#3

157 2 0
                                    

"*yawns* hmmmm... Ang sarap matulog" sabi ko paggising ko at nag-unat. Tumingin ako sa orasan. 6:30 pa lang ng umaga. Malamang tulog pa yung iba. Tumayo ako sa kama at lumabas muna ng kwarto. Dumiretso ako sa may terace at umupo muna dun.

"Ang sarap magpahangin~" sabi ko habang dinadamdam ko yung hangin dito. Nakasuot lang ako ng isang mahabang t-shirt hanggang tuhod ko to kaya tinaas ko yung paa ko at pinasok sa loob ng shirt habang nakaupo. Medyo nilalamig ako eh. May kinapa ako sa bulsa ng t-shirt ko at may inilabas na isang larawan ng batang lalake

"Pftttt... Akalain mo yun? Magiging kaibigan kitang pangit na chinese ka? Hayyyy~ ano na kaya itsura mo ngayon?siguro pangit ka pa rin noh? Hahahaha. Kung pumunta kaya ulit ako ng china sa tingin mo magkikita pa tayo? Maaalala mo pa kaya ako benben?Napaginipan ko kasi yung nangyari sakin dati kaya kita naalala. Araw-araw naman din ata. I really wanna see you ben..." sabi ko habang pinagmamasdan yung larawan. Isang panget na larawan ng batang chinese.

Nagkakilala kami neto nung nawala ako sa mall nun. Bata pa ko nun at bumisita kami ni mama sa china. May pinagkukuhanan kasi si mama dun na mga tela na magaganda kapag gumagawa siya ng design ng damit. Pumunta kami sa mall nun at habang nakikipagusap si mama sa kasosyo niya eh lumapit muna ako dun sa may nagtitinda ng mga kung ano-anong checheburetche. May nakita akong isang kwintas dun. Kaya tinignan ko yun. Nung kukunin ko sana para tignan sinuway ako nung may ari at pinapaalis. Kaya binalikan ko si mama kung saan siya nakapwesto kanina. Umiyak ako nung makita kong wala siya dun.

Bigla nlng may isang batang lalake na nag-abot sakin ng color blue na cotton candy. Tinignan ko siya habang namumugto mga mata ko. May sinabi siyang chinese words na hindi ko naman alam meaning nung panahon na yun. Meaning pala nun ang pangit ko -_-.Kung naturuan lang ako ng chinese nung panahon na yun bago kami pumunta ni mama sa china panigurado na suntok ko yun! Pinapakain niya sakin yung cotton candy para daw kumalma ako. Habang kinakain ko yun kumalma naman ako ng onti.Biglang may isang babae nagsalita sa speaker ng mall. Sabi ko sa kanya mama ko yun. Tinulungan niya ko pumunta pabalik kay mama. Pagbalik ko nun kay mama umiyak nanaman ako kasi feeling ko hindi ko na ulet siya makikita nun. Kaya pala nawala si mama sa pwesto niya kasi nawawala daw ako. Pinasalamatan namin siya at napag-alaman na siya pala yung anak nung may ari nung mall. Habang nasa china pa kami nun madalas ko siya bisitahin dun sa mall at naglalaro kami.

Dumating yung araw na kailangan namin bumalik ng pinas. Nung huling pinuntahan ko siya sinabi ko sa kanya na sa susunod na araw aalis na kami. Binigyan niya ako ng larawan niya para daw matandaan ko siya. Ganun din ginawa ko. Pinagtawanan pa nga namin isa't isa dahil sa mga itsura namin sa picture. Nung nakasakay na kami sa eroplano nasa isip ko na pwede ba na maiwan nalang ako at balikan nalang nila ko? Namiss ko kasi agad si benben. Dun ko nalaman na siya pala yung childhood sweetheart ko.

"I miss you benben... Sana magkita ulet tayo" sabi ko nalang at binalik ko na ulet yung picture niya sa bulsa nung shirt ko.

"You know Noona you're gonna catch a cold if you're gonna go outside wearing clothes like that." sabi ni Xiumin habang may hawak na kape.

"I know. Don't worry. Hindi naman ganun kalamig" sabi ko. Umupo siya sa harap ko at binigay din ako ng kape

"*Sip* hmmm... Ang sarap nito Oppa! Ikaw gumawa?"

"Oo. Special coffee ko yan.Ginawan na rin kita nung nakita kita lumabas sa kwarto mo. Aga ko kasi nagising eh" sabi niya

"Ganun ba? Thanks ah" sabi ko at ininom ko ulet yung kape na ginawa niya. Para siyang yung french coffee na natikman ko nung nasa france kami! Di ko lang maalala yung name (a/n: nakalimutan ni author kaya hindi maalala ni JEM *peace* di ako galing france ah! Nangangarap pa! Sadyang mahilig ako sa kape at kapag bored ako nagsearch ako sa google ng kung ano-ano hehehe xD)

Being with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon