Copyright @ 2014 by Yee Barrozo
“Hindi ko maexplain ang sayang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya. Akala ko noon ay wala akong karapatang maging masaya sa mundo. Akala ko noon ang mga taong katulad ko ay nabubuhay lang sa pagkukunwari at pagpapantasya na mamahalin din kami ng mga taong pinapangarap namin. Pero may surprise din pala ang destiny sa amin. Wala lang kaming ibang dapat gawin kundi ang maghintay at magpadala sa agos, basta may taglay kang kabutihan, pakikisama at pagmamalasakit sa kapwa, respeto sa sarili at sa ibang tao. Sa ganitong paraan, mamahalin din kami ng mundo gaya ng pagmamahal sa akin ni Dino."
-Fed Angeles
***
Buti na lang walang pasok ngayon. Mamaya ko na gagawin assignment ko. Anong oras na ba? Napahaba tulog ko. Shet! I AM HAVEY na pala! Takbo kagad ako sa baba. Kumakalabog pa nga sa hagdan paa ko eh. Baka kasi nag-uumpisa na ‘yung favorite kong contest sa Dos.
“Kung makababa ka naman Kuya!”, si Abby. Kapatid ko kay mama. Wala nanaman ‘yung isa. Baka naglalaro sa garden. Ang init init eh.
Actually, favorite din ni Abby yung show na gusto ko pero hindi naman ako pwedeng magpahalata. For safety reason lang. Kunyare diretso ako sa CR dahil ihing-ihi na ko, pero ang mata ko nasa TV. Sana lang wag dumating ‘yung kill joy na kapitan.
“Papa!”, narinig kong sigaw ni Amber. Bunso namen.
Speaking of the devil. Nandyan na ang kill joy na kapitan. Ang stepfather kong kala mo napakaperpektong tao.
“Hi, baby. Ba’t nasa labas ka? Ang init-init ah. Nasaan mama mo?”, sabi ng kakarating lang na kapitan. Kala ko pa naman sa barangay hall maglulunch ‘to! Dapat kasi pinapabaunan na lang ‘to araw araw eh.
‘Yan ang stepfather kong sobrang kill joy. Bakit? Eh lagi na lang kontra yan eh. Lalo na sa akin. Lagi kaming magkaaway niyan. Ewan ko ba ba’t ang init ng dugo sa akin niyan. Kakapanalo lang niyan na barangay captain nung nakaraang eleksyon. Malas lang ng mga beki dahil nemesis nila yan…kasama na ko dun. Galit na galit kasi sa mga beki. Kaya nga gabi-gabi laging may ibinabagansyang beki yan. As in hindi talaga nawawalan ng beki sa barangay hall pag dis oras na ng gabi.
“Yan nanaman pinapanood mo, Abby? Lipat mo nga ‘yan!”, narinig kong sinabi niya.
Hindi muna ako lumabas ng banyo. Baka mamaya ako nanaman makita ng malaking mata niya. Mga 1 minute muna ako dito.
“Papa naman eh…”, dinig ko namang sinabi ni Abby. Pero alam ko naman wala siyang magagawa. Takot lang niya.
“Ano bang mapapala ‘nyo sa panonood niyan? Puro mga bakla ang nandyan. Ang lakas pa ng loob lumabas sa TV. Wala bang kahihiyan mga magulang niyan at pinapayagan sila?”
Hayzz… Sige, ikaw nang model parent of the century. Ano bang problema nitong taong ‘to sa mga beki? May traumatic experience ba ‘to sa kanila? O sadyang ganun lang talaga pag ex-army ka. Pero kahit na. Eh may mga lalake nga dyan mas pasaway pa sa lipunan. Gaano ba karami ang bakla sa kulungan? Hi-tech na nga ang panahon, may mga tao pa ring parang nasa Medieval Age kung mag-isip.
KRING! KRING!
“Hello”, si Abby ang sumagot ng phone. “Ay nasa banyo po si Kuya Alfred eh.”
“Abby!”, biglang labas ko sa banyo.
Nakita ko nanaman ang mga mata ni kapitan na nanlalaki sa akin. Please lang, nagbanyo lang ako. Wala akong ginawang mali kaya wag mo kong pagtripang sermunan.
BINABASA MO ANG
From The Closet To True Love (FIN)
Teen FictionGaano nga ba kahirap ang magmahal ng taong alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa iyo? Yung alam mong sobrang lapit nyo na sa isa't isa pero alam mong hanggang doon na lang ang future ng feelings mo kahit ano pang gawin mo? Yan ang kwento n...