07: UMBR(egg)LLA

55 2 2
                                    

[Author]

"Uy may dala kang payong?" Tanong ni Rima sa kanyang kaibigan na si Sula.

"Ah wala bakit?" Sagot naman ni Sula.

"Sabi kasi ng news may bagyo daw tas lalakas ang ulan."

"Maaraw-araw nga ngayon eh tsaka baka umulan pag nakauwi na tayo. Wag kang mag-alala. Ambon lang yan."

"Eh pero..."

"Chill ka lang bes." Pagpasensyahan niyo na si Rima mabilis kasing kabahan yung batang yun. Concerned lang siya.

Lunch break nila at may ka-block mate naman si Rima na kumalabit sa kanya. "Rima may gusto daw kumausap sayo." Syempre napaisip naman si Rima kasi sino naman may gustong kumausap sa kanya? "Eh? Sino kaya yun?" Ang sabi nito sa kaniyang isipan.

Paglabas niya ay nakita niya na si Kang Daniel pala ang gustong kumausap sa kaniya. Siyempre bigla siyang namotivate sa buhay. "Oh, hi Daniel Sunbae! Bakit... mo ko gustong makausap?" Tanong niya.

"Gusto ko lang sana ibalik sayo tong payong mo. Thank you ulit."

"Ahh... Wala yun. May payong na po ba kayong nilagay sa mga kuting? Musta na din po sila?" Kuting ba talaga kinakamusta nito o si Daniel? Joke.#Issue

"Ah mukha namang maaraw kaya di na ako naglagay ng payong. Tsaka okay naman sila, matatakaw. Haha. Minsan bisitahin natin sila together." Ayown together daw. Yie. Together. Kilig na naman tumbong ni Rima.

"Ah sige po." Tas nagpaalam na agad si Daniel dahil may meeting siya sa student council. #Asabusyperson

Pagbalik ni Rima sa classroom, maraming mga babae ang nagsasabi na ang haba ng hair niya kasi dati si Jihoon tas ngayon si Daniel naman daw. "Mga kaibigan ko lang sila haha." Sabi ni Rima sa kanila. "Dami mong boylet ah." Bulong naman ni Sula.

"Luh friends ko nga lang sila. Tsaka di ko sila reach. Mataas standards ng mga yun. Sila pa. "

"Talaga lang ah?"

"Oo nga......."

"Haha bahala ka."

At dahil buong klase ay inspired si Rima, hayaan mong i-fast forward natin ang kwento sa uwian.

Eksaktong natapos ang klase ni Rima nang magsimulang umulan hanggang sa lumakas ang buhos nito. Lahat ng mga estudyante ay nagsitakbuhan dahil wala silang mga payong. Mga di nakikinig kasi sa news tsk tsk.

Syempre, dahil girls scout si Rima, may payong siya. Pa-chill chill na lang siya ngayon. Nauna na yung mga kaibigan niya na umalis at siya naman ay nakaupo lang sa loob ng classroom nila dahil sobrang lakas ng ulan at hangin baka masira nito yung payong niya. Bigla naman niyang naalala na walang payong yung mga alagang kuting ni Daniel. "Hala..." Agad-agad siyang napatakbo dahil concerned siya sa mga kitties. Kinakabahan siya na baka magkasakit yung mga kuting. Dahil dun, di niya na nabuksan yung payong para sa sarili niya.

Pagdating niya sa alley kung saan nandun ang mga pusa, naabutan niya naman na si Daniel na pahirapang tinaktapan ang mga kuting sa ulan. "Sunbae!" Tawag ni Rima sa basang basa na si Daniel. "Oh, Rima ikaw pala. Bat di ka pa umuuwi? Tsaka bat basang basa ka?"

"Ah eh kasi naalala ko po yung mga kuting nalimutan ko na may payong ako hehe." Tumawa sila at inayos ang mga pusa.

"Ganun ba? Sige salamat. Pwede mo ba akong tulungan?" Ngumiti si Rima at masiglang umoo.

Samantala...

"Okay! Done na!" Wika ni Daehyun nang matapos na nila ang first part ng group project nila. Napatingin naman si Daehyun sa paligid. "Wala pa rin si Rima?" Tinignan niya ang oras sa kaniyang laptop at magdidilim na ang paligid. Agad siyang tumayo at sinilip ang bintana sa kwarto. "Oh no... Ang lakas pa ng rain. Wala pa si Rima...Baka naman na stranded nga siya talaga somewhere?? Or baka nakidnap??" Ang nag-aalalang pag-iisip ni Daehyun. "Omg what am I gonna do?" Paulit ulit na sinabi ni conyo queen ng bigla niyang naisipan tawagan si Jihoon. Baka sakaling alam niya kung nasaan si Rima. Eh ang kaso, mga naka 20 na tawag si Daehyun kay Jihoon bago niya ito sagutin.

ONE SUNNY SIDE UP | WANNA ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon