05 : PURRFEGG TWO

63 1 0
                                    

Ang di maka-get ng title, i-evict na sa mundong ito.

[Choi Rima]

Out of nowhere ng mga 9pm ng Saturday, lumabas ako sa aking dorm dahil yo girl is hungry and tulog naman si Daehyun. Ang aga niya matulog...... Hulaan niyo? Nahulaan niyo? Oo, nakain ko na lahat ng pagkain ko sa room #SadLyf. Nakahoodie at pants lang ako dahil umuulan pa shiz. Napakabait ng panahon.

Dumiretso ako agad sa convenient store aka 7/11 para bumili ng ramen nang biglang may humawak sa paa ko. "Omo!" Syempre nagulat ako. What is Rima without gulat nga naman diba? Pagtingin ko isang kuting na nakakapit sa akin. Meow siya ng meow tas bigla siyang umalis. Di ko na sana papansinin eh kaso I love animals pati curious na naman ako kung bakit may pusa sa loob ng 7/11. Cute ng 7/11 noh? Animal friendly pala sila.

So dahil nga I love animals, syempre sinundan ko. Pumunta siya sa isang corner na malapit sa 7/11 and I was like scared. Alam niyo naman sa mga movies diba? May mga masasamang tao na lumalabas diba pag ganitong gabi.

Pagdating ko sa kanto, tumigil na yung kuting tas to my surprise maraming mga kuting ang nasa box. Parang mga six ata sila if I did my math right. Meow sila ng meow ng sobrang cute. <3

"Gutom na ba kayo?" Tanong ko sa kanila as if naman sasagot sila. Actually sumagot naman sila. Hindi ko lang naintindihan. "Meow" Ang sabi nila. Huhu cute! Anyways, dahil cute sila, tumakbo ako sa 7/11 at bumili ng payong at isang litro na milk kasi wala naman cat food dun. Humingi rin ako ng box sa cashier. Buti binigyan niya ako at di na nagtanong kung para saan eh wala naman akong maisip na ibang dahilan. Lumabas ako at punta sa corner kung saan nandun ang mga kuting. Binuksan ko yung payong at nilipat sila sa bagong box na hiningi ko. Buti na lang may isang malaking container dun sa dati nilang box so dun ako nag lagay ng gatas. Siguro may nagpapakain sa kanila araw-araw noh? Pero bat gutom na gutom sila ngayon. Baka nalimutan ng nagpapakain 😢. "Inom lang kayo ah." Ang pagkakausap ko sa kanila.

Habang busy kong pinapanood silang uminom, bigla naman akong nakarinig ng footsteps. Syempre natakot akong lumingon diba kasi baka killer pala ganern. Pero, nakita ko yung mga kuting na umalis sa kahon para puntahan yung tao na pumunta. So tumayo na ako at napagdesisyonan na maging matapang at harapin ang tao na nilapitan ng mga kuting. Alam niyo nangyari next? Nashook ako. Bakit? Kasi di ko ineexpect na ang makikita ko ay si Daniel Sunbae. Shiz. Si. Kang. Daniel.

"O? Hello! Rima pangalan mo diba?" Kilala niya pa rin ako..... Natatandaan niya pangalan ko..... Tama rin yung pangalan ko guys......"Di kita masyado nakikita sa school ah." Sabi niya.

"Ah opo. Di nga rin po kita nakikita eh." Sabi ko rin.

"Well baka kasi my fault. Alam mo naman busy with student council and varsity stuff."

"Kasali ka po dun?"

"Yep para madaming involvement." Sabi niya tas nagulat ako kasi bigla niyang nilagay sa ulo ko yung hood ko like imagine niyo na lang pls.

"Kanina ka pa nababasa ng ulan baka magkasakit ka." Namamatay na me.... "By the way ikaw ba yung nagpayong at nagbigay ng milk sa mga kuting?"

"Ah opo."

"Oh really? Thank you so much! Ako kasi talaga nag-aalaga sa kanila kaso sabi ng mama ko paalisin ko daw sila sa bahay namin kaya nilagay ko sila malapit sa school para madali kong mapupuntahan if ever. Ngayon lang talaga ako late dahil inutusan ako ng mama ko mag-ayos ng bahay. Thank you ulit, Rima." Sabi niya habang hawak-hawak yung mga kamay ko. Baboom!

"Ah wala po yun mahilig din talaga ako sa mga animals kaya ginawa ko yun. Haha. Sige po aalis na po ako." Paalam ko sa kanya.

"Teka wag muna." Pinigilan niya ako.... Kinikilig ako.... " Uhm ganito kasi wala pang mga pangalan yung mga kuting. Gusto mo ba akong tulungan? Uhm...kung gusto mo lang naman, sorry."

"Talaga po? Ah...sige po!"

Tas ayun pinangalan naman yung six na kuting. Yung puti name niya ay Rice Ball. Yung black and white ay si Cow. Tas yung may parang tiger ang kulay ay naging Tiger ang name. Tas yung dalawa na magkamukha ay si Ador and Able because adorable lol. Cute namin noh---Este cute ng mga kuting.

"Okay yung pinakamaliit na kuting na lang. May naisip ka na ba ? Kasi ako meron na." Sabi niya sa akin.

"Wala pa po haha ano po yung naisip niyo?"

"Well since maliit siya tas super cute. It reminds me of you nung una kitang nakita. Alam mo ba itong kuting na 'to yung pinakamahirap nakunin kasi parang ikaw nagtago din siya sakin nun bago nagpakuha. Parang shy siya hahahaha kaya ipapangalan ko siya na Rima. Kamukha mo kasi tas kaugali mo pa. Ayos ba?" Bigla naman akong nagblush sa sinabi niya kasi shiz puso ko.

"Hahahaha Ayos na ayos po." Nginitian niya ako tas nakipaghigh five siya sa'kin. Huhu. Bakit ang bait niya?

"Okay dahil tapos na tayo tara kain tayo libre kita dahil inalagaan mo babies ko."

"Ah wag na po busog naman po ako." Kahit hindi kasi di na ako nakakain.

"Weh? Tara na. Sige ka masarap pa naman ililibre ko."

"Okay na po ako hehe." Tas biglang tumunog tiyan ko shet kahiya.

"Haha cute mo. Tara na gutom ka na." Hinatak niya ako tas dinala niya ako sa Mr. Ramen. Lol. Pag-upo namin, tinanong niya ako kung ano daw ba gusto ko. Sabi ko siya na lang bahala since first time ko lang kumain doon. Shiz date ba 'to? Clutch date? Shiz puso ko ulit hindi kinakaya.

"So how's school so far?" Tanong niya sa akin habang kumakain na kami ng ramen.

"Uhm...Okay naman po. Medyo nakapag-adjust na ng slight sa college life. Marami na naman akong friends tas masaya naman sa school." Ngumiti siya. Huhu cute!

"That's good to hear! Buti naman haha. Ah, huwag ka na mag po sakin dahil friends na tayo." Friends? Friends na kami. Potek. ajajaja. Okay so basta nagnod na rin ako upang ipakita na pumayag ako.

"Paano pala kayo naging friends ni Jihoon?" Tanong niya ulit. Di ako na-informed interrogation pala 'to.

"Si Jihoon? Ah, childhood friends po kami sa Daegu."

"Oh...Taga Daegu ka? Taga Busan naman ako." Cute. 😊😊😊 We're meant to be. Joke. Walang connect. "Paano pala kayo naging close ni Jihoon?" Ako naman ang nagtanong ngayon.

"Naging close kami sa dance club pero sa totoo lang matagal ko na siyang gusto maging kaibigan. Huwag mo kong pagtawanan ah? Pero dati kasi wala akong kaibigan. Pusa nga lang kalaro ko nung bata pa ako. Buti nakilala ko sina Jihoon at Seongwoo kasi at least di na ako nag-iisa ngayon." Wawa naman si Daniel Sunbae. :(

Nagkwentuhan kami ng kung ano ano hanggang sa maubos namin yung mga ramen. Pagktapos, hinatid niya ako sa dorm. "Pag may activities kami sumama ka pati si Daehyun."

"Sige po!"

"By the way, salamat ulit, Rima."

"Wala po yun. Thank you rin po. Bye."

Buti na lang walang curfew tong dorm namin kasi kung hindi, rip me. Buong gabi akong nasa labas. Pagbalik ko sa room, nakita kong humihilik na si Daehyun. "Sarap naman ng tulog niya." At dahil nainggit ako, natulog na rin ako.

~♡~

~♡~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~♡~

ONE SUNNY SIDE UP | WANNA ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon