CHAPTER 5: THE BURDEN OF THE PAST
LUCIANO GALLANO POV
he heard his footsteps toward the room at ilang sandal ay narinig niyang kumatok ang lalaki. Pinaikot niya ang swivel chair niya upang humarap ditto at isang ngiti ang bumungad sa kanya.
“I may call this a miracle, sir. I never thought I will be seeing you sit down on that chair again.”
“Do I have a choice, Nicolo Wallace?” ngumiti din siya kay number three. “I’m just glad that you’re still with us when I, again sat down on this chair.”
“Maliit na bagay lang ito, sir kumpara sa ginawa niyo sa amin. You named us, even when others didn’t even care to look at us. You gave us home, education, masaya kami na napaglilingkuran namin kayo.”
“How is my daughter doing, Nicolo?”
“She got herself hurt. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi siya maalala ng kababata niya.”
“I know exactly why he can’t remember her.”
Nakita niya sa mukha ni number three ang pagtataka.
“Anyway, I want to have a dinner with my daughter, can you arrange that, Nicolo?”
Tumango ito saka iniwan nito na mag-isa.
Napabuntong-hininga na lang siya. He wants to tell her daughter for the longest time na hindi na siya maalala ng kababata niya. Pero hindi niya magawa dahil ayaw masaktan ang sariling anak.
It was a year after Mateos’ family went out of their town. Parehas sila ng ama ni Mateo na si Adonis Bellizares na senador noon. Magkakaroon ng senate hearing ng araw na iyon nang makasalubong niya sa hallway ang batang lalaki na may hawak na teddy bear.
“Mateo?” tawag niya.
Lumingon naman ang batang lalaki sa kanya.
“Bakit po? Sino po kayo?”
Nagtaka siya sa sinabi ng bata. “It’s me, your tito Luciano.” Sabi na lang niya.
Hindi umimik ang bata, pero halata sa mukha nito ang pagtataka.
“Do you still remember my daughter?” tanong niya ulit, pero umiling ito.
“Ano po bang pangalan niya, maybe I can remember her.”
“Her name is Asia.”
Pero umiling ulit ito.
“Luciano, nandito ka lang pala.” Tawag ng isang lalaki sa likuran niya. “Oh Mateo, son, come your mom is already waiting for you outside.”
Nagpaalam sandali si Adonis sa kanya at hinatid ang anak sa labas ng hall para salubungin ang ina nitong si Lady Queen Bellizares.
Mga ilang sandali lang ay nakabalik na ito.
“May nangyari ba sa anak mo? Hindi niya ako maalala. Maski ang anak ko na lagi niyang kalaro ay hindi na rin niya maalala.”
Napabuntong hininga si Adonis, “He had an accident, he can’t remember anything.”
“I’m sorry.” Hingi niya ng paumanhin sa kaibigan niya. Tumango lang ito sa kanya, pagkatapos noon ay hindi na nila napag-usapan ang tungkol sa iba pang nangyari sa kay Mateo. Iyon din ang dahilan kung bakit kailangan niyang i-bribe si Asia para hindi na nito hanapin ang lalaki. He knows she will be hurt, and when he heard her cry over the phone whining about Mateo not remembering her, nagdesisyon na siyang bumalik ditto sa Manila para bantayan ang anak.
------------------------------- ---------------------------- ---------------------------------------- ---------------------------------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/12102769-288-k14084.jpg)