Chapter VII

196 15 0
                                    

Dahil sa pagpupuyat at pagod ay nilagnat ako ng mga sumunod na araw. Halos tatlong araw akong nakahiga sa kuwarto. Buti na lang tapos na ang midterm exams. Naalala ko pa nang sinesermunan ako ni Papa Jhun nang malaman niyang may lagnat ako. Bakit daw kailangang ibuhos ko ang lahat ng panahon ko kay Marco gayong may kapatid naman ito na pwedeng magasikaso sa kanya. Kaya kung meron man daw dapat sisihin kung bakit ako nagkasakit ay walang iba kundi ang sarili ko. Pero ang tanong, may sinisisi ba ko? Kinabahan lang ako nang sabihin niyang para daw akong girlfriend kung magasikaso kay Marco.

After three days ay germ free na ulit ako, so bumisita ako sa hospital. Pero nagulat ako nang wala na sila doon! “Paanong nangyari ‘yon? Bakit hindi man lang ako nasabihan or naitext man lang ni Kuya Miguel?.

Dumiretso ako agad sa bahay nila Marco at nakita ko si Ate Pam, ang girlfriend ni Kuya Miguel.

“Ikaw pala, Alfred!”, bungad ni Ate Pam nang magkita kami sa labas ng gate.

“Ate, totoo po bang nakalabas na si Marco sa ospital? Hindi man lang kasi ako nasabihan.”, tanong ko sa kanya.

“Oo nakalabas na sila. Akala ko nga nasabi na sa'yo. Galing ka ba sa ospital ngayon?”

“Opo. Sabi nga po ng nurse nakalabas na daw. Nandyan po ba si Marco?”

“Oo nandyan sila sa sala, may bisita kasi siyang dalawang babae.”

“Dalawang babae? Sino daw po ‘yun?”

“’Girlfriend niya siguro ‘yung isa, pero ‘yung isa hindi ko alam. Kaibigan siguro.”

“Sinong girlfriend?”, ang gulat kong tanong kay Ate Pam.

“Nakalimutan ko ‘yung pangalan eh. Pasok ka na lang sa loob. Pupunta lang ako sa palengke. Maya-maya lang kasi nandito na si Miguel.”

“Sige po Ate, tuloy na po ako sa loob.”

“Sige lang…”

Halos mapaatras ako nang makita ko kung sino-sino ang mga nasa loob ng bahay. Nakahiga pa si Marco sa mga hita ng isang babaeng humahagod ng kanyang buhok – si Monica. At naroon din sa kabilang upuan si Elena. Sabay sabay pa silang napatingin sa akin.

“O ba't nandito ka? Maayos na ‘ko, salamat sa pag-aasikaso mo pero pwede ka nang umalis.”, ang walang prenong pahayag ni Marco.

Para ‘kong sinabuyan ng nagyeyelong tubig nang marinig ko ‘yon. Hindi ko akalain na mababanggit sa akin ‘yun ni Marco.

"Are you serious?", nakangiti ko pang tanong.

"Mukha ba kong nagbibiro, Alfred? Sabi ko salamat...makakaalis ka na. May bisita ko di mo ba nakikita?"

Naramdaman kong iba na ang dating ng kanyang mga salita, lalo na nang tawagin na niya ko sa pangalan ko. 

“Bakit ganyan tono ng salita mo? At bakit mo ko pinapaalis?”, ang mga tanong na ipinukol kong pabalik sa kanya.

“Pwede ba, Alfred! Saka na tayo mag-usap pag may time na ‘kong kausapin ka.”

“Teka! Hindi pwede ‘to! Linawin mo muna sa akin ‘to bago mo ko paalisin! Anong ibig sabihin nito, Monica?”, ang biglang baling ko sa babaeng sa palagay ko’y dahilan ng lahat.

“Huwag ka nang magtanong! Ako na mismo ang nagsasabi sa’yo na umalis ka na. Saka na lang tayo mag-usap. Wala kasi akong panahon sa mga nagkukunwaring kaibigan na pinagsasamantalahan ang pagiging malapit namin.”

“Anong pinagsasamantalahan ang sinasabi mo!?”, takang taka na talaga ako sa mga naririnig ko.

“Elena, ipanood mo nga sa kanya ‘yung video para malinawan siya bago siya umalis.”, ang biglang baling ni Marco kay Elena.

From The Closet To True Love (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon