“Paalam na aking mahal…Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa… puso't isipa'y magkaiba. Maaring 'di lang laan…. sa isa't isa…”, o diba, pang Sarah Geronimo ang boses. Sabi nila gumaganda daw ang boses kapag kumakanta habang nag-uugas ng plato. Kaya kanta-kanta rin habang si mudrabels ay busy sa pakikipagchikahan sa bestfriend niya.
“O sige na Pilita Corales, ang ganda na ng boses mo! Halika nga dito at ihatid mo si Nanay Biring mo pauwi sa kanila. Medyo mabigat kasi ‘tong dala-dala niya.”, ang tawag ni Nanay Nora.
“’Nay Nora naman! Pupuri lang eh ‘yung sinaunang singer pa. Sarah Geronimo naman!”,
“O sige na...Shara na kung Shara…”
“Anong Shara? Sarah po…Singer po ginagaya ko, hindi pole dancer.”
“Ay naku, kahit ano pa! Halika nga dito’t ihatid mo ang Nanay Biring mo sa kanila. Mabigat kasi ‘tong pakwan na pinapadala ko sa kanya.”
“Hello po…”
“Naku pasensiya ka na Fed ha. Hindi ko na kasi kayang dalhin yan.”, ang wika ni Aling Biring.
“Ayos lang po, ako na pong magdadala niyan para sa inyo.”
“Salamat Fed ha. Alam mo naman paborito ni Dino ang pakwan kaya nanghingi ako sa mga tanim ng Nanay Nora mo.”
Napangiti lang ako. Kahit kasi iisang pakwan lang ‘yun ay napakalaki naman kaya hindi rin kakayanin ng matanda. Saka tutal pupunta rin naman ako sa kanila pagkatapos ko sanang mag-ugas ng plato, pero si Nanay Nora na nga law daw ang magtutuloy. Inilagay lang namin ang pakwan sa isang bayong saka kami nagpaalam sa kanya.
“Puro mura nga po ‘yung itinext niya sa akin kaya takot na takot ako baka kung anong gawin nya sa’kin pag nagkita kami. Kaya yun po…humingi po kaagad ako ng tulong sa pamangkin ng asawa ni Nanay Nora.”, napag-uusapan namin noon habang naglalakad kami kung anong mga nangyari bago ako umalis sa amin.
“Aba’y grabe pala ‘yung tatay-tatayan mo. Anong bang kasalanan ang nagawa mo’t pinagmumura ka. Eh anong sabi ng nanay mo?”
“Hindi na po ako nakatanggap ng text kay mama mula nang mangyari ‘yun. Baka nga po sinabi sa kanya ni Papa Jhun na wag nang makialam. Takot din kasi si mama sa asawa niya ngayon.”, paliwanag ko pa sa kanya.
“Kaya nga ikaw Fed, lagi kang magdadasal at magsumikap ka kapag nakahanap ka na ng oportunidad para umasenso. Ipakita mo sa kanila na kayang-kaya mong mabuhay ng matino nang walang tulong nila. Huwag na huwag kang papayag na inaalipusta ka nang wala ka namang ginagawang masama. Ano bang masama sa pagiging ganyan? Eh hindi mo naman ginusto na ganyan kang ipanganak sa mundo.”
Nanahimik lang ako sa mga sinabi ni Aling Biring. Tama siya, hindi ko nga ginusto na maging ganito ko.
BINABASA MO ANG
From The Closet To True Love (FIN)
Teen FictionGaano nga ba kahirap ang magmahal ng taong alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa iyo? Yung alam mong sobrang lapit nyo na sa isa't isa pero alam mong hanggang doon na lang ang future ng feelings mo kahit ano pang gawin mo? Yan ang kwento n...