding*

Pagkabukas ng elevator doors, dumiretso na kami sa sasakyan niya.

“Hindi naman siguro masyadong grand entrance pag-ganito yung sasakyan na dala natin?” tinititigan kong mabuti ang kanyang sports car, na Koegadlfkajdf something. Nabanggit ko na ata yun dati pero nakalimutan ko na!

Moon Dragon: Ria the HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon