February 14, Valentine’s Day. Tinanghali ako ng gising at halos isang oras na akong late sa klase.
“Bwisit! Late na ko!”, ang bulong ko habang nagmamadali sa pagkilos. Kailangan ko pang pumunta sa kapatid ni Papa Jun para manghiram ng libro. IT graduate kasi ang kapatid ni Papa Jun kaya siguradong mayroon siyang libro na katulad ng kailangan ni Marco. Nalaman ko kasi na kailangang-kailangan ni Marco ng ganung libro. Medyo malayo din ang bahay ng kapatid ni Papa Jun kaya naman nagdesisyon na lang akong huwag nang pumasok sa first two subjects ko para mapuntahan si Tito Robert. Hindi naman ako nabigo dahil napahiram ako ng libro, at sabi pa niya, pwede kong ibalik ang libro kahit kailan ko gusto.
Dumating ako sa school. Humahangos dahil sa sobrang pagmamadali. Baka pati sa third subject ko hindi na ako makaabot.
Napadaan ako sa gym, at nakita kong nagkukumpulan ang napakaraming estudyante. Nagtitilian ang mga babae na para bang may celebrity na dumating. “Ano kayang meron?” Tanong ko sa sarili ko. So kahit late na sa klase, nagpunta ko sa gym para maki-usi. Pagdating ko sa lugar ng kumpulan, halos mahulog ang puso at baga ko sa sobrang gulat. Dinig na dinig ko pa nang pakawalan ni Monica ang matamis niyang "Oo", sabay sabi ng I LOVE YOU. Syempre, naki-I LOVE YOU din si Marco with matching kiss pa sa lips sabay hug. At habang nagaganap yon ay umepal pa ang dj sa gym at nagpatugtog ng pang-JS prom na sweet. Halos mamatay sa kilig ang estudayante. At ako naman... "NGANGA". Ano pa nga bang gagawin ko? Tulad ng dati, takbo sa CR, then emote.. Ang sakit sakit! Ano bang nagawa kong kasalanan? Bakit kailangan kong mabuhay sa ganitong klaseng kalbaryo? Isinara ko ang pinto ng cubicle then pigil hiningang ibinulalas ko ang sakit na nasa dibdib ko.
Bago kami mag-uwian, nag-text ako kay Marco kung pwede kaming magkita sa canteen para ibigay ang ineffort kong libro kay Tito Robert.
“Wow! Salamat ha. Kailangan ko talaga ‘tong libro na ‘to eh.”, masayang sabi ni Marco. Inakbayan pa ko.
“Ayos lang. Isauli mo na lang pagtapos mong pag-aralan.”, sagot ko na may ngiting napipilitan.
“Bro, ang saya saya ko ngayon. Sinagot na kasi ako ni Monica eh.”, ang biglang ibinulalas ni Marco.
“Oo nga e.”, nakangiting sagot ko, ngunit bakas sa mga mata ko ang lungkot na hindi man lang mahalata ni Marco dahil sa sobrang kaligayahan niya.
“Paano mong nalaman? Nandoon ka ba nung sagutin niya ko sa gym?”, tanong ni Marco.
“A…e, wala. Nalaman ko lang.”, ang sagot ko naman.
“Bakit parang di ka masaya? At least ngayon masasabi ko na sa lahat na girlfriend ko siya.”
“Syempre masaya ko. Ang saya-saya ko nga eh!”
Tumawa lang si Marco, pero sa loob ko, nahihirapan na ko. At habang nasa daan pauwi sa bahay, narealize kong umiwas muna sa kanya para naman makahinga kahit konti. Oo, wala siyang ginagawa, pero nasasaktan ako. So suffocating. Naisip kong wag na muna siyang i-text, pero hindi ko inakala na pati pala siya’y di rin magtetext. Nonsense ang pagmamaganda ko. Naisip ko na lang na baka enjoy na enjoy sa company ni Monica kaya hayaan na lang.
After two week, walang Marco na nagpapadala ng sms sa cellphone ko. Nagkikita kami sa eskwelahan pero halos wala kaming time mag-usap. Kung hindi siya busy, ako naman ang busy. Until one evening, nagulat na lang ako nang biglang pumasok si Papa Jhun sa kuwarto ko.
“Ano pang ginagawa mo? Kala ko ba dun ka matutulog kila Miguel? Andyan na si Marco sa baba. ”
“Po?”, gulat ko. Nagbabasa ako noon ng book na “Rich and Poor Daddy” ni Robert Kiyosaki.
“Di mo ba narinig? Sabi ko nandyan yung kaibigan mo sa baba. Dun ka daw matutulog sa kanila kaya umayos ka na dyan, gabi na!”
“Ano po!”
BINABASA MO ANG
From The Closet To True Love (FIN)
Teen FictionGaano nga ba kahirap ang magmahal ng taong alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa iyo? Yung alam mong sobrang lapit nyo na sa isa't isa pero alam mong hanggang doon na lang ang future ng feelings mo kahit ano pang gawin mo? Yan ang kwento n...