letting go

698 24 3
                                    

ALYSSA'S POV

Bigla akong nakaramdam ng pagod..sa pag ngiti. Syete kanina pa ngalay yung panga ko. Feeling ko tuloy plastik na yung ngiti ko sa ibang picture.

Nandito kasi ako sa Mall. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at ngayong linggo pa ko naggala. Nanood lang naman ako ng sine. Yung 100 tula para kay Stella at Kita Kita. Tulo nga yung sipon ko eh. Ang galing kasi ni Empoy. Tapos puno naman ng sulat yung notes ko dahil sa 100 tula. Dami ko tuloy tula ngayon.

Ayun na nga, as usual, nagmukha na namang may photo booth sa kinatatayuan ko ngayon. Sa bawat hakbang ko papalayo na sana, may lalapit naman sakin at magtatanong kung pwedeng magpapicture. Syempre matatanggihan ko ba? Family ko sila eh. Kahit medyo awkward kasi ang haggard haggard ko na. Pero pagdating sa Twitter, sasabihin pa nilang blooming ako. Lokohan eh. Magaling kasing mangbola mga fans ko. Minsan nga gusto kong iretweet yung mga tweet nila, kaso naalala ko big deal sa kanila yun kasi nga minsan lang ako magtwitter, baka mamaya magkainggitan pa. Wag nalang oy.

"Thank you Ate Ly!" sabi nung last na nagpapicture sakin. Nginitian ko nalang siya. Feeling ko nga gusto niya pa kong yapusin eh. Buti nakapagpigil siya. Ihing ihi na kasi talaga ako.

Kaya eto ngayon si Alyssa Valdez, parang tangang tumatakbo pababa ng first floor para mag-cr. Sinuot ko na nga yung cap ko para walang makakilala sakin.

"Si Alyssa ba yun?"

Patay bes. Sira pantog mo.

"Oo nga no. Tara magpapicture."

"Mukhang nagmamadali eh."

Buti naman napansin mo te. Wala akong balak na abutin dito. Kaya gora na sa destination.

Pagkaupong pagkaupo ko, napangiti nalang ako. Para akong tanga pero masarap kasi sa feeling. Yung feeling na nailabas mo na yung matagal mo nang pinipigilan. Diba ang gaan sa pakiramdam nun? Pati na rin sa pantog.

Paglabas ko ng cubicle..

"Ly."

Natigilan ako at natulala sa kanya.

Biruin mo nga naman oh. Sa dinami-dami ng lugar, sa hinaba-haba ng oras,  sa daming banyo sa mundo, dito pa talaga kami nagkita.

Ano bang pakiramdam to?

Yung nakita ko yung ex ko. Yung ex na kabebreak ko lang. Yung mag-ex na hanggang ngayon mutual pa rin yung feelings para sa isa't isa, yun nga lang ayoko na. Yung ex na sinukuan ko, at yung ex na hindi ako maipaglaban.

Ano nga bang pakiramdam kapag nagkita ulit kayo?

"Excuse me." Yan. Yan yung pakiramdam ko sa mga oras na to. Yung pakiramdam na gustong gusto kong makaalis sa harapan niya. Yung gusto kong maalis yung tingin niya sakin. Yung gusto kong iba nalang yung tingnan niya, yung taong papanindigan niya.

Pero minsan sa buhay ng tao, kahit anong pilit mong umalis sa isang lugar, may isang bagay pa din ang pipigil sayo na umalis. At sa mga oras na to, yung kamay ni Den yung pumipigil sakin.

Yung kamay niyang dumampi sa balat ko na nakapagpaalala sakin ng napakadaming ala-ala. Mga ala-alang pinapahalagahan ko pero ngayon ay pilit ko nang ibinabaon sa limot.

Yung mga kamay na yan, yan yung madalas hawakan ng kamay ko, yung nagpupunas ng luha ko, yung nagbibigay ng ngiti sa mukha ko, yung nagpapakalma sa nag-aalalang ako, yung kamay na minsan ko nang minahal, at yung kamay na minsan na din akong sinaktan.

Started with a JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon