08: BAGOONG NI ONG

59 1 0
                                    

[Choi Rima]

Pagkagising na pagkagising ko palang, bigla nang nanakit ulo ko. Shiz. Dahil ba to sa naulanan ako? Nako po.

Tumayo ako sa higaan ko para mag-ayos na sana. Ngunit nakita ko yung oras at 10am na pala! I'm like 2 hours late dahil 8 am pasok namin. Syempre nagpanic mode ako kasi kahit yolo ako, ako yung tipo ng tao na ayaw umabsent dahil may grade din ang attendance noh. :( Habol na lang siguro ako sa next class...? Oo, gusto ko talagang humabol kahit parang ang sama ng pakiramdam ko.

Napatingin naman ako sa personal table ko at nakita ang isang papel na galing kay Daehyun.

Hello my child,

By the time you wake up I'll be gone....

Lol jk. Hindi ako mawawala hanggang sa hindi pa kami nagpapakasal ni Sewoon. I'll be at school lang. 'Wag ka nang humabol pa sa school okay? Ang init-init mo kasi! Wait! Not because of figuratively hotness, but because you have a fever! You're coughing pa. But don't worry, I left some medicines and porridge for you to eat. I-microwave mo na lang hehe (si Jihoon bumili niyan but he doesn't want me to tell you hehe that but I still told you anyways so shhh!! Baka he'll might make wala at me if he knew.) See you later!! Rest well okay???

Love,

the most beauitful dilag on Earth, Daehyun.

Pagkatapos kong basahin ang touching note ni Daehyun, tinignan ko naman yung phone ko kasi baka may mga texts; at meron nga. Mga naka 30 missed calls and texts galing kay Sula. Nako. Shiz. Dami load ni Sis. May mga text din galing sa mga other friends ko na sila na daw bahala sa notes ko. Bait naman nila.... Nakita ko ang isang text na galing kay Daniel Sunbae. Sana gumaling na raw ako agad. Shiz. Kakilig. Tapos, may text din kay Jihoon pero space lang. Hindi ko alam kung bakit siya nagsasayang ng load kung space lang pala itetext niya... bat ang pabebe ni Jihoon? Galit pa din ba sakin? Sorry ba ako? Well paano ako magsosorry kung di ko naman alam dahilan kung bakit siya galit, kung galit man siya.

Anyway, bigla naman akong naluha dahil maraming mga tao ang nakaalala sayo. Wala lang... ang touching kasi. Isa pa, buti pa sila ang daming load. Sana ako rin...

Mas lalo naman akong naiyak ng makita kong tumatawag ang nanay ko. [Rima? Anak, absent ka raw? Bat ka absent? May sakit ka ba?] Mas na mas lalo akong naiyak kasi kilalang kilala talaga ako ni mama. [Bat umiiyak ang baby ko? Tahan na.]

"Hello mom...opo may sakit po ako. Wala lang namiss lang kita bigla."

[Miss ka na din namin dito...gusto ka nga sana kausapin ng papa mo kasi busy sa work. Bat ka nagkasakit?]

"Naulanan po."

[Gusto mo bang pumunta ako dyan para alagaan ka?]

"Wag na ma baka mas maiyak lang ako dito tas baka sumama na ako pauwi dyan."

[Pasensya na anak at dyan ka namin pinag-aral ng papa mo. Inaalala lang namin future mo.]

"Alam ko naman po yun ma eh. Ah, Mom. Musta na pala mga alaga ko? Lalo na yung mga kalabaw?"

[Ayun nung una malulungkot talaga sila tas ayaw kumain pero ngayon nasanay na sila na ako yung nagpapakain sa kanila.] Umabot ng ilang oras ang pag-uusap namin ng mama ko. Hindi man kami magkasama pero naramdaman ko pa rin yung warmth niya at dahil doon parang wala akong sakit na nararamdaman.

[Lee Daehyun]

"Pero diba mas better kung---"

"Daehyun kanina ka pa kontra ng kontra. Ano ba talaga gusto mo?" Sabi ng group mate ko na I dont want to name kasi it's not even worth mentioning her name.

ONE SUNNY SIDE UP | WANNA ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon