Joke.
Madalas nakakatawa, minsan nagiging dahilan kung bakit buo ang araw mo, nakakapagpasaya ng tao.
Pero minsan nakakasakit.
Yung sinabi niyang gusto ka niya, pero joke lang pala.
Masakit diba?
Yung sabi mo okay ka lang, pero sa loob loob mo nagjojoke ka lang kasi ang totoo, nasasaktan ka na.
Mahirap diba?
Yung akala mo seryoso siya sayo, pero joke lang para sa kanya ang lahat.
Nakaka-p*ta diba?
Yung nagjojoke ka lang, pero biglang nagkatotoo.
Masaya?
Masaya sa parte mo, pero hindi mo alam na kung ano ang kasiyahan mo, yun yung dumudurog sa iba.
Minsan ka na nga lang maging masaya, minsan ka nalang makuntento, tapos nakakasakit ka pa ng iba kahit hindi mo sinasadya.
Minsan maiisip mo nalang, bakit ang hirap pakisamahan ng isang joke?
Kasi hindi mo alam kung saan ka lulugar. Sabi kasi ng karamihan, jokes are half meant. Minsan akala mo pure joke pero may ibang meaning na pala. Minsan akala mo may ibang meaning, pero pure joke lang pala.
Hirap no?
Kasi kahit san ka lumugar, masasaktan at masasaktan ka pa din. Kung hindi man ikaw yung nasasaktan, ikaw naman yung nakakasakit.
“Joke ba to?”-DL.
“Masaya nga ako, nakakasakit naman ako ng iba.”-MR
“Sana hindi nalang sila nagjoke.”-AV
BINABASA MO ANG
Started with a Joke
FanfictionMe and my friends gathered up for some event, we were happy, too happy that we even made jokes that are 100% jokes, not even thinking that jokes are half meant because it's really a kind of joke that doesn't show any half meant. Or so we thought. So...