04 : TOEGGTHER

69 1 0
                                    

[Choi Rima]

*insert school bell here*

Tapos na din ang 2nd to the last subject ko for today at  naka-meet naman ako ng new friends. Meron na nga akong squad eh. Di ako loner guys. Wooh!!!! Cheer niyo naman ako!! Joke. Hehe. I'm a funny and friendly person po eh. Lol. Nahawa na ako kay Daehyun. Shocks baka naman maging conyo na rin ako? Huwag naman sana.

"Rima, san mo gusto kumain? Tutal 2 hours naman vacant time natin bago mag last subject." Sabi ng isa sa mga una kong friend sa block ko aka Kim Sula.

"Hmm... kahit saan siguro." Sagot ko.

Paglabas namin ng classroom ko bigla naman lumitaw si Park Jihoon. Oo lumitaw siya. "Uh...hi?" Sabi niya awkwardly.

"Hello Ji! Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Narinig ko kasi kay Daehyun na two hours ang vacant mo eh ako rin kasi... naisip ko sanang puntahan ka. Pero mukhang busy ka kaya sige alis na lang ako."

"Hala waaaag!!!" Sabi naman ni Sula. Nagulat naman kami kasi bakit niya pinigilan si Ji? I mean ayoko din naman paalisin si Jihoon pero medyo awkward diba? Di naman ata sila ganun ka-close and stuff. Baka fan siya ni Jihoon? Sabi nga pala ni Dae famous 'tong si Jihoon...?

"I mean naalala ko kasi na may kailangan pala akong gawin. Baka di kita masamahan sa vacant time natin, Rima. Kaya see you later. Bye~~" Sabi niya pero bago siya umalis nihug niya ako tas bigla naman siyang lumapit kay Jihoon at mukhang may binulong na ewan based from his reactions. What if di lang pala basta fan si Sula? What if... Sila rin ba? Joke.

Dahil kaming dalawa na lang ni Jihoon pumunta na kami ng cafeteria para kumain. Nag order ako ng rice ball tas siya naman ay nag kimbap.

"Close pala kayo ni Sula?" Tanong ko. Hindi naman sa nangengeelam ako sa kaibigan ng may kaibigan pero curious lang ako.

"Ah hindi. Ngayon ko nga lang siya nakilala eh."

"Ohh pero ano binulong niya sayo?" Bigla naman nasamid si Jihoon sa tanong ko. Hindi naman ulit sa nangengeelam ako pero curious lang ulit ako.

"Ji, okay ka lang ba?" Sabay abot ng tubig.

"Okay lang ako haha wala lang yung sinabi niya."

"Weh? Di nga. Pero yung reaction mo kasi eh shook na shook ka."

"Eto kasi...sabi niya sakin..." Lumapit siya sabay bumulong. "Bukas daw zipper ko." Tapos lumayo na ulit siya. "Ayan happy ka na?"

"Haha kaya pala. Pero di ko naman napansin." Susubo na sana ako pero bigla kong naisip na baka na-misunderstand niya sinabi ko. Baka bigyan niya ng pangalawang kahulugan. "W-Well not that I looked ha!!" Tas tumawa na lang kaming dalawa kasi katulad ng ng sabi ko kanina, I'm a funny person. Lol.

"By the way Ji, close ka pala kay Daniel Sunbae?" Di niya ako sinagot agad. Baka di lang ako narinig kaya inulit ko. "By the way Ji, close ka pala kay Daniel Sunbae?" Akala ko uulitin ko na naman eh, pero buti narinig na niya ako.

"Ah... oo close kami."

"San kayo nagkakilala?" Hindi naman sa nangengeelam ako ng history ng pagkakaibigan pero, curious lang talaga ako.

"Sa school lang din. Pareho kaming dance club since way back then."

"Wow ang galing naman. Talagang dancer siya noh." Nakakainlove talaga yung mga lalaki na marunong magsayaw 😍

"Dancer din naman ako ah." Sabi niya tas natawa ako. Lol di ko kasi alam na nagsasayaw din pala siya. Bait ko talagang kaibigan.

"Weh? Di pa kasi talaga kita nakikita magsayaw. Tsaka sa acting class ka ah?"

ONE SUNNY SIDE UP | WANNA ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon