[Aki’s POV]
It’s been three days ng nagkaroon ng interesting turn ang buhay ko. Yung babae pala na nakilala ko sa –ehem- elevator ay dito nag-aaral sa Greenfield. Mukhang may bago nanaman akong mapagtritripan. Naging boring dito nung umalis yung school nerd na lalaki, na lagi ‘kong inaasar.
Ang nakakaasar lang sa babae na yun, kailangan pa niyang banggitin sa hallway! Maraming tao nun, tapos ang itatawag niya sakin POOP GUY?! The hell! Leader ng Ormed, gaganunin niya lang? Di naman ata ako papayag nun, pinatawad ko na nga siya nung asarin niya ko nung natatae na ko sa elevator!
I threatened her a little by showing a picture of her, nung nakalimutan niyang magshort, nung next day na magkita ulit kami sa condo. Siguro, tatahimik na yun. Pero baka ang akala niya sakin pervert ako. Yuck. Siya pa pagnanasaan ko? Eh flat-chested naman.
“Aki, hindi ka ba sasabay samin kumain?” nagtanong sakin si Ferdie, ang isa pang kabarkada ko na member ng Ormed.
“Mauna na kayo. Hindi ako gutom.” Sabi ko, habang nakahiga sa bench, sa gitna ng ‘Secret Garden’ ang tawag nila sa gitnang part ng garden maze ng school.
“Sige. Sabi mo eh. May ipapakilala pa namang chicks kapatid ko.”
“Di ko kailangan ng chicks.” Hindi parin ako gumagalaw mula sa bench na hinihigaan ko.
Inantay ko munang mawala ang tunog ng footsteps ni Ferdie, bago ako tumayo sa hinihigaan ko.
I glanced around making sure that there is no one around.
I started singing and dancing to my heart’s content.
♫Been all over the world.. Done a little bit of everything… Little bit of everywhere.. With a little bit of everyone♫
Maraming nagsasabi na wag na raw akong kakanta, mas maganda daw kung sasayaw nalang ako.
♫All the girls I’ve been with.. Things I’ve seen it takes much to impress.. But sure enough your glow it makes your soul stand out from all the rest, baby.♫
This is one of my biggest secrets. Wala pang nakakakita or nakakarinig na kumakanta ako habang sumasayaw, pwera sa mga kabarkada ko.
♫I could be in love.. But I just don’t know.. don’t know.. girl.. Baby one thing is for certain. Whatver you do is working♫
Ormed is also known as great dancers. Maituturing mo rin kaming isang dance crew. Though, sabi ng mga tropa ko, ang pangit ko raw kumanta.
♫Other girls don’t matter.. In your presence can’t do what you do♫
Para raw silang nakakarinig ng naglalagari ng yero o baboy na kinakatay.
♫There’s a million girls around but I don’t see no one but you♫
Oh well. Ano ba mawawala, mag-isa lang naman ako?
♫Girl you’re so one in a million, You are. Baby you’re the best I ever had♫

BINABASA MO ANG
Moon Dragon: Ria the Hunter
Ficção AdolescenteSi Ria ay isang estudyanteng nagaaral sa Greenfield Academy, one of the most prestigious schools in the Philippines. Pero, there's something about her.. she's a hunter! Pero kahit gaano pa siya kagaling sa hand-to-hand combat at gunmanship, ang hin...