Alyssa's POV
Paano ba mag-move on?
Kadalasan, sinisimulan ng mga kaibigan natin yan sa pagsasabing marami pang iba diyan, hindi siya kawalan. Pero hanggang ngayon hindi ko alam kung paano nakakatulong yun sa pag-momove on ng isang tao.
Dahil ba sinabihan ka ng madami ka pang mahahanap na iba, na mas better, magiging okay ka na ba? Hindi naman diba? Pansamantala siguro, pero kapag nag-isa ka na, kapag nakita mo na siyang may kasamang iba, kapag nakita mong iba na yung nagpapasaya sa kanya, mababalewala lahat ng mga salitang sinabi sayo ng kaibigan mo. Maiisip mo na ang unfair unfair. Na bakit siya masaya na agad, samantalang ikaw umaasa pa din.
Sabi naman ng iba, dapat daw sinasanay mo yung sarili mo na masaktan. Yung palagi mo dapat siyang tingnan, lalo na kung may kasama siyang iba. Kasi kapag daw paulit ulit kang nasaktan, magsasawa at magsasawa din daw ang puso mo hanggang sa kusa na tong umayaw. Eh paano kung mas lalo lang lumalim yung sugat sa puso mo? Paano kung sa halip na mapagod lang, mas lalo pang lumala na pwedeng ikamatay ng puso mo. Wala din diba?
Meron din namang iba na sinasabing, dapat ipakita mo na hindi siya kawalan. Na kaya mo ding sumaya kahit wala siya. Masarap kasi sa feeling na nakatingin siya sayo habang tumatawa ka na may kasamang iba. Yung parang pinapamukha mo na hindi siya kawalan, na dapat manghinayang siya. Pero wala namang magagawa yun eh. Kasi sa oras na wala na siya sa harapan mo, mawawalan ka bigla ng gana na maging masaya. Mawawalan ka ng ganang makipag-usap sa mga taong pinagseselosan niya dati. Kasi yun lang yung goal mo eh, yung ipakita sa kanya na masaya ka na. So hindi ka din makaka-move on. Para ka lang tanga na nagtatangatangahan pa.
“Alam mo, dapat kasi mag-usap kayo ni Den eh.” may sumuntok bigla sa balikat ko, pero mahina lang. Sapat na para bumalik ako sa katinuan at iwan yung deep thoughts ko.
Si Kim pala. Kahit kelan hindi ko to makausap nang hindi ako sinasaktan. Tsk.
“Oh? Ano namang mapapala ko kung mag-uusap kami?” pagtataray ko sa kanya. Totoo naman eh, walang mangyayari. Mas lalo lang naming sasaktan ang isa't isa. Baka mas lalo pang lumala yung sitwasyon namin.
“Edi closure! Duh! Utak naman pleasee.” sabi pa niya sabay irap. Sarap dukutin ng mata nito, promise. Kung hindi lang to lasing kanina ko pa to sinabunutan.
“May closure na kami.” sagot ko nalang sabay buntong hininga. Sa banyo nga lang.
“Sus. Walang closure na ginaganap sa banyo! At tsaka ang purpose ng closure maayos yung mga buhol na ropes sa pagitan niyo.” binato pa niya ko ng unan na hindi ko nasalag pero hindi din naman tumama sakin.
Nginitian ko nalang si Mika. Siya kasi yung sumalag nung unan. Naks, blocker nga talaga siya. Ang fast ng pick-up niya sa mga ganitong sitwasyon. Kanina pa kasi ako binabato ni Kim sa tuwing may sinasagot ako sa kanya na hindi niya nagugustuhan. Baliw nga kasi.
“Tama ka.” akala ko lasing na din si Mika kasi kanina pa siya tahimik. Siguro nagiging sober na siya dahil nakisali na siya sa usapan namin.
“Yun yung purpose ng closure. Pero hindi dapat yun minamadali. Kung gusto niyo ng closure, dapat yung parehas na kayong ready na ayusin at linawin na wala na talaga. Kasi walang sense kung hihingi ka ng closure sa isang tao na hindi mo pa kayang pakawalan at patawarin.” she explained as she took a sip from her juice.
I nodded my head as I stuck my tongue out on Kim. Ha! In your face.
“At kung gusto mong mag-move on, dapat hindi mo sinasabi.” tumingin siya sakin. “Ginagawa mo dapat. Action speaks louder than words, although it's not applicable every time.” she shrugged.
BINABASA MO ANG
Started with a Joke
FanfictionMe and my friends gathered up for some event, we were happy, too happy that we even made jokes that are 100% jokes, not even thinking that jokes are half meant because it's really a kind of joke that doesn't show any half meant. Or so we thought. So...