Hello guysssss..!!!
salamat po pala sa mga nagtyatiyagang mag basa ng storyang toh
Pasesnsya na po kung medyo may kacornihan po tong story. Hope you enjoy na lang po :D
__________________________________________
Ngayon ay nagsusunog ako ng kilay sa kaka-aral...choot!! nagkaklase si Ms. Great Wall of China (Ms. Dee) Math teacher namin. Halos buong klase ay tinatawag siya ng palihim ng Ms.ChinChan Xu (syempre ingat-ingat para di bumagsak) dahil para siyang instik magsalita, and maiintindihan mo sa sinasabi niya ay "kimberlu-eklabu-blah-blah-asdfghdfghertyu-x and y" puro x and y lang ang maririnig mo tas pag tinanong mo yung sipsip naming genius ang isasagot niya ay "simply add the x and y" yun lang, kinakain niya kasi ang salita niya. Onti na nga lang ay malulunok na niya ang ngipin at dila niya buti na nga lang at waterproof yung mga nasa unahan dahil hindi sila nababasa ng lawa ni Ms.ChinChan Xu (ewww!!! yuckies!!)
Kung hindi niyo pa natatry na mag-gurgle ng fresh from the mouth na laway ng isang teacher...pwes nababagay kayo sa H.O.T.S. Kaya kung ako sa inyo, ENROLL NOW!!
Speaking of pag-aaral, eto ako nakatulala sa libro ko at kunwaring nagbabasa pero yung totoo ay pinag-aaralan ko kung paanong strategy ang gagawin ko para makita siya. Wala pa kasi akong concert ticket. Di man lang ako naghingi nung nag-meet kami, tsk-tsk-tsk (wow, kapal...kasing kapal ng pinagpatong-patong na make up ni Ella)
Napansin kong kanina pa may kumakalabit sakin. Baka pinagtitripan lang ako kasi uso samin yan eh...kalabit sabay tingin sa kasulok-sulukan ng langit o ng pader na kunwari tinitingnan ang pag-eevolve ng mga langgam tas pag tinanong mo sasabihin niya "hindi ako yun..inaano kita?" tas magpipigil ng tawa kahit parang natatae na sige lang sa pagtatanggi... eh pano kung sabihin ko na "Charles Darwin, tapos ka na ba sa pag-iimbestiga mo sa evolution ng langgam?" malaking bwush*t din yan sa buhay eh..pero lahat naman ata ng estudyante napagdaanan nayan... dat's layp!
Di ko na pinansin at pinagpatuloy ko ang daydream ko....Di parin tumitigil yung nangangalabit at habang tumatagal ay palakas na ng palaka na akala mo ay tinutulak ka sa swing. Tiningnan ko kung sino, si Angelo pala...oo katabi ko siya...siguro nantitrip
Angelo:"Huy babae, tawag ka ni ma'am. kanina pa!" medyo pabulong niyang sinabi
Jane:"Bakit??" siguro itatanong ni ma'am kung kelan kasal namin ni Justin. Ay nako ma'am, hayaan mo kukunin kitang flower girl basta ipasa mo kami wahahahahahah
Angelo:"sagutin mo daw yung nasa board" tinuro niya yung board, tumayo ako at tumingin sa board
Ms. Dee:"what's the answer on number 1, Ms. Balintay" sabi niya sakin sabay ayos ng salamin sa mata gamit ang middle finger na parang namama*yu
Ma'am correction po, Mrs. Bieber na po!! haay nako ma'am turo kasi ng turo, nood-nood din ng tv pag may time hahahahahahaha buti nalang alam ko yung answer kahit papano
Jane:"Ma'am the answer is-" umangal si ma'am
Ms. Dee:" Faster, 123-go!!!!!" sabi niya ng mabilis.
Jane:"ChinCha---- a-ay Ms. Dee pala, the answer is-" sa kamalas-malasan muntik na ko madulas at sa mas kamalasan ng kamalas-malasan umangal nanaman si ma'am.
Ms. Dee:"wrong!.another one...blah-blah-blah..." as usual natawa ang buong klase. Umupo na ko at huminga na lang ng malalim para lumamig ang kulo ng dugo ko kay ma'am.
Kainis lang kasi hindi naman siya nagdidiscuss masyado pero araw-araw may QUIZ at LONGTEST. Tas, pagsinabi namin na hindi pa yon nadiscuss, siya pa ang mag-rereklamo "-______-" Pero hayaan na lang, teacher eh NEED TO RESPECT DA ELDERS...Matapos ang mahabahabang pagtuturo, natapos na din sa wakas ang klase ni Ms. ChinChanXu.
BINABASA MO ANG
Ur the Love Of my Life <3 (U.L.O.L.-A Belieber Taglish Story)
FanfictionIsang loka-lokang FanGirl na pumunta na lang sa puno ng mangga tas naging ONE LESS LONELY GIRL??? Aba-aba-aba, di ata makatarungan yon...Lahat na ata ng puno napuntahan ko may Aleteris, Narra, Sampaloc, Buko, Mangga at kung ano-ano pang puno pero di...