Gaya ng advice ni Chona, sinubukan kong kausapin at humingi ng sorry kay Elena pero mula noon ay napansin kong naging mailap na siya sa akin. I even sent her a message through facebook but no reply. Sabi ni Chona, hayaan ko na lang daw si Elena tutal ginawa ko na kung anong dapat kong gawin. Tinext ko si Marco at nagreply naman siya. Sabi niya medyo busy siya ngayon dahil sumali siya sa try-out ng basketball para sa nalalapit na Intrams, pero sabi niya na one of these days ay dadalaw daw siya sa bahay. Naging okey na ko kay Marco dahil at least alam kong hindi na siya nagtatampo sa akin. Tama si Chona, hindi ganoon kababaw si Marco para magalit.
Mukha ngang busy si Marco. Halos araw araw ay nasa gym sila para magpractice ng basketball. Nahiya akong abalahin so I didn't show myself. Hinintay ko na lang ‘yung sinabi niya na pupunta siya sa bahay kapag may time na siya. Pero nagtataka ako…bakit hindi ko ata nakikita si Monica? Himala ng mga himala! Ilang araw nang nagpapractice ang jowa niya sa gym pero hindi siya tumatambay dito.
Uwian na. Habang naghihintay ako ng jeep pauwi sa amin ay may kung sinong bulag na bumangga sa likuran ko sabay sabi ng “ay sorry!”. Nang lingunin ko – si Marco. Ang nakasimangot kong mukha'y biglang napalitan ng abot tengang ngiti.
“Marco!”, ang naibulalas ko.
“Ano na bro? Kumusta?”
“Okay lang. Long time no talk ah..."
"Oo nga eh, 'sensya na ha."
"No problem. Alam ko namang busy ka eh. Bakit nga pala nag-iisa ka? Wala ata si Monica”, ang bigla kong naitanong.
“Ahm... Uuwi ka na ba?”, ang naging tugon niya.
“Oo sana, bakit?”
“Wala lang…ayoko pa kasing umuwi. Baka gusto mo muna akong samahang magpalipas ng oras.”
“Saan naman?”
“Sa bilyaran…tapos kain din tayo treat kita.”
“S-sige, sabi mo eh.”
Gagawa pa sana ako ng report kaso ang hirap tumanggi. Alam ko na namiss niya ko, so sinamantala ko 'yung opportunity na makapagbonding ulit kami after the issue about Elena.
Habang kumakain nai-open ko ang issue about Elena then I explained everything to him. Syempre puro palusot. Humingi din ako ng sorry sa kanya. Sinabi niya rin na naintindihan naman niya ako at narealize din daw niya na may mali siya kahit para sa akin ay wala siyang maling ginawa. Dinivert ko naman ang usapan kay Monica dahil naiintriga ko sa hindi niya pagpapakita.
“Si Monica?”, ani Marco sabay iling ng kanyang ulo.
“O bakit? May problema ba kayo?”, tanong ko.
“Nagpaalam sa akin si Monica bago pa kami magumpisang magtry-out. Mawawala daw siya ng ilang linggo. Maybe three weeks?”
BINABASA MO ANG
From The Closet To True Love (FIN)
Teen FictionGaano nga ba kahirap ang magmahal ng taong alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa iyo? Yung alam mong sobrang lapit nyo na sa isa't isa pero alam mong hanggang doon na lang ang future ng feelings mo kahit ano pang gawin mo? Yan ang kwento n...