The Vacation and Mallshow

106 8 8
                                    

Yes! Nasa manila na kami at sina mom, dad, ate heart at kuya troy ay dumiretso na sa quezon city kung saan may apartment kaming nirentahan... kami naman ni kuya cj ay nakasakay na ng eroplano papuntang dumaguete... doon sa airport nag-aabang na ang aking pinsan na si anizeth... 

Paglabas namin sa departure area... sinalubong na kami ni anizeth

"Kuya CJ, Ate Miles!!! kamusta na flight nyo po

"Medyo may jetlag pa kami... pero ok lang... sina mom at dad di na pumunta dito dahil aayusin ang wedding nina ate" ani Kuya CJ

"Sige na halina tayo at makapagpahinga.... bukas ate Miles... makikita mo na ang bestfriend mo ulit! hahaha"

"Anong bestfriend... boy friend sabihin mo..." ani Kuya CJ

"boyfriend ka dyan..."

"boy... friend... kaibigang lalaki hahahha" 

"tseeee kuya ha!! "

pagdating namin sa bahay nina anizeth... nagmano at kumain kami ng hapunan (gabi na kami dumating sa dumaguete) at sa sobrang pagod... si kuya CJ nakatulog na... dun siya natulog sa guest room at ako sa kwarto kasama si anizeth...

bago kami natulog... nagkwentuhan pa kami ni anizeth about darren...

"Ate Miles, kamusta si darren as a friend?"

"Mabait siya, magalang, gentleman, maalalahanin, saka pag may problema ka di ka nya pababayaan, tutulungan ka nya if kaya nya... papatawanin ka... saka may pagkamakulit... yun ang nagustuhan ko sa kanya...."

"nagustuhan ate? crush mo si darren? aminin mo sa akin?? ateeeeee!!!"

"huuuuuuyyyy!!! wag ganun... basta kaibigan ko siya!"

"lalalalala,......tulak ng bibig... kabig ng dibdib.... halata naman kaya ate Miles.... crush mo si darren... lalalalalala"

"haynaku anizeth!!! ikaw talaga kabata bata mo pa may nalalaman ka nang ganyan ha...."

"ate 14 na ako... anong bata? alam ko na yang ganyan ganyan nyo! may crush nga ako sa school eh? ikaw pa kaya mas matanda sa akin! well...."

itong batang to pasaway... oo crush ko si darren! hmmmm.... e ano ngayon!

__________

Bago ako matulog nag dm ako kay darren

mileZubiaga Hi darren, good evening! andito na ako sa dumaguete.... see you tomorrow bukas... anong oras ng flight nyo?

darrenespanto1 8:45 AM flight namin... see you tomorrow bestfriend

mileZubiaga see you din bestfriend...

Hindi ko sinabi kay darren na sasama ako kina anizeth na mag Team Airport 

____________

Kinaumagahan... pumunta kami ni anizeth kasama ang ibang Darrenatics Team Dumaguete sa airport (Erikamae, Yvan, Micaela, Dianne, Geline, Pamela, Paula Ross, Rona, Shandie, Shingkai, Thine, Yvonne, Gladys Mae, Sofia, Gracia, Angelica Jeru, Angelica, Ivy, Daphne, Donnalyn, Ruthy Pie, Jovelyn, Jerico, Brian, Miguel, Robin, Christine, Bea at Sian) (A/N: Gusto ng mga teens ko na isali ko sila sa story.... extra silang lahat hahaha!)

Nakahanda na kami sa may gate ng departure area.... nang makita na naming palabas na si darren sa pinto... nagtilian ang mga darrenatics at lumapit si darren sa amin para magpagroupie... paglapit nya nagulat siya nang makita ako...

"Miles!!!!" ani Darren

Nagtinginan ang mga Team Dumaguete sa akin... nagulat siguro bakit ako kilala ni darren... lumapit si darren at niyakap ako...

Loving you from a distanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon